Dean's POV
Habang nakapila ako, parang nag dadalawang isip ako.. parang ayaw kong tumuloy..
Nang makapasok ako ng plane, naupo na ako sa upuan ko..
Kanina pa ako lingon ng lingon sa pintuan ng plane..
Hindi ako mapakali..
Hindi na ako nakatiis kaya tumayo ako..
"Sir, saan po kayo pupunta? malapit na po tayong umalis.." sabi ng babae
"Sorry Miss m-may emergency sa bahay...hindi na ako tutuloy.." sabi ko
Mag sasalita pa sana sya kaso lumabas na ako..
Wala ako sa sariling naglakad palayo doon..
Umupo muna ako sa upuan habang naka tulala at iniisip si Jema..
Siguro nag yes na yun si Jema.. siguro nag cecelebrate na sila ngayon..
Tumulo nanaman yung luha ko..
Maya maya nagsimula na uli akong mag lakad..
Nang may biglang tumawag sakin..
"Tito Dean!!" masayang sigaw ng pamilyar na boses..
Si DJ..
Nakita ko yung mga kaibigan ko na nandito, kaya napakunot noo ako..
At ang isa pa sa ikinagulat ko, ay yung pag takbo ni Jema palapit sakin at bigla akong niyakap..
Gulat akong nakatingin sa mga kaibigan ko, tumango lang sila habang nakangiti..
Niyakap ko naman pabalik si Jema at hinalikan ko yung noo nya..
"A-Akala ko iiwan mo nanaman kami.." bulong nya sakin habang umiiyak, ang higpit ng pagkakayakap nya sakin.
Kumalas naman ako sa pagkakayakap nya at tiningnan ko yung mukha nya..
"T-Tapos na bang mag propose si Elvis? b-bakit kayo nandito?" tanong ko, umiling naman sya
"hindi ko tinanggap.." sabi nya habang umiiyak, "kasi ikaw parin yung mahal ko... kaya pinuntahan ka namin dito para pigilan sana yung pag alis mo.." dagdag nya pa.. napangiti naman ako at agad ko syang niyakap..
Ang saya ko.. ang saya saya ko!!
Thanks God!!
"I love you!" bulong ko sa kanya..
Tumingin naman sya sakin at hinawakan yung magkabilang pisngi ko at hinalikan nya ako sa lips ng matagal..
Napangiti naman ako at tinugon yung halik nya..
Narinig ko namang nag salita yung mga kaibigan ko..
"Ba yan! kung alam ko lang na ganyan yung makikita ko dito edi sana hindi na ko sumama dito.." sabi ni Tots habang naka tingin sa malayo
"Dito pa talaga ginawa yan.." parinig naman ni Bei
"PDA naman ng dalawang to.." rinig ko namang sabi ni Ced
Tumigil naman kami sa ginagawa namin at napatingin kami sa kanila habang natatawa..
Nakita ko naman si DJ na tinatakpan yung mata nya, kaya mas lalo akong natawa..
"Mommy!! why are kissing Tito Dean??" pasigaw na tanong ni DJ habang nakatakip sa mata nya yung dalawang palad nya.. natawa naman si Jema
"Come here baby.." tawag sa kanya ni Jema.. lumapit naman samin si DJ
Umupo kaming dalawa ni Jema para mag pantay yung mga mukha namin..
Nakangiti lang ako habang nakatingin kay DJ..
BINABASA MO ANG
Fall In Love With My Enemy
FanfictionBasahin nyo nalang po. :) boy uli si Deanna dito..enjoy