Part 19

2.8K 62 3
                                    

Dean's POV

Game day ulit..

Nandito kami sa loob ng court sa Araneta Coluseum, nag wawarm up kami dahil ilang minuto nalang start na ng game..

Nakita ko din na nandito na sila Jema at yung nga kaibigan nya.

Kalaban pala namin ngayon yung UST, alam kong magagaling yung mga taga UST ngayon kaya hindi pwedeng mag relax, kailangan focus talaga.

"Guys! focus tayo ngayon sa game ok??!" sigaw ni Bei

"yes captain!" sigaw namin

Nang mag start na yung game, sobrang dikit ng laban, mabuti nalang at maganda yung nilalaro ko ngayon.

"de Leon, pinasa kay Wong ang bola.. agad na tumira ng tres!! yes Sir!!" sigaw ng commentator, naghiyawan namam yung mga taga Ateneo

Tiningnan ko yung score, lamang kaki ng anim.

Nasa UST ang bola ngayon, sobrang higpit ng pag babantay namin.. nakita kong naagaw ni Tots yung bola, agad naman akong tumakbo papunta sa ring namin, ipinasa sa akin ni Tots yung bola, agad naman akong tumira ng layup..

Blag!!

"Arrgghhhh tang----!!!" sigaw ko..

"Priiiiitt!!!" pito ng referee..

Bumagsak lang naman ako sa lapag dahil bago ko maipasok yung bola sa ring, nabangga ako ng kalaban, at nagkamali ako ng pag bagsak...

Shit! wag naman sana...

Naka dapa ako ngayon, habang tinitiis  yung sakit..

"OMG si Wong..." rinig kong bulungan ng mga nanonood

"flagrant foul number 1.." sigaw ng referee

Nag silapitan naman yung mga ka teammates ko

"Deans..!" tawag sakin ni Bei, "Ano makakatayo ka ba?" tanong nya, umiling naman ako

Umiling naman ako..

Maya maya, may mga lumapit naman na medical staff at pinahiga ako sa stretcher para dalhin sa malapit na clinic

Tinakpan ko naman yung mukha ko, dahil ayaw kong makita ng mga tao kung gaano ako nasasaktan ngayon.

"Deans.. kami na bahal dito.." sigaw ni Bei

Yeah! I know! may tiwala ako sa inyo...

Dinala ako sa malapit na clinic, agad naman akong inasikaso..

Kanina pa talaga ako napapangiwi dahil sa sakit.

Maya maya pumasok yung isang doctor, kasama yung medical staff ng ateneo.

"Mabuti at hindi serious injury itong nakuha mo Mr. Wong.. sprain lang ito,  pero hindi ka muna pwedeng maglaro sa loob ng 1 week, dahil baka matuluyan itong paa mo at maging ACL injury.." paliwanag ng doctor, tumango naman ako..

Nilagyan naman ng ice yung paa ko..

So dalawang game ako hindi makakapag laro.. pero ok lang, atleast dalawang game lang..

Habang nag iisip ako, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako..

Nagising ako ng may bigla akong marinig na ingay..

"Wag kayong maingay guys! tulog si Dean oh.." sigaw ni Bei, alam kong sa kanyang boses yon, "ayan...gising na tuloy sya.." dagdag nya pa

Lumapit naman sakin si Tots

"Ano Deans?? ok ka lang?" tanong nya, napa roll eyes naman ako..

"ok lang... hindi ako makalakad, 1 week hindi makaka laro... pero ok lang ako.." sabi ko sa kanya.. napangiwi naman sya..

Fall In Love With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon