Part 15

2.6K 73 0
                                    

Jema's POV

Kanina pa ako inaasar ng mga kaibigan ko dito sa room

"Grabe talaga Jema, ikaw na talaga.. ngayon lang ginawa ni Dean yon ha.." sabi ni Jho habang naka cross arm

"Sweet kaya.." sabi naman ni Ced

"Naku, kahit anong gawin ni Dean, kung si Elvis talaga gusto ni Jema, wala din.." sabi naman ni Kyla

Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano bang nararamdaman ko.. nalilito na din ako..

"Girl.. hindi naman pwede na dalawa ang piliin ni Jema.." sabi ni Mich, tumingin sya sakin, "Kaya Jema, pumili ka sa kanilang dalawa, para hindi umasa yung isa.." dagdag nya pa

"Tama.." pag sang ayon ni Ced

Tama sila, kasi kung papatagalin ko pa to, may masasaktan.. may aasa.. at baka ending nito masira pa pagkakaibigan nila..

"Papayag ka ba sa offer ni Dean? labas daw kayo mamaya.." tanong sakin ni Jho

Hindi naman masama kung pagbibigyan ko si Dean..

"Baka.." sabi ko, napangiwi naman yung mga kaibigan ko

Nang matapos yung morning class namin, nag punta na kami sa cafeteria para mag lunch, pag dating namin don, nakita ko na yung magkakaibigan.

"Hi Jema.." bati sakin ni Wong. 

Naalala ko nanaman tuloy yung ginawa nya kanina..

Yung totoo, kinikilig ako kanina, ngayon lang ako hinarana ng isang lalaki at sa maraming tao pa..

Hindi kagandahan yung boses nya pero nakaka lakas ng appeal..

Nang makabili kami ng pagkaen, nag start na kaming kumaen, naiilang ako kasi tingin ng tingin sakin si Wong..

"Hoy, Dean, pag yung kaibigan namin nawala ng wala sa oras, ikaw sisisihin namin, kanina ka pa tingin ng tingin dyan.." sabi ni Kyla, napayuko naman si Dean

"Hahahahaha hayaan nyo na.. ganyan mainlove si Dean..haha" natatawang sabi ni Bei

Nang matapos kaming kumaen, pupunta na sana kami sa room namin kaso biglang humabol samin si Wong.

"Jema.. uhm n-nakapag decide kana ba?" tanong nya, tumingin lang ako sa kanya

Pagbigyan ko na nga tong bata na to.. hay

Tumango ako..

"Sige.. mamaya" sabi ko, napangiti naman sya

"T-Thank you.." sabi nya, tumango lang ako at nag lakad na uli

Nang makalayo kami sa kanya nag salita si Kyla

"Naku! naku! naku! Jema..." parinig nya sakin, hindi ko nalang sya pinansin

"Guys, bukas pala may game ang Ateneo.. nood tayo ha.." sabi ni Jho

"Oo naman.." sabi namin

Nang makarating kami sa room, nakinig lang kami sa boring na subject.. char..

Pagatapos ng afternoon class namin, dumeretso kami sa gym.

Maaga sila ngayon nag start sa pag practice dahil may game sila bukas.

"Seryoso nila ngayon mag practice no?"sabi ni Ced

Tumingin naman ako kay Wong..

"Huy! ang pogi talaga ni Wong, nakaka inis.. kaso diba may nagugustuhan na syang iba? yung hinarana nya kanina. ayun oh.." rinig kong kwentuhan ng mga babae

Fall In Love With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon