Kabanata 10

804 19 5
                                    

"Bakit mo naman sinabi 'yon?" inis na tanong ko kay Sierra.

Nasa sasakyan na kami at nasundo na ng kan'yang driver sa airport.

"Naiinis ako e! Akala mo naman sa kaibigan lang niya iikot ang mundo mo!"

Naiintindihan ko naman siya, ayaw niya lang akong mag mukhang kawawa at nagpapasalamat ako roon.

"Saan naman ako ngayon hahanap ng asawa?" Problemadong tanong ko sa kan'ya.

"Walang problema! Nagawan ko na 'yan ng paraan."

Kunot noo ko siyang nilingon. So bago pa pala niya sabihin sa akin ay may solusyon na siya. Napailing na lamang ako sa mga kalokohan niya.
"Anong paraan?"
She wiggled her eye brows. Mga kalokohan niya!
"Si Kuya!"
"What?"
Jusko naman, bukod sa seryoso sa buhay ang kuya niya ay busy iyon. Kung anong kulit ni Sierra ay siyang pagkaseryoso naman ng kuya niya.

"Hindi papayag 'yon!"
"Nah... Pumayag na," Masayang sabi niya.
Ha? Papaano naman niya nagawa 'yon? Ano naman kayang suhol ang ginawa niya o binigay niya?

"Anak!"
Masaya kaming sinalubong ni Mama at Papa pagkarating namin sa bahay. Dahil sa pagsigaw ni Mama ay nagising si Daniella. Mula sa mahinang hikbi ay umiyak ito ng malakas.

"Aww, sorry apo, come here."
Kinuha sa akin ni Mama ang anak ko at siya na raw ang magpapatahan. Hinayaan ko naman siya at binababa na lamang sa sasakyan ang isang maletang dala ko at isang bag.

"Amanda, alis na ako kita na lang tayo bukas."
Tumango ako kay Sierra at kumaway. Haayy kung 'di ko lang bestfriend' yan sinapak ko na 'yan dahil sa problemang binigay niya.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at hinayaan ko ang magulang ko na alagaan muna ang anak ko.

"Bukas ang dating ng yaya ni Daniella, anak."
Tumango ako kay Papa. Hinayaan ko na sila na kumuha ng yaya kahit kaya ko namang alagaan ang anak ko.
"Dalawa, anak."
"What?" gulat na tanong ko kay Mama.

Parang sobra naman ang dalawa. Kaya ko naman at malaking tulong na nga ang isa.

"Anak, pababalikin ka muna sana namin sa kompanya kaya dalawa kinuha namin," paliwanag ni Papa.
Tumango na lamang ako. Alam ko naman ang plano nilang pagbabakasyon kasama ang pamilya ni Enrico kaya hinayaan ko na lamang kung babalik ako sa kompanya.

"Kailan ba kayo magbabakasyon?"
"Sa summer pa naman anak, matagal pa."
Tumango lamang ako at nagpaalam na mag papahinga na muna at pagod na ako. December pa lang naman kaya matagal pa bago sila mag bakasyon.

Mahaba ang naging tulog ko kaya naman magaan ang pakiramdam ko pagkagising. I stretched my body before finally getting up. Ang sarap ng tulog ko.
Nagtungo ako sa banyo para maligo muna para mas lalong fresh ang pakiramdam ko. I let the water flow though my body. I was singing while putting shampoo in my hair and soap in my body.

Tuwalya lamang suot ko nang lumabas ako ng banyo. Nakangiti pa ako habang naglalagay ng lotion sa katawan nang tumawag si Sierra.
"Yes?" I  asked her.
"Punta ka dito!" tarantang sabi niya.
Ano namang problema ng babae na ito at papupuntahin pa ako sa condo niya? Hindi na ako dalaga na pweding gala nang gala, may anak na ako!
"Bakit?"
"Dang! I was trying to cook! Masusunog ang condo ko kung di mo ako tutulungan!"
Inikot ko ang mata ko kahit hindi naman niya iyon makikita.
"Sierra, uso magpadeliver."
"Hindi pwede! Birthday ngayon ni Pio. I want to surprise him!"
Napakamot na lamang ako sa ulo ko, birthday ni Pio, ngayon pa niya naisipag lasunin ang lalaki. Natawa ako sa kaisipang iyon. Wala akong nagawa kundi magbihis para puntahan ang kaibigan ko na nangangailangan ng tulong.

Nagpaalam muna ako kina Mama at Papa na pupunta ako kay Sierra para tulungan ito. Ayos lamang naman daw at sila na ang bahala kay baby Daniella. I kissed my daughter before I finally left.

"Ano 'yan?"

Nakatingin ako sa mga itim na niluto ni Sierra sa lamesa. Akala mo ay mga uling sa sobrang itim.

"Chicken?" Patanong na sagot niya.
Natawa ako dahil kahit siya ay hindi na ma-identify kung ano iyon.

"Stop laughing!"
Mas lalo akong natawa. Nakanguso siyang sinamaan ako ng tingin.
Tinulungan ko siyang ligpitin ang mga iyon. Hindi rin naman talaga makakain ito kahit anong gawin, talagang basurahan na ang tungo ng mga ito.

Matapos naming linisin ang mga kalat ay saka kami muling kumuha ng mga pweding lutuin. Spaghetti, pansit, chicken, hotdogs, and salad.

"Ang dami naman, kayo lang kakain lahat?" Takang tanong ko sa  kan'ya.
Mabuti na lamang at nakabili na siya ng cake, ang akala ko ay siya pa rin ang magbe-bake.

"O-oo." Umiwas pa siya ng tingin.
Nagkibit balikat lang ako. Sus nahihiya pa siguro siya na baka isipin ko na may iba silang gagawin dahil sila lang dalawa.

Inabot kami ng ilang oras para lang matapos ang lahat ng iyon. I looked at my wristwatch and it's already eight o'clock.

"Cr lang ako," paalam ko kay Sierra.
Bago ako makapasok sa kwarto ko dito sa condo ni Sierra ay narinig ko na ang doorbell. Nandito na siguro si Pio. Dumeretso na ako sa banyo at ginawa ang dapat gawin.
Dinig ko ang ingay sa labas, akala ko ba sila lang dalawa? Siguro may kasamang mga kaibigan si Pio.

Nag-alcohol ako pagkalabas ng banyo at nag lakad na patungo sa pintuan. Pagbukas ko ay nakita ko ang lalaki at babae na papasok sa kusina.
Likod lang ngunit kilalang-kilala ko. Ang malapad na likod nito, ang itim at medyo kulot na buhok. Ang malambot niyang buhok na hinihigit ko noon sa tuwing... Ipinilig ko ang ulo ko. Really? Iyon pa talaga ang maaalala ko?

Sinundan ko ng tingin ang kamay niya at nakitang nandoon iyon sa bewang ng babae. Pamilyar ang bilis ng tibok ng puso ko, ngunit pamilyar din ang pait na nararamdaman nito. Ang pait noong nalaman kong may girlfriend na siya...
The woman looked up to his face, reason for me to glance at her sideview. My heart stopped... I bit my lower lip... That woman...

"Tasha..." I whispered to myself.

Pleasuring AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon