Gabi na nang mapagpasyahan namin bumalik ni Anastasia sa kinainan namin ng almusal kasi nandon pa yung motor ko, naglakad lang kami habang basang basa kasi nga nakaligo kami sa ulan, and yes Nakalimutan na namin kumain ng tanghalian kaya babawi na lang kami sa dinner.
Binigay ko naman sa kanya ang blazer ko para hindi siya ginawin kasi kahit papano tuyo na yon, nag coffee lang kami ulit tsaka soup kasi parehas na din kami nilalamig e.
" napaka ganda ng nangyari sakin ngayon maraming salamat sa pakikinig at pagsama sakin Ana ah"
"Ok lang yun Vhong ang importante nailabas mo Na lahat nang sakit na nararamdaman mo. Imagine 9 yrs yun ah nasa loob mo lang ang sakit"
" oo nga e thank you for today Ana"
"de nada señor" at kinampay naman niya ang kape na iniinom niya.
Maya maya pa ay napag desisyunan na namin umuwi kasi nga gabi na at itong si Ana may curfew pa pala.
" Nako Vhong need ko na pala umuwi magagalit na yung tyang Amy ko"
"gusto mo ba hatid kita? Para mas mabilis? "
" ay hindi na mag bibisekleta na lang ako malapit lang naman e, tsaka baka kapag nakita ka non lalo lang ako pagalitan, sige ah tenga cuidado señor"
" ano yung dulo sabi mo? "
"ingat ka sir, babyeee"
Nag bike na nga siya ng mabilis at iniwan ako.
Napangiti na lang ako at nagmotor na din pauwi sa aking tinutuluyan na condo.(Anastasia's POV.)
Sobrang saya ko din ngayon araw na ito hindi ko maiwasan hindi mapangiti pakiramdam ko kasi ang laya laya ko, kasi naman mag sasampung taon na kami dito sa barcelona pero wala pa ako nagiging kaibigan sobrang strict kasi sakin ni tyang e kahit simpleng pag ligo sa ulan ni hindi ko magawa, pero for 1st time nagawa ko den at ang sarap sa feeling na kahit alam ko na papagalitan ako pag uwi eh naramdaman ko naman maging malaya.
Maya maya naman ay nakarating na ako sa bahay sinilip ko muna sa bintana kung nandon na ba si tyang kaso wala naman ako nakita kaya pumasok na ako.
"ano kala mo makakalusot ka sakin ano? "
"T-tyang? " nandon lang pala siya sa likod ng hagdan akala ko makakalusot na ako, ok another sermon like yesterday.
"Ikaw ah bakit ka naligo sa ulan alam mo na hindi pwede diba? At yan blazer na yan kanino yan? Panglalaki yan ah nako nako Anastasia " galit na saad ni tyang.
"tyang ngayon lang naman po e tsaka ito pong blazer e sa kabigan ko po, pinahiram sakin para daw hindi ako lamigin"
"sino kaibigan? Yung lalaki na nakilala mo kahapon yun ba?! Diba sabi ko sayo wag ka makikipag usap sa mga hindi mo kilala? Bakit ang tigas ng ulo mo?"
"aling ulo ba nay? " pagsabat naman ni KimSue babaeng anak ni tyang.
" Bakit ba ang hilig niyong sumabat mga bata kayo?! Hala sige akyat sa kwarto"
" nagtatanong lang e"
" ikaw Ana ah ilan beses mo na sinusuway ang utos ko "
"tyang ngayon lang naman e gusto ko lang naman makaramdam ng laya tsaka hindi na rin ho ako bata tyang 25 na po ako"
" ahh sumasagot ka na sakin ngayon? Kung gusto mo ng laya lumayas ka sa bahay ko walang utang na loob!
"
Nag walk out naman si tyang at umakyat na sa taas. Napaiyak naman ako sa mga sinabi niya hindi ko akalain na aabot sa ganito gusto ko lang naman maranasan yun pero lagi mali.
Umakyat na din ako sa kwarto ko at naligo iniisip ko na lang ang magandang nangyari sakin ngayon araw na ito.
Pagtapos ko maligo ay nagpinta na din ako, nagpipinta ako kapag hindi ok ang feeling ko o nasasaktan ako bale pampawala ko siya ng sama ng loob.
Mabait naman si tyang e sadyang sobrang stricta Lang sakin pati kay kim kesyo babae daw kasi kami.Pininta ko na lamang ang masayang momentum sa buhay ko kasama ang isang lalaki na nagparamdam sakin ng kalayaan ko. Hays thank you Vhong.
(billy's POV).
"Eh Mama alam mo naman yan pinsan namin e makulit talaga yan pero tama din naman siya sa part na malaki na siya, Hindi na siya bata para pagbawalan sa lahat."
" mag sosorry ba ako? " malungkot na saad niya pano kasi binungangaan niya si Ana kanina tapos may nasabi pala siya kay Ana na masakit na salita kaya umiyak e sobrang soft hearted ng taong yun e.
" Mama kung ako lang pwede ka pa po maging strict sakin kasi 15 pa lang ako si Ate Ana 25 na yun mag aasawa na nga e"
" Ano? Anong mag aasawa?! "
Nilakihan ko naman ng mata si kim na bunso kong kapatid.
At tumitig din siya sakin na alam na niya ang ibig kong sabihin." pwede na ikasal yun yon mama"
"Sige kakausapin ko na lang siya mamaya baka kasi masama pa loob sakin "
"bukas na ma panigurado tulog na yon".
(Vhong's POV).
Nakauwi na din ako sa condo na tinutuluyan ko nakaligo na rin ako kaya ito itutuloy ko na lang ang pag d-drawing ko naisip ko kasi na idrawing si Ana pero syempre iba parin yung pinangako ko na ipagpipinta ko siya na gagawan ko siya ng obra.
Magaan na ang pakiramdam ko maraming salamat Ana ah nakakawala na ako sa past ko na matagal ko din naikulong ang sarili ko.
Wala lang kinakausap ko lang ang litrato niya sa camera ko.
Bukas talaga ipaparint kita para di na ako nahihirapan sa camera.
BINABASA MO ANG
ALL about HER book 2. ANASTASIA.
Fanfictionfirst love never dies but True love never end.