Kinabukasan pumunta ulit ako sa lugar kung saan nakita ko si Sir. Pero hindi ako nagpunta para hanapin siya ah nagpunta ako para matapos ko na ang mga drawings ko, tapos na sana kahapon kung di ako inistorbo ni Sir chariz.
(Caleb's POV.)
hindi mawala sa isip ko ang babae na nakita ko kahapon tinititigan ko ang litrato na kuha ko sa kanya.
Napakaganda niya Brown hair, Brown eyes at yung kulay na malaporselana ganyan na ganyan din si Aurora pinagkaiba blonde ang hair niya at gray ang mata niya.Siguro nga hindi ikaw si Aurora pero bakit ganon? hindi ka na mawala sa isip ko.
Hays Caleb diba hindi ka na pwede umibig? alam mo na ang nangyari noon wag mong sirain ang buhay ng taong yon.Napagdesisyunan ko na lamang bumalik sa lugar kung saan ko nakita ang binibini na yun, hindi para mahanap o makita siya kundi para kumuha ng mga litrato. Sa ganda ng lugar na yon mapapabalik ka talaga araw araw e.
Alas singko nang madaling araw na ako umalis para mas maganda ang kuha ko sa lugar na iyon.
Habang kumukuha ako ulit ng litrato di ko naman inaasahan na makikita ko ulit ang babae na yun sa lugar na iyon." Miss? "
Agad naman siya napatigil sa pag d-drawing.
"Sir? Nandito pala kayo ulit? "
" ahh oo kumukuha lang ng litrato alam mo na pampalipas oras, pampawala den ng stress o lungkot sa buhay, ikaw ano ginagawa mo dito? "
"nag d-drawing kasi wala lang pampatagal stress den" nakangiti niyang saad sakin.
'' May I? "
" sure sir" umupo naman ako sa tabi niya nakita ko naman na magaling siyang gumuhit sobrang ganda ng pagkaka drawing niya sa fountain.
"magaling ka pala gumuhit Miss. "
" Hilig ko kasi yan e, para ba akong nag kwekwento ng isang istorya kapag gumuguhit ako. " tinigil naman niya ang pag guhit at tumingin sakin.
"ikaw sir photographer ka ba? "
"Oo at nag pipinta den"
Bigla naman nag ningning amg mata niya sa narinig niya.
" Wow talagaaa? Alam mo ba hilig ko din yan kaso wala ako confidence ipakita ang mga gawa ko e"
" bakit naman? panigurado ako napakaganda nang mga obra mo, hmm may nakapagpinta na ba sayo? "
"Huh? "
" naipinta ka naba ng ibang tao? "
Umiling lang siya sakin.
" hindi pa e, di ko den maidrawing mukha ko kasi nahihiya ako''
" may dala kang gamit? "
"pag pinta? Oo nag p-paint din kasi ako dito e"
BINABASA MO ANG
ALL about HER book 2. ANASTASIA.
Fanfictionfirst love never dies but True love never end.