Kabanata 8

809 17 1
                                    

"Bagong dilig?"

Napatigil ako sa pagnguya ng sandwich ko dahil sa tanong ni Sierra. Nag-jogging kami sa subdivision namin. Nagpunta si Sierra kaninang four o'clock sa bahay para lang ayain akong mag-jogging. Imagine antok na antok pa ako nang bulabugin niya ako tapos aasarin niya lang ako.

"H-hindi ha!"

Kumagat siya sa sandwich niya bago tumingin ng nakakaloko sa akin. Ilang minuto lang naman kami tumakbo at inaya na niya ako dito sa covinience store dahil nagugutom na siya.

"Sus! Gabi-gabi ka sa condo ni Eros. Jusko gasgas na ang pangalan ko, kagagamit mo!"

Natawa ako sa pagrereklamo niya. Palagi kong sinasabi sa magulang ko na sa condo ni Sierra ako kumakain ng dinner dahil pinagluluto ko ito. Hindi naman nagrereklamo ang mga magulang ko.
"Dapat may talent fee na ako!"
"Fine, anong gusto mo?"
"Nah," umiling siya. "Si Eros sisingilin ko."

Akala mo naman talaga may mapapala siya kay Eros. Matapos naming kumain ay umuwi na kami. Siya sa condo niya at ako naman sa bahay namin. Six in the morning, antok na antok pa ako. Mabuti na lamang at linggo hindi ko kailangang pumasok sa trabaho.

"Amanda, wag kang aalis mamayang hapon. Let Sierra order her food or invite her here."
"Bakit po?" I asked Mama.
"We have a celebration later, honey."
"Para saan po?"

Wala naman may birthday or achievement na dapat i-celebrate.
"For your upcoming wedding!"

Natigilan ako sa sinabi ni Mama. Lately, hindi na pumapasok sa isip ko ang tungkol doon. Now that she mentioned it, sumisikip ang dibdib ko.
Mas lalo akong namroblema dahil last week I visited my OB gynecologist and she said something that can ruin everything!

My phone rings, so I excused myself. Umakyat ako sa kwarto ko at sinagot ang tawag ni Eros.
"Hello?"
"Let's runaway, baby."
"H-ha?"
Gusto niya bang takasan na lang namin ang lahat ng ito. Ayos lang sa akin. Kahit normal lang ang buhay namin, kahit magpakalayo-layo kami ay ayos lang. Kahit mamuhay kami ng simple lang ay payag ako. Pero hindi pwede may bagay akong inaalala at hindi ko maaaring pabayaan na lang iyon, hindi ko kayang itaya.
"I'm just kidding. I'll try to fight for you first, kapag hindi kinaya itatanan kita."
Bahagyang akong tumawa.
"Itatanan mo ako?"
"Yes baby," malambing na sabi niya.
"Haha, saan mo naman ako dadalhin?"

Naiimagine ko pa lang na magtatanan kami ay napapangiti ako. Kagaya ng sa mga movies dadaan sa bintana sa kalagitnaan ng gabi. That's risky but I'm thrilled.
"Saan mo gusto? Paris, Japan or Korea?"
Ang sosyal naman namin magtanan at sa ibang bansa pa talaga ang naisip niya.
"Haha kahit saan, basta kasama ka,"  sagot ko sa kan'ya.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko pero isang daing ang narinig ko sa kan'ya.
"Ahh!" dating niya.

Napatayo ako sa pagkakaupo ko sa aking kama dahil doon.
"Okay ka lang?" tanong ko.
"Eros?" tawag ko pa sa kan'ya.
I heard him chuckle. "Sorry, I fell," sagot niya.
Saan naman siya nahulog. Ano ba 'yan hindi siya nag-iingat! Baka mamaya nabalian siya.
"Saan? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ko.

"I fell... for you baby, harder."

Isang mahabang halakhak ang pinakawalan niya matapos sabihin iyon. Ramdam ko ang pagwawala ng puso ko dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga, ang dami niyang alam. But that made you fell harder too right? I told myself.

The celebration went fine. Kahit nasa ganoong sitwasyon ay nakapuslit parin sa akin si Eros. Hindi ko pa nasasabi sa kan'ya ang sitwasyon ko. I tried pregnancy test kanina before the celebration and it's really positive, buntis ako.

                      *****
Naglakad na sila palabas kasunod ang mga magulang ko, nasa huli ako at sa unahan ko ay si Eros. Nagulat ako ng mabilis siyang lumingon sa'kin at isang mabilis na halik ang iginawad sa akin.
Nanlaki ang mata ko at nilibot ang paningin sa paligid, mabuti at walang tao. Wala talagang takot ang isang ito. Nang makaalis na sila ay bumalik na ako sa loob ng kwarto ko at natulog.

Kinabukasan ay galit na nakatitig sa akin ang mga magulang ko at binagsak ang pregnancy test sa harapan ko.
"Amanda!" Galit na sigaw ni Papa.
"Anak ano 'yan? Alam kong wala pang nangyayari sa inyo ni Enrico," si Mama.
Binalot ako ng takot, papaano ko sasabihin sa kanila na si Eros ang ama. Alam kong hindi nila matatanggap si Eros, at hindi rin papayag sina Tita Grace.
"Mama..."
"Ano Amanda?" galit na tanong ni Mama.

Nakita kong may kausap sa cellphone si Papa at ilang minuto lang ay dumating na si Enrico at ang magulang niya.

"Sinong ama?" Malamig na tanong ni Tita Grace.
Tanging paghikbi lamang ang nagawa ko. Hindi ako makasagot sa kanila.

"Tawagan mo ang ama n'yan,  iharap mo sa amin!" sigaw ni Papa.

H-hindi... H-hindi ko kayang ipahamak sa kanila si Eros. Alam kong nasasaktan si Eros dahil sa kawalan ng tiwala sa kan'ya ng magulang niya. Hindi ko na nais pang dagdagan iyon.

Lumuhod ako, lumuhod ako sa harapan nilang lahat. Wala akong pakialam kung mukha akong tanga. Wala akong pakialam kung mahapdi sa balat ng tuhod ko. Baby, we won't burden your daddy.

"Wala po, hindi ko kilala. It's a one nightstand baby," I lied.
They look at me with full of disgust.
"Hindi 'to pweding lumabas sa publiko," sabi ni Tito.
"Nakakahiya," dagdag pa ni Tita.
Sumang-ayon sa kanila ang mga magulang ko. Ramdam ko ang galit ni Enrico pero itinayo pa rin niya ako mula sa pagkakaluhod ko.

They decided to send me abroad, kung saan walang makakaalam ng pangyayari. Palalabasin na lamang daw nila hindi natuloy ang kasal dahil hindi kami na inlove sa isa't isa.
Hindi na ako nagpaalam pa kay Eros at ang alam ko ay kahit sa kan'ya ay hindi pinaalam ng magulang niya ang nangyari. Gusto kong magpasalamat dahil doon pero hindi ko maiwasang hindi masaktan para sa kan'ya. Ganoon ba talaga sila ka walang tiwala kay Eros?

On the third month of my pregnancy, nagawa ko ng magparamdam kay Sierra. I made a facebook dummy account na alam kong makikilala niya. SierrA that's the name I made. I purposely made the letter a big para malaman niyang ako 'yon. A stands for Amanda. Hindi nga ako nagkamali agad niyang in-accept ang friend request ko at tinawagan ako.

"My God! Where the hell are you?" bungad na tanong sa akin ni Sierra.

Pleasuring AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon