Chapter 8.

32 0 0
                                    

Halos mag dadalwang linggo na pala kaming hindi nagkikita ni Ana kasi naging busy na ako sa work sabi nga ng mga kasama ko e ibang iba daw ang awra ko ngayon, masaya di gaya noon na palagi daw ako masungit, galit at walang tiwala sa kanila.

Madami talaga ako natutunan dito sa Barcelona, kaya siguro dito ako dinala ng destiny para mahanap ko na ang sarili ko na matagal na nawala sa akin. Thanks to Aurora I'm sure she's my guardian angel kasi favorite place niya itong barcelona e, and thanks to Ana dahil sa kanya eh nakakamove on na ako from the past.

After ko mag work eh ito tinatapos ko na ang obra na ginawa ko, hindi man kami nagkikita ng aking kaibigan eh nagkakausap naman kami sa calls at text.

" ayan tapos na din sa wakas "

Hindi nga pala alam ni Ana na pupunta ako sa kanila. May sakit kasi siya e kaya naisip ko na ako na lang mag alaga sa kanya kasi busy naman mga pinsan niya tsaka tyahin niya sa flowershop, sakto den tapos na itong obra ko para sa kanya.

Nagmotor na lang ako na pumunta sa kanila para mabilis. nang makarating ako sa bahay e nandon pa yung tyahin niya na si tyang Amy.

" ay ijo nandito ka pala, pasensya na di ko mapapayagan gumala si Ana may sakit kasi e pano umulan kagabi maligo ba naman"

" hindi po ok lang, nandito po talaga ako para ako na po magbantay sa kanya, may ibibigay din kasi ako sa kanya e tsaka diba po busy kayo sa flowershop? "

" nako oo nga e kaso nagkasakit si Ana di ko den pwede iwanan pero thank you ah nandito ka, papayagan kita mag alaga at magbantay sa pamangkin ko, pero wala kayong gagawin na kahit ano ah, walang kiss mas lalong walang kineme. Lo entiendes?"

Nakakagulat naman itong si tyang nasa kiss at kineme agad eh magkaibigan lang naman kami ni Ana, pero syempre Naiintindihan ko naman protective lang siya lalaki nga naman ako na pwede mag take advantage sa pamangkin niya, pero ang gaya ni Ana nirerespeto. Kasi don siya pinalaki ng tyang Amy niya e yung may respeto at syempre di ko din naman magagawa kay Ana na pagsamantalahan siya o mag take advantage sa kanya.

" Yes po señora"

" sige ikaw na bahala dito ah pati sa pamangkin ko, pwede ka magluto ng kahit anong gustuhin pagkain ni Ana o pagkain na gusto mo kumpleto naman diyan sa kusina".

" Opo ako na po, bahala salamat po sa tiwala."

" never break my trust ok? De acuerdo, a dios"

Nang makaalis na nga si tyang ay pinuntahan ko na si Anastasia sa kanyang silid.

Nakita ko naman na tulog ito hinipo ko naman ang Noo niya, nilalagnat nga siya tinignan ko den ang temp niya sa katawan, ghad 38.8 sobrang taas.
Kaya agad agad naman ako bumaba sa kusina. una nagpakulo ako ng tubig para sa soup na lulutuin ko para sa kanya Pangalawa naman naglagay ako ng mga yelo at tubig tsaka bimpo sa planggana na maliit para ipangpapunas ko sa kanya.

Nang matapos ay nagsandok lamang ako ng kaunting soup para makakain siya kahit papano, ginising ko siya para mapunasan at pakainin.

" Ana, Ana gising kana muna. "

Agad naman siya nagising at nagulat kasi ako yung nakita niya.

" Vhong? " pabalikwas na saad niyam

" A-Ano ginagawa mo dito" pilit niya naman tinatakpan ang sarili ng kanyang kumot.

" wag ka mag alala nandito ako para alagaan ka, hindi para may gawin masama sa iyo and yes po Señorita, tyang Amy allowed me to take care of you"
And nag wink lang ako.

Ngumiti lang siya sakin at sinimulan ko na din siyang pakainin.

" Alam ko wala ka pa gana kumain pero kailangan Pilitin mo ah, don't worry ahm soup lang ito kailangan mo kasi mainitan e"

Sinunod na lamang niya ako mga naka sampung higop naman siya ng soup meron pa natirang unti pero ok na din yun atleast may laman ang sikmura niya.

" tubig oh"

" Thank you Vhong"

"matulog ka na muna, magpahinga ka ako na bahala sayo tsaka dito sa bahay"

Nakatulog naman siya agad habang pinupunasan ko siya, nilagay ko na lamang muna ang Bimpo sa kanyang Noo, tsaka ko naman sinimulan ang house chores.

Nag hugas ako ng pinaglutuan ko ng soup at pinagkainan ni Ana. Nag linis nandin ako sa bahay para wala na gagawin sila tyang Amy pag uwi.

Ganyan lang ang eksena ko buong maghapon hangang sa nakatulog na din ako sa sofa ni Ana, meron kasi siyang sofa den sa loob ng kwarto.

***

Gabi na din ng magising ako at nakita ko tulog padin si Ana, chineck ko ulit yung temp niya. Medjo mababa na ito compare kanina umaga 38.3 na lang pero meron parin lagnat.

7pm na bumaba na ako para magluto ng hapunan ni Ana pati narin nila tyang.

Sopas ang niluto ko para makahigop ng mainit na sabaw si Ana sakto den kasi ang nilagay ko na gatas e yung fresh milk at hindi evap kasi wala naman dito non.

Dinalhan ko ng gamot, tubig at pagkain si Ana tumawag na din ako kay tyang kung pwede dito ako matulog para may magbabantay kay Ana, pumayag naman siya.

"Ana gising ka na muna, kakain na"

"y-you're still here? " medj nanghihina niya pang sagot.

" of course ako nurse mo for today wala ka din kasama dito sa bahay kaya hindi kita pwede iwan, pinagkatiwala ka sakin ni tyang. "

Dahan dahan naman siya umupo at inalalayan ko naman siya, nanghihina pa siya at walang gana.

" ikaw kasi sobrang lakas ng ulan kagabi naligo ka ayan tuloy. Ito sopas kakain ka ah''

" wala pa ako gana kumain Vhong e"

" Hindi mo naman uubusin, kailangan lang malagyan ang tiyan mo ng pagkain para makainom ka ng gamot tapos pupunasan na lang kita ulit. "

Nag nod na lamang siya at pinakain ko na mga naka sampung subo ulit siya ng sopas bago ko pinainom ng gamot.
I hope na sana bukas wala na siya sakit.

Pinunasan ko na lang siya ng pinunasan pagtapos niya kumain, maya maya naman ay nakauwi na pala sila tyang at dumiretso sa kwarto ni Ana.

"kamusta siya Vhong? "

" ok naman po señora mababa na ang lagnat niya hindi ho gaya kanina umaga"

"maraming salamat sa pag aalaga sa kanya ah, kumain ka na ba? "

"hindi pa ho kakatapos lang ho kasi kumain ni Ana, kaya pinupunasan ko po muna siya. "

" halika na kumain ka na muna"

***

Natapos na kami sa pagkain at binalikan ko na si Ana sa kanyang silid.
37.8 na lang temp niya sinat na lang. Nag decide na din ako matulog pero dun sa sofa, baka k*t*yin ako ng tita niya kapag tinabihan ko sa kama.

ALL about HER book 2. ANASTASIA.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon