Kabanata 9

796 18 6
                                    

"My God! Amanda, parang hindi tayo magkaibigan ha!"

Agad na lumipad si Sierra patungo rito nang malaman niya kung saang bansa ako naroroon. Nagkita kami sa isang malapit na mall sa tinutuluyan niyang hotel.

"Sorry na, magulo na kasi ang lahat kaya hindi ko na nagawang sabihin manlang kahit sa'yo," paliwanag ko sa kan'ya.
Mataray na inikot niya ang mata niya at dumako ang tingin sa tiyan kong ngayon ay medyo malaki na. Hindi pa naman ito ganoon kalaki dahil tatlong buwan pa lang ngunit halatang-halata na.
"Kahit sa ama niyan hindi mo manlang pinaalam!"
"Natakot ako..."
Totoo naman, natakot ako na baka lalong madisappoint ang magulang nito sa kan'ya.
"Do you think may pakialam si Eros sa anumang sasabihin ng magulang niya? Gaga wala!"

Pero ako mayroon. Mahalaga sa'kin si Eros o mas tamang sabihin na mahal ko na ito kaya ko 'to ginawa.

"Napakaduwag mo!" sumbat niya sa akin.
"Hoy! Sierrafina Marquez, baka nakakalimutan mong buntis ako! Bunganga mo ha!" Sumbat ko sa kan'ya.
Humagalpak siya ng tawa at nag-peace sign. This girl kahit kailan talaga, walang preno ang bibig.
Namasyal kami sa mall habang ang bibig niya ay walang tigil sa pag-uupdate sa akin.
"Hay naku, kung ako sa'yo ipapaalam ko na 'yan kay Eros. Kaya ka naman niya ipaglaban e! Alam mo ba?"
"Hindi pa," pangbabara ko sa kan'ya.
Bahagyang niya akong hinampas.
"Pasalamat ka buntis ka kung hindi, naku!"
Tumawa lang ako sa kan'ya.
"Partners pa la sa negosyo si Pio at si Eros!"
Napatigil ako sa sinabi niya. Si Pio? Iyong may ari ng resort?
"H-ha?" Di makapaniwalang tanong ko.
"But sad to say, netong nakaraang buwan ay sumuko na si Eros paghahanap sa'yo. I think he's in a relationship now."

Marami pang sinabi si Sierra pero ang tumatak lang sa isipan ko ay in a relationship na si Eros. Talaga ba? Hindi ba uso sa kan'ya ang three month rule? Tanga, iniwan mo 'yong tao ng walang pasabi anong akala mo hihintayin ka niya?

Tila na wasak ang puso ko sa impormasyog iyon. The image of him kissing another woman flashed into my mind. Gusto ko silang tirisin sa kaisipang iyon. Parang hindi ko kayang makita siya ng harapan sa ganoong ayos. Mababaliw ako sa galit... At sakit.

"Waaaah!"
The loud cry of my daughter filled the whole room. Lahat ng pagod at sakit na naramdaman ko habang nanganganak ay tila isang himalang napawi. The sight of my precious child gave me strength.
"Congrats, Mommy Amanda!" Sierra happily greeted me.
I smiled at her before looking back at my precious baby. I'm breastfeeding her.
"Oh my gosh! She's so pretty. I think I'm gonna spoil her."
Agad kong sinamaan ng tingin si Sierra. Baby pa lang ang anak ko pero pag-ispoil na ang naiisip niya rito.
"Gumawa ka ng iyo!" sabi ko sa kan'ya.

Inikot niya ang mata niya sa maarteng paraan. Ang alam ko ay nanliligaw na sa kan'ya si Pio pero pinapahirapan niya ito. Ang arte, kapag nagbago ang isip ng lalaki ay tiyak na iiyak ito.
"Damot ah! Bigay ko 'yan kay Eros!"
Nanlaki ang mata ko at galit siyang sinigawan.
"Hoy! Gaga ka, kahit kaibigan kita mapapatay kitang hayop ka!" Galit na galit kong sabi sa kan'ya.
"Hahaha. Chill, biro lang e!"

Namimilipit siya sa pagtawa dahil sa naging reaksyon ko. Kahit naman siguro sinong ina. Now that Eros is happy in a relationship with someone else, wala na akong balak sabihin pa sa kan'ya ang tungkol sa anak ko.
Mabuti na lamang at kahit malandi ang kaibigan ko ay hindi ito madaldal. Hindi niya sinabi kay Pio na nagkaanak kami ni Eros.

"You should come home, anak."
Ngumiti si Mama. Magkavideo call kami at matagal niya na akong kinukulit na umuwi. Daniella is already one year old kaya panahon na rin siguro para umuwi.
"Sige, Mama."
Lumiwanag ang mukha ni Mama nang sabihin ko iyon. Masaya akong na patawad na nila ako. Maging si Enrico ay dumalaw na rito noong nakaraan. Tuwang-tuwa siya kay Daniella at kung pwede nga lamang daw ay siya na lamang ang ama nito dahil magaan ang loob niya. Gusto kong matawa, sadyang gagaan ang loob niya dahil pamangkin niya naman ito.

"Before Christmas, Anak I hope nandito na kayo ng apo ko."
Tumango ako kay Mama. Mas maganda nga iyon para sama-sama kaming mag pasko.

Mabilis akong naghanda ng mga gamit namin nang makapag-booked ako ng flight. Natutuwa lang ako at bukas na agad iyon. Hindi na ako nagdala ng mga gamit dahil mamimili na lamang muli ako. Mga kakailanganin lamang ni Daniella ang inayos ko.
I watched how Daniella sleeps peacefully in her crib. Anak, ako nagluwal sa'yo, ako napakahirap dalhin ka ng siyam na buwan pero bakit kuhang-kuha mo ang itsura ng daddy mo? Unfair ka baby. Natawa na lang ako sa mga reklamo ko.

Eros is busy with his business and girlfriend, iyan ang sabi sa akin ni Sierra kaya hindi na ako nag-aalala na baka magkita kami. Yes our families are still close with each other ngunit hindi na kagaya ng dati.

"Let's go."
I looked at Sierra na kadarating lamang ay aalis na namang muli. Natatawa na lang ako sa kan'ya. Akala mo naman ay kabilang kanto lang ako kung sundin. For Pete's sake! Kabilang bansa! Nag-effort pa rin siyang sundin ako dahil may dala raw akong bata. Jusko pwede namang sa airport na lamang ako sunduin.

"Are you sure? Gusto mo reschedule na lang natin?" Tanong ko sa kan'ya.
"Duh! Ako pa, kaya ko!"
Inilingan ko na lang siya at hinayaan sa gusto niya. Nakapagpahinga naman na siya ng konti pero para sa akin ay hindi sapat iyon.

Hila-hila ni Sierra ang maleta ko na naglalaman ng mga kailangan ni Daniella at suot ang maliit na backpack kung saan naroon ang gatas ng anak ko.

"Naiinis ako kay Pio!"
Gulat akong tumingin sa kan'ya. Ngayon ang unang beses na nag reklamo siya kay Pio.
"Bakit naman?"
Nakaupo na kami sa eroplano at nasa himpapawid na ito.
"Paano nakwento ko na uuwi ka," sabi niya.
"Oh, tapos?" Kumunot ang noo ko. Ano namang problema kung umuwi ako.
"Ang sabi ba naman, iiyak ka raw pag nakita mong may iba na si Eros!" Inis na inis na sambit ng kaibigan ko.
Mas apektado pa siya kumpara sa akin.
Ngumiti ako ng mapakla. Oo may nararamdaman pa rin ako para kay Eros pero wala na akong pakialam sa nararamdaman kong ito. Matagal ko nang inalis sa isipan ko na posible pa kaming maging maayos matapos ang nangyari. Lalong hindi na ako aasa dahil may mahal na siyang iba.

"Ang sabi ko nakamove-on ka na!"
Tumango-tango ako. Tama ang ginawa niya.
"At may asawa't anak ka na!" Dagdag niya.
"What?!" Gulat akong lumingon sa kan'ya at halos lumabas na ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Sierra!"

Pleasuring AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon