Part 51

3.8K 68 6
                                    

Jema's POV

Tapos na yung class ko ngayong araw, kaya naman nandito lang ako sa room at nag aayos ng gamit.

"Bes, uwi kana?" nagulat ako dahil bigla biglang sumusulpot itong si Kyla, magkatabi kasi yung room namin.

"Maya maya pa bes, hinihintay ko pa si Wong.." sabi ko

"Ayie... kaya pala blooming ka ngayon mare.." sabi ni Kyla sakin, natawa naman ako

"Hindi mo ba pupuntahan sui DJ?" tanong ni Kyla

"pupuntahan, kaya nga nag aayos na ako.." sabi ko

Kaso nagulat ako ng biglang pumasok si DJ..

Naka porma at may dalang sunflowers..

Pogi ha...

"Ehemm.. mukhang may pakulo nanaman si Dean Bes.. hahaha" natatawang sabi ni Kyla

Lumapit sakin si DJ

"Mommy for you po.." sabi ni DJ, at binigay sakin yung bulaklak

Umupo naman ako para mag pantay yung mukha namin..

"thank you baby.. asan si daddy?" tanong ko sa kanya..

"Ako ba hanap mo? miss mo na agad ako?" nakangiting sabi ni Wong habang nakatayo sa pintuan..

Natawa naman ako dahil parehas sila ng damit ni DJ..

Pogi naman ng mga mahal ko..

Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo

"Flowers for you B.." sabi nya sabay abot sakin ng flowers.. kaya dalawang
bouquet na yung hawak ko.

"Thank you B.." sabi ko sa kanya habang nakangiti at nakatingin sa kanya

"Grabe.. sweet naman ng dalawang lalaki sa buhay mo Bes.." nakangiting sabi ni Kyla

Ngumiti lang din si Wong at tumingin sakin

"B, pwede ba kitang ayain mag date ngayon?" tanong sakin ni Wong

"Sure baby.." nakangiting sabi ko

"Mommy ako yung baby mo diba?" sabi ni DJ habang nakakunot noo

Seloso talaga tong batang to..

"Mana sayo B.." nakangiting sabi ni Wong

"Wow ha.. ikaw kaya, seloso.." irap ko sa kanya, kinurot naman ako ni Wong sa pisngi..

"Let's go na B.." aya nya sakin

"Kyla, una na kami.. ingat kayo ha.." paalam ko kay Kyla, nag beso muna ako bago umalis, nagpaalam din sa kanya sila DJ at Wong..

Habang nasa byahe kami papunta sa mall para sa family date namin, ang ingay ni DJ, nakikipag kulitan sya kay Wong habang nag dadrive..

Talagang magka vibes sila.. at ngayon ko lang nakita na ganto ka bibo yung anak ko.

"Mommy, you know what?? parang may gusto si teacher kay daddy.." maya mayang sabi ni DJ, napatingin naman ako kay Wong na parang nagulat sa sinabi ni DJ

"B-bakit baby?" tanong ko kay DJ habang nakatingin kay Wong

"kasi Mommy, iba po yung tingin nya kanina kay Daddy, saka tinanong nya ako kung daddy ko ba daw talaga siya.." kwento ni DJ

Ang alam ko si Ms. Lacsina yung teacher nito ni DJ eh..

Napatingin naman sakin si Wong..

"B, wala yun.." sabi sakin ni Wong, napa cross arm naman ako, "tsaka alam mo naman na ikaw lang yung mahal ko diba?" dagdag nya pa

Fall In Love With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon