Kabanata 20 (WAKAS)

1.1K 20 5
                                    

"You may now kiss the bride."

Malakas na hiyawan at palakpak ang naging reaksyon ng lahat nang dumalo sa kasal namin. Abot tenga ang ngisi ni Eros habang nakatitig sa akin.
Mas pinili ko ang beach wedding kumpara sa church. Siguro sa susunod baka magpakasal kami sa simbahan pero sa ngayon ay ang pangarap kong beach wedding muna.

"I love you," he said before finally claiming my lips.

Nagsimulang umingay ang kalangitan dahil sa mga fireworks na pumuputok. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay sabay naming pinagmasdan ang langit. Kasabay nang paglubog ng araw ay ang makukulay na paputok na sumasabog sa himpapawid. It is really beautiful.  Napangiti ako, sa wakas ay natuloy na rin ang kasal para sa akin. At ngayon ay sa paraang gusto ko, sa taong pinili ng puso ko.

"Are you happy?"
Nilingon ko si Eros sa tabi ko. Nakatitig ito sa mukha ko at parang ako naman ang pinapanuod niya hindi ang fireworks.

"Sobra..."
Ngumiti siya at pinatakan ako ng halik sa noo. After everything masaya ako na kami sa huli. Masaya ako na mabibigyan ko na ng buong pamilya si Dani, masaya pa ang puso ko.



   Eros POV

I'm playing with my pen on my fingers habang nakatambay kami sa labas ng isang kilalang eskwelahan. Sa halip na naglalaro na ako ng video games sa bahay ay narito pa ako't sinasamahan si Pio.
Isa-isa kong tinitignan ang mga babae na lumalabas sa pa aralan. Sure they're pretty but no one catches my attention. Bumuntong hininga na lamang ako habang si Pio ay seryosong nag-aabang sa paglabas ng babaeng Marquez. The truth is Eclipse her sister met a girl and she want that girl for Pio. Kaya naman naririto kami ngayon para tignan ang itsura nito sa personal.

May dalawang babae na lumabas na nakakuha ng atensyon ko. Hindi ko agad nagawang alisin ang  paningin ko sa isa. Her milky white skin, pouty red lips, and her shiny eyes. Fuck I can't tore my eyes of her. Mukhang anghel habang kinakausap ang kasama niya. Nang tumawa ito ay parang lumiliwanag ang paligid niya!
Natauhan lamang ako nang kalabitin ako ni Pio.

"There she is," tinuro niya kung nasaan iyong tinititigan ko.
Shit! Don't tell me iyong diwatang iyon ang Marquez?
"That with the black wavy hair?" I nervously asked him.
"No. The blonde one with a really short skirt, tss."

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Natawa pa ako at mukhang magiging sakit ng ulo niya ang nagustuhan ng kapatid para sa kan'ya. Maiksi nga ang palda nito kumpara roon sa kasama niya at mukhang mas madaldal at magaslaw ito. Buti na lamang.

"You like, Amanda?"
Napabaling ako kay Pio sa tanong niya, Amanda who?
"Iyong kasama ni Sierra Marquez, that's Amanda Castillo."
Kunot noo akong bumaling sa kan'ya. Bakit naman pati iyon ay kilala niya?

"Chill." Tumawa siya. "Of course, inalam ko ang background ni Sierra at syempre kasama na ro'n ang bestfriend niya. Haha, She's all yours."

Ngumisi ako sa paliwanag niya. Mabuti na iyong nagkakaintindihan kami. It became our routine, sa tuwing hapon ay mag-aabang kami sa labas ng eskwelahan para masulyapan ang magkaibigan. Pakiramdam ko nga ay naging stalker na kaming magkaibigan.
Hanggang sa dumating na sa puntong hiningi ni Pio ang kamay ni Sierra sa ama nito. Natatawa na lamang ako nang pagtawanan ito ng ama ni Sierra.
"Anong plano?" natatawang tanong ko.
"Aalis ako, I'll accept the scholarship na offer sa'kin sa ibang bansa," seryosong sabi niya.
Sierra's father asked him to prove something. Hindi raw ito papayag kahit pa bilyonaryo ang pamilya ni Pio. Ako naman ay walang problema kay Amanda, nalaman ko na magkasusyo sa negosyo ang pamilya niya at pamilya ko. Ang problema lamang ay walang tiwala sa akin ang magulang ko. Tss akala nila ay palagi kaming nagbubulakbol ni Pio. Sus, na bisita lang naman sa school nila Amanda e.

Nang umalis si Pio ay sumama ako. Ang nakakainis lang ay akala ng magulang ko ay nagsasayang ako ng pera. Hindi nila alam ay nagtatrabaho pa nga ako sa ibang bansa habang nag-aaral. Iniipon ko lahat, kaming dalawa ni Pio hanggang sa nagkaroon na kami ng restaurant. Dumami ang branches at nagkaroon na rin kami ng resort.
Wala na akong pakialam kung si Kuya Enrico ang paborito ng pamilya ko o kahit sa kan'ya na ang kompanya ng magulang ko. Ang hindi ko lang nagustuhan ay noong pinauwi nila ako dahil sa engagement ni Amanda at Kuya Enrico.
"Fuck!"
Nilaklak ko ang alak mula sa bote. Tangina naman, ako naman iyong kaedad ni Amanda, bakit kay kuya nila ipapakasal? Galit na galit akong umuwi kasama si Pio.
"MA! Ako na lang," paki usap ko kay Mama.
Umiling lamang ito at pinagtawanan ang gusto ko. Lulugihin ko lamang daw ang negosyo at baka maghirap pa sa piling ko si Amanda. They really don't trust me. Ang sakit lang na sa sariling magulang ko pa iyon naririnig.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong landiin si Amanda. Wala na akong pakialam kung magalit man sa akin ang magulang ko. Kaya ko namang buhayin si Amanda. I've worked so hard at lahat ng meron ako ngayon ay para na lamang sa kan'ya.
Hindi ko lang inakala na bigla na lamang itong aalis ng walang paalam. I was broke and lost. Hindi ko alam kung paano siya hahanapin. I hired a lot of men, investigators pero wala. I have no choice but to lower my pride.

"P-please... I'm begging you, Mom just this once."
Hindi ko alintana ang hapdi ng tuhod ko. Wala akong pakialam kung mag mukha akong tanga sa magulang ko, basta makasama ko lang muli si Amanda.

"Kaya ko naman siyang buhayin, Mom, Dad. I have businesses, restaurants and resorts hindi ko lang pinapaalam sa inyo, dahil alam ko namang wala kayong pakialam but I'm telling you now basta sabihin n'yo lang kung nasaan si Amanda."
Bumuntong hininga si Mommy at yumuko para itayo ako.

"Son, it's Amanda's decision to leave. Babalik din naman iyon, just wait okay?" sambit ni Mommy.

Pero hanggang kailan ako maghihintay? Bawat araw na lumilipas ay para akong naubos. Hanggang sa naisip kong gumawa ng paraan. I hired Tasha to pretend as my girlfriend. Alam ko kung gaano kaselosa si Amanda.

"Sigurado ka ba? Baka lalong hindi bumalik 'yon."
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Pio. Bahala na, maghihintay ako. Hindi naman siguro habang buhay siya sa lugar kung nasaan man siya. Hindi nga ako nagkamali bumalik siya pero may anak na at may iba na.

Fuck! Dad even suggested na maging ninong ako. Alam nila ang nararamdaman ko kay Amanda. Are they really torturing me? I was really mad on that dinner. Mas nakapagpagalit pa sa akin ang suot niya. Tangina, mas magaling ba ang lalaki niya kaya ganyan siya?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko I comfronted her. But still I was the loser. Maayos siya habang ako miserable parin. Siya parin ang gusto ko, baliw parin ako sa kan'ya. I stalked her, kahit sa mall ay sinusundan ko siya. Kahit alam kong pati kaibigan niya ay naaasar na rin sa akin.
I almost can't control my anger when that guy kissed her forehead. Fuck she's mine, gusto kong sabihin 'yon pero alam kong wala naman akong karapatan.

I made an excuse na may bibilhin ako kahit wala naman. Gusto ko lang talaga siyang makasama. Nababaliw na yata ako at kahit alam kong may iba na siya ay gusto ko siyang agawin. Kahit ang anak niya ay tatanggapin ko basta piliin niya lang ako.
Iniinis ko siya hanggang sa trabaho, pero tangina ako pala ang maiinis kapag nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa cellphone niya. Ano kinikilig siya sa boyfriend niya?
Pero hindi ko kinaya nang makita siyang umiiyak. Yes, she's fucking adorable but I can't stand her tears. Hindi ko kaya nanghihina ako. Kahit gusto ko pang patagalin ay wala akong nagawa kundi umamin na binabayaran ko lamang si Tasha.
Hindi na ako nagalit no'ng malaman kong anak ko pala si Dani kahit naman itinago niya sa akin ay masaya parin ako na sa akin ang bagsak niya. Tss iyon naman ang mahalaga. Ang nakakainis lang ay alam naman pala ng pamilya ko, hinayaan pa nila akong magdusa.
Marrying Amanda is a dream come true. Wala na akong ibang mahihiling pa, ang makasama ang mag-ina ko sa araw-araw ay masaya na ako.

Love is not always about fighting for it, it is sometimes about waiting... Waiting for a perfect timing. Wait until God finally allow you to have it.

END

Pleasuring AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon