Kabanata 15

754 18 1
                                    

"Sa condo na lang tayo."

Kahit yata ang kaibigan ko ay hindi nagugustuhan na palaging nakikita ang dalawa.

"Mabuti pa nga. Take out na lang tayo."

Gutom na ako at alam kong pati si Sierra ay gutom na. Hindi na aabot kung magluluto pa ako. Sa huli ay ganoon nga ang ginawa namin. Nang tumalikod kami sa restaurant ay nakita ko pa ang pag sulyap sa amin ni Eros at kunot noo nang umalis kaming magkaibigan.

"Pakiramdam ko tuloy sinusundan tayo ng dalawang iyon!" sabi ni Sierra.
Nakauwi na kami sa condo niya at kumakain na rin.
"Baka nagkataon lang."
Bakit naman kami susundan? Edi mas nasira ang date nila kung nasa paligid lamang kami.
"Hindi ako naniniwalang nagkataon lang! Kung ako ang girlfriend ni Eros hindi ako lalapit kung nasaan ang ex niya no?!" Maarteng sabi ni Sierra.
Tumango na lamang ako at hindi na nakipagtalo dahil ang totoo ay may punto naman ang kaibigan ko.

Nagkatinginan kami nang may mag doorbell. Ngumuso si Sierra at labag sa loob na iwan ang pagkain niya. Tumigil na rin muna ako sa pagkain para sabay parin kami ni Sierra pagbalik niya.

"Ano ba namang ginagawa mo rito Kuya?"
Napalingon ako sa papasok sa kusina nang marinig ko ang reklamo ng iyon ni Sierra. Kuya Leo in his denim pants partnered with a white v-neck shirt. Ang linis niyang tignan, kung hindi pa siya naupo sa harapan ko at pagtaasan ako ng kilay ay hindi pa mapuputol ang pagmamasid ko sa kan'ya.

"Hi Amanda," ngumisi siya.
I just rolled my eyes.
"Sungit," reklamo niya.
Ang akala ko ay makakakain na kami nang maayos ni Sierra ngunit bumukas pa ang pintuan ni Sierra at sabay sabay kaming tatlo na bumaling sa pinto ng kusina para makita kung sino iyon.

Si Pio kasama si Eros at Tasha. Tss bakit pa nga naman kami mag-iisip ng kung sino malamang si Pio lang naman ang nakakapasok dito.

"Anong ginagawa n'yo rito?" Tanong ni Sierra.
"Hindi mo ba ako namimiss, Love?"
Kuya Leo faked cough. Napabaling sa kan'ya si Pio at hilaw na ngumiti. Nahiya yata. Patago akong natawa. Tumayo si Kuya Leo at lumipat sa tabi ko.

"Eat, Amanda. Don't mind them, namamayat ka na mahal."
Halos masamid ako sa sinabi niya. Kagat labi akong lumingon sa kan'ya at nanlalaki ang mata. Kumindat pa ang loko at inayos ang mga takas kong buhok.
"Ehem!" Tumikhim si Sierra kaya naman napabaling ako sa kan'ya.
"Alam kong sweet kayo palagi pero may iba tayong kasama," makahulugan niyang sabi sa aming dalawa.
Ha? Palaging sweet? Hindi naman kami sweet ni Kuya Leo at hindi ko nga maintindihan ginagawa niya bakit siya ganito ngayon. Hindi ko ba alam kung sinasadya lang nilang mag kapatid para ipakita ng masaya ako, para ipakita ng hindi na ako naapektuhan ni Eros.

May mga dala silang pagkain at inumin. May balak pa yata silang mag-inuman. Kung mag-iinom sila ay aalis na lamang ako at baka mamaya kapag lasing na ay makikita ko lamang maglampungan si Eros at si Tasha. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahampas ko sila ng bote.

Natapos na akong kumain at pinunasan pa ni Kuya Leo ang gilid ng labi ko. Hindi ko nga alam kung talaga bang may dumi roon o baka nang-aasar lang sa mga kasama.
"Umiinom ka ba, Kuya?" Tanong ni Pio kay Kuya Leo.
Tumango si Kuya Leo bago bumaling sa akin.
"Papayagan mo ba ako baby?"
Halos masamid ako sa tanong niya kahit wala naman akong iniinom. Baby? Nilibot ko ang paningin ko at lahat sila ay naghihintay nang sasabihin ko. Agaw pansin ang gusot na noo ni Eros at parang galit na galit na nakatingin sa akin. Anong problema niya? Magagalit ba siya kung hindi ko pa payagan si Kuya Leo?
"O-okay lang naman. Wag ka lang magpakalasing," sagot ko.
"Thanks," he said before planting a soft kiss on my right cheek.
Hindi ako makaalma dahil sa mga tingin nila. Aba abuso na itong si Kuya Leo ha.
Nag-inuman nga sila kasali si Sierra at Tasha. Ako naman ay pinapanuod lamang sila, hindi ako iinom. Ayoko namang umuwi sa anak ko na amoy alak o kaya naman ay lasing.

Halos magwala ang sistema ko nang makita si Eros na nakasiksik sa leeg ni Tasha. Hindi pa naman ganoon karami ang nainom nila kaya wag niyang sabihin na lasing na siya!
Marahas akong tumayo at kinuha ang bag ko. Hindi ko na kayang tagalan na makita siyang ganyan sa ibang babae parang gusto ko silang saktan pareho.

"Uwi na ako." I announced.
Tumayo na rin si Kuya Leo at gusto pa akong ihatid pero tumanggi na ako.
"Nakainom ka na. Dito ka na lang matulog, may dala naman akong sasakyan kaya ayos lang," sabi ko sa kan'ya at hinaplos pa ang pisngi niya.
Sinigurado kong nakita iyon ni Eros. Titig na titig ito sa aming dalawa ni Kuya Leo. Tss, manuod kang gago ka, ganito mag-alaga hindi 'yang nakikipaglampungan sa inuman!
"Okay, take care baby." Hinalikan ako ni Kuya Leo sa noo.

Bumeso lamang ako kay Sierra bago tuluyang lumabas na ng condo. Sa elevator pa lamang ay nagpupuyos na ang damdamin ko. Kung pwede lamang silang sampalin ay nagawa ko na. Pero ano namang sasabihin kong dahilan kapag ginawa ko 'yon? Nagseselos ako? Wala naman akong karapatan magselos, ako ang nang-iwan kaya bakit ako nagkakaganito.
Kasabay nang paglabas ko sa elevator ay bumukas din ang isa pang elevator. Lumabas doon si Eros at seryosong nakatingin sa akin. Nagmamadali akong naglakad patungo sa aking sasakyan. Anong ginagawa niya? Bakit bumaba rin siya?
Pagkapasok ko sa sasakyan ko ay nagulat ako nang pumasok rin siya. Fuck! Halos mag wala ang puso ko sa loob ng dibdib ko. Ang bilis ng tibok nito.

"W-what are you doing here?" nauutal na tanong ko.
Halos tumakbo ako palabas ng sasakyan ko nang bumaling siya sa akin. His deep eyes are full of emotions. Mga emosyong hindi ko maintindihan kung para saan. I wanted to see his playful aura, iyong mapaglaro niyang emosyong noon pero wala na. All I can see through his eyes are hatred, sorrow, and longing.

Pleasuring AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon