9 years na nang mangyari ang trahedyang iyon. simula non hindi na ako muling umibig pa.
Naghiwalay din kami ni Dahlia ang babaeng minahal ko na pinagsisihan kong mahalin.
Kung hindi siguro ako nagloko baka hangang ngayon nandito pa siya.Nine years na din simula ng lumayo ako sa kahit na sino, sinarado ko na ng tuluyan ang pinto ng puso ko sa kahit na sinong tao. Wala na din ako communication sa mga dating kaibigan ko dahil maaalala ko lamang ang trahedya nang araw na iyon.
Sa kagustuhan ko ngang makalimot ay kung saan saan bansa na ako nakapunta pero dito sa Europe ang napili kong lugar para magpahinga, di ko alam kung bakit pero pilit akong dinadala ng aking paa sa lugar na ito.
Napaka ganda nang mga tanawin masarap dito magpinta kumuha ng litrato.
Sa nine years naging maayos at guminhawa naman ang buhay ko may ari na ako ng isang photography business At magazine's business.
Pero sa kabila nang tagumpay ay nandon ang loneliness ko. Di ako masaya nadala na ako ng trauma mula ng nakaraan na pinipilit ko Makalimutan ngunit Hindi, hindi ko magawa, hindi magawa ng puso ko.Napagdesisyunan ko naman na kumuha na lamang ng litrato para makalimot, yun lang ang tanging paraan para hindi ko maalala ang nakaraan.
Habang kumukuha ako ng mga litrato sa paligid ay may nahagip naman ang camera ko na isang binibini. Sa palagay ko siya ay nag dradrawing sapagkat siya ay may hawak ng sketchpad.
Pinagmasdan ko siya ng maigi nakatagilid ang pwesto niya pero alam ko at nakikita ko na kawangis niya ang babae sa Aking nakaraan. Si Aurora.
Dahan dahan ko siya nilapitan pasimple ko siyang kinuhanan ng litrato, kaso nakalimutan kong may flash nga pala to kaya naman napansin niya ako.
"Excuse me kinukuhanan mo ba ako ng litrato? "
Anya ng Binibini.Wala ako masagot sa tanong niya basta naramdaman ko na lamang na may tumutulong luha sa mata ko.
Agad naman siyang lumapit sakin at kinuha ang kanyang panyo sa bulsa ng kanyang dress.
" Hey Mister are you ok? Why are you crying? "
Wala ako nagawa kundi yakapin siya nang mahigpit.
Miss na miss ko na siya at gusto ko malaman niya na pinagsisihan ko ang lahat ng nagawa ko nine years ago." A-aurora I'm Sorry patawarin mo ko pinagsisihan ko lahat nang nagawa ko sayo, bumalik ka na sakin mahal"
"S-sir I'm Sorry but I'm not the Aurora your talking about''
Agad naman ako napabitaw ng yakap sa kanya.
At muli tinitigan ko siya.Ang mga mata niya, buhok niya hindi ngs siya si Aurora pero bakit magkamukha sila?.
Tumingin naman siya sakin at Ngumiti.
"gusto niyo po ba mag ice cream? "
" Huh? "
" nakita at naramdaman ko po kasi ang pain ninyo, nagpapangiti sa kahit na sino ang ice cream"
Ngumiti naman siya sakin, ang ngiti niya, ngiti din yon ng babaeng minahal ko noon.
" Ano Sir G? "
"G? "
" Gora, tara Ice cream? "
" Hindi ka ba natatakot sakin? Lalaki ako tsaka babae ka"
"ikaw nga tong niyakap ako bigla e" ngumisi naman siya sa'kin.
" wag ka mag alala alam ko naman mabuting tao ka, marunong ako kumilatis ng tao. Halika may alam ako pagkainan na masarap dito sa Barcelona"
Kinuha naman niya ang pink niyang bike na may flowers sa harap.
"ikaw may bike ka ba? Kung wala pwede ka umangkas sakin" nakangiti naman niyang saad.
Ngumiti lamang ako. " naka motor ako Miss."
"Oww okiee sundan mo na lang ako ah mabilis naman ako mag bike e"
Wala naman na ako nagawa kasi makulit siya kaya sinundan ko na lang.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa sinasabi niyang resto kung saan masarap ang mga ice cream.
" Hello Sir we're here at Obrador delacrem, masasarap ice cream dito Sir"
Nginisian ko naman siya kapag nagsalita siya parang tour guide.
Pero bakit nakikita ko parin sa kanya ang nakaraan ko?''O ayan sad ka na ulit halika na nga sa loob". hinila naman niya ako papasok sa loob ng restaurant.
" Buen dia mi amigo''
" Buenos dias"
Pagbati nila sa isa't isa.
" matagal ka na ba dito? " pagtatanong ko sa babaeng kasama ko.
" oo naman isang dekada na" sabay wink naman niya.
" order na tayo. "
Tumango na lamang ako.
" cual es el helado mas delicioso dice mi compañero de cuarto? " anya niya.
Ahm sa totoo lang wala ako naintindihan sa lahat ng sinabi niya.
" helado de pistachio Y Dulce de leche"
"anda dame dos"
"ok"
"gracias".
Naghanap naman siya ng mauupuan namin grabe angas galing niya mag spanish.
"pwede magtanong? "
" yes sir what is it? "
"Ano yung topic niyo kanina nung lalaki? "
"nag oorder ako ng ice cream tinatanong ko ano pinaka masarap na ice cream dito, "
" galing mo mag spanish ah, pwede magpaturo?"
" suree sir. "
Malayo nga to kay Aurora pero di ko maiwasan na hindi makita si Aurora sa kanya sapagkat magkawangis na magkawangis sila."Ano sa spanish ang i miss you so much "
"Hmm para ba yan kay Aurora Sir? ahm
te extraño muchisimo""te extraño muchisimo, ahh galing ah what about ang maganda ka. "
"eres hermosa" pasimple niyang sagot sakin.
" eres hermosa señorita "
" muchas gracias señor"
Maya maya pa ay dumating na ang ice cream na inoder namin, grabe di nga siya nagkamali napakasarap nga nito, tila nawala agad agad ang mga pagod ko, and for the 1st time in 9 yrs nanotice ko na ngayon na lamang ako ngumiti dahil sa babaeng ito.
" Muchas gracias por el helado, señorita, me hizo feliz. " tila nagulat siya nang magsalita ako ng español.
"marunong ka pala Sir e , mabilis ka pala matuto Sir, ahm sige Sir una na ako ah napangiti na kita sana maging ok ka na sige Sir adios"
Kumaway na lamang ako at pinanood siya hangang sa makaalis na siya.
Nang may isa akong maalala ano pangalan ng babaeng yon? buong maghapon kasama ko Hindi ko man lang nakuha ang pangalan. Di bale hahanapin na lang kita ulit.
BINABASA MO ANG
ALL about HER book 2. ANASTASIA.
Fanfictionfirst love never dies but True love never end.