Dean's POV
"Bei.." tawag ko sa kanya
Nakatingin lang sya sakin..
Aalis na sana ako kahit hindi ko pa nakukuha yung order ko, pero pinigilan nya ko..
"Hey, seriously? after 5 years??" inis na sabi nya
"4 years..." pag tatama ko sa kanya
"O-ok.. sorry.. can we talk?" tanong ni Bei sakin, tumingin naman ako sa kanya at dahan dahang tumango..
Nag lakad naman sya palabas at sumunod naman ako sa kanya...
Nag punta kami sa isang bar.. naka convoy lang ako sa kanya..
Nang makarating kami sa isang bar, nag order sya ng beer..
Tahimik lang kami habang hinihintay yung order.. nang dumating na yung order namin, kumuha sya ng isa at bihuksan yon at agad na binigay sakin.. kinuha ko naman iyon.
"So kamusta kana?" tanong nya
"ganon parin.." sabi ko sabay inom ng beer
"kamusta na kayo ni Isa?" tanong nya
"O-Ok lang.." sabi ko, tumango naman sya..
"Deans, sorry nga pala don sa nangyare satin..." sabi nya, natawa naman ako
"Ok lang.. nangyare na.. saka matagal na yon.. gago naman taga kasi ako diba?" sabi ko
"P-pero kasi h-hindi ko inintindi yung sitwasyon mo.." sabi nya, tumango naman ako
"Kalimutan na natin yon.." sabi ko
Pinuntahan kasi ako nito sa US para lang suntukin ako...
Flashback
Bago dumating yung araw ng kasal namin ni Isa, nakatanggap ako ng text mula kay Bei.. nandito sya sa US.. nakikipag kita sya.. tinext nya din sakin yung lugar na pagkikitaan namin..
Nang makarating ako sa lugar na yon, nakita ko syang nakatalikod..
"Bei.." tawag ko sa kanya.. humarap naman sya sakin, halatang galit sya
"totoo bang ikakasal kana??" tanong nya, yumuko naman ako at tumango
Nagulat ako ng bigla nya akong kwelyuhan..
"Ganon nalang ba kadaling iwanan di Jema ha??!" galit na tanong nya, pilit ko namang tinanggal yung pagkaka kwelyo nya sakin
"Akala mo ba ganon kadali yun Bei?! hindi naging madali yung desisyon ko don..!!" sigaw ko, naluluha na ako
"Gago ka! maraming paraan Deans!" sigaw nya
"Nasasabi mo lang yan dahil hindi ikaw yung nasa posisyon ko!" galit na sabi ko
Hindi ko naman inaasahan yung sunod na ginawa nya.. sinuntok na ako ng malakas kaya napahiga ako sa lapag.. Hindi pa sya nakuntento pumatong sya sakin at sinuntok ako ng sunod sunod...
"Gago ka!" sigaw nya habang sinusuntok ako..
Tumigil lang sya ng makita nyang duguan na yung mukha ko...
"Sige... suntukin mo lang ako Bei... kung pwede nga lang patayin mo na ako.." sabi ko habang umiiyak, nakatingin lang sya sakin
"akala mo ba hindi ako nasasaktan?? halos mawalan na ako ng ganang mabuhay Bei.. ang sakit sakit.. yung mga pangarap namin.. bigla nalang nawala.. dahil saakin.." sabi ko at patuloy yung pag agos ng luha sa mata ko.. hindi ko ramdam yung sakit ng bugbog ni Bei, mas ramdam ko yung sakit sa puso ko
BINABASA MO ANG
Fall In Love With My Enemy
FanfictionBasahin nyo nalang po. :) boy uli si Deanna dito..enjoy