So ito na nga nag hahanap ako ng magandang maisusuot na damit kasi naman si Vhong kanina pa ako tinatawagan e yun pala nasa baba lang siya ng bahay. Pinaalam na pala niya ako kagabi kay tyang na may gagawin kami buti napapayag niya yun ako nga nagpapaalam pa lang may talak na agad sakin hmmp.
"ito perfect" sabi ko na lang ng makahanap ako nang magandang bistida ko.
Nagsuot lang ako ng white dress at nag powder na lang ako di ko naman na need mag make-up kasi mukha naman ako laging naka make-up e kaya powder na lang. Nag red lipstick na lang din pala ako ng kaunti para hindi naman ako maputla.
Pagkababa ko naman nakita ko sila dalwa ni tyang na nag uusap.
"Ahm ok na ba yung damit ko? "
Wala naman ako makitang reaction sa kanila kundi jaw drop.
"pamangkin ang ganda ganda mo bakit di ka nag gaganyan suot lagi? "
Napangiti na lamang ako, never naman kasi talaga ako nag aayos nag susuklay lang ako pero never ako mag wewear ng make up but now lang pero unti lang naman na lipstick yun e.
Nakita ko naman si Vhong nakatulala lamang at ayaw magsalita.
" Vhong hindi ka na nagsalita diyan"
Agad naman siya nakabalik sa ulirat niya.
" W-wala ang Ganda mo A-Ana"
Namula naman ako sa sinabi niya, alam kong namula ako kasi bigla nag init ang pisnge ko e.
"H-Halika na ako na lang mag mamaneho ng bisekleta mo, iaangkas na lang kita sa harap o kaya don sa likod. "
Nag nod na lang ako bilang sagot, dun ako pumwesto sa likod bale nakayakap ako ngayon sa kanya.
" Let's Go? "
tumango lamang ako bilang tugon.
Nag enjoy lamang ako sa pag dadrive niya aba now ko lang din naranasan na ako naman yung nakaangkas sa bike, usually kasi si kim o kaya yung ibang bata lang na bet sumakay.
Dinala niya naman ako sa sagrada familia the most beautiful basilica in barcelona.
" Wow " yes it still amazed me kahit Ilang beses na ako nakapunta dito.
" ang ganda ano?" anya naman ni Vhong.
" o o sobrang ganda"
" Did you know in 1936 people have to take it down? in the midst of the Spanish Civil War, a group of anarchists broke into the Sagrada Familia and set fire to the crypt. Though many important materials involving the construction were lost, a few were saved."
" Alam mo talaga yan Ana ah? "
" Because I'm also a tour guide here Caleb Vhong Navarro "
"kailangan full name? "
" just kidding"
"did you know that Gaudí is buried there? La Sagrada Familia is home to the tomb of Antoni Gaudí, who was unfortunately killed a few days after being hit by a tram. Located in the underground level of the building, visitors can come see the tomb for themselves. The tomb is surrounded by four chapels, each dedicated to a different figure. Gaudí's tomb is held in the chapel dedicated to the El Carmen Virgin."
(Vhong's POV).
wala ako nasabi sa mga nakwento niya alam ko madami pa historical dito pero iilan lang din ang shinshare niya. Pero ok na din yun atleast may nalalaman ako sa mga lugar dito.
Tsaka baka pag tapusin niya di na kami makagawa ng obra." ang galing ano yan nireresearch mo through internet? "
" hmm usually books but some internet din, masarap din kasi magbasa ng mga history diba? "
Napatango na lang ako sa lahat ng mga sinabi niya kasi totoo naman masarap magbasa at pag aralan ang mga history.
" Diba may obra tayo gagawin? "
" ay oo nga pala pasensya na, sobra lang kasi ako naaamaze sa lugar na ito e"
kahit naman ako na aamaze sobrang ganda naman kasi talaga ng lugar, actually sobrang ganda din talaga ng barcelona.
"mahilig ka sa bulaklak diba? Binili ko to sa tiyahin mo kanina tinanong ko ano paborito mo bulaklak, ayan daw kala nga nanliligaw ako sayo e"
" e para san ba kasi tong bulaklak? Props? "
" Hmm oo heheheh"
" Still thank you for giving me this"
Nagsimula na ako sa pagpipinta hindi ko maiwasan na magandahan sa kanya. Simple lang ang ganda niya hindi gaya ng ganda ni Aurora. Pero kahit simple ganitong mukha naman ang masarap gawan ng obra, masarap din gawan ng obra si Aurora kahit papano siya ang unang babaeng inibig ko.
Umabot kami ng ilang oras bago ko matapos ang obra na para sa kanya.
"whoo! Nakakangawit pala yun HAHAHA"
" Sorry a babawi ako sayo pero wait lang ah "
" pwede ko na ba tignan? "
" Hindi, tsaka na pag fully furnished na siya, hmm dito ka lang ah as in dito ka lang dadalhin ko lang to sa condo tas maglilibot tayo. "
" Iiwanan mo ko dito? "
" saglit lang naman , hmm sige na nga sumama ka na" baka kasi mapagalitan ako ngTiyahin niya kapag iniwan ko siya dito.
Ngumiti naman siya at pilit na tinitignan ang gawa ko, buti na lang madali matuyo yung mga gamit ko na pang paint kaya madali ko siya nailagay sa lalagyan.
" Bawal ko ba talaga tignan? "
" tsaka na nga ok? "
" Ok"
Sumakay na siya sa likod ng bike at ako na nagmaneho kasi naka dress siya e.
Nang makarating na kami sa aking condo e pinaupo ko lang siya sa salas at ipinasok ko naman ang painting na ginawa ko doon sa loob ng office room ko na work room ko din sa mga pagpipinta.Nng maiayos ko na ang ginawa kong painting nakita ko naman si Ana sa labas ng salas, nakatulog na pala ito siguro nga napagaod siya matagal din kasi siya naka pose kanina tapos maaga din siya nagising.
Pinahiga ko muna siya sa sala at kinumutan nag decide na lang din ako mag luto para dito na din siya kumain.
Nagluto ako ng Pork and chicken adobo ilang years na din kasi ako di nakakatikim ng filipino food. Nag saing na din ako at nagtimpla ng juice pinag paalam ko na din kay tyang Amy (wow nakiki tyang amy chour) si Ana para di na siya mag aalala at para di narin mapagalitan si Ana dahil nanaman sakin.
Maya maya pa ay ginising ko na siya ala sais na din kasi ng gabi at 8pm ang curfew niya.
" Ana gising na"
" Vhong? " umikot naman ang panangin niya sa paligid ng condo ko.
" Sorry naka tulog pala ako"
" Nako ok lang yun, ako nga dapat humingi ng sorry kasi napagod ka e, btw nagluto ako ng adobo dito ka na kumain"
" Huh nako ang saraaap naman kaso need ko na umuwi kasi kailangan don ako kumain sa bahay e ''
" ooppss napagpaalam na kita kaya halika na kain na tayo"
" talaga? "
" Yess so halika na". Sumunod naman siya sa kusina kasi wala na siya nagawa HAHAHA.
" daya daya kapag sayo wala talak, kapag sakin meron"
Pagmamaktol naman niya kunwari but i still find it cute.Nang matapos na kami kumain ay hinatid ko na siya. Naglakad na lang ako pauwi kahit medyo malayo, kasi naman bike niya yung ginamit ko e.
Hays i never thought na ganito ang mangyayari sakin dito sa barcelona. Unti unti nararamdaman ko na ang saya. Hindi na ako nababalot ng lungkot, unti unti na ako ginaganahan sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
ALL about HER book 2. ANASTASIA.
Fanfictionfirst love never dies but True love never end.