Jema's POV
Pagkatapos naming kumaen after ng game ng Ateneo, hinatid kami ni Elvis.
Kanina pa ako tahimik dahil iniisip ko si Wong..
Ok lang kaya sya? sabi ni Bei kanina masama daw pakiramdam.
"Jema ok ka lang?" tanong ni Elvis sakin
"Y-yeah.." maikling sagot ko
Nag kwento lang si Elvis sakin, kaso hindi ko maintindihan kung ano yung sinasabi nya. Hanggang sa makarating kami sa bahay.
"uhm Jema.." tawag nya sakin bago ako bumaba, lumingon naman ako sa kanya
"Yes?" tanong ko
"W-wala, wala.." pilit na ngiting sabi nya, tumango nalang ako at bumaba.
Nag wave lang ako sa kanya.
Nang maka alis na sya, pumasok na ako sa loob, nakita ko naman si Mafe na busy sa kaka cellphone.
"oh ate.. nandyan kana pala.. ginabi ka?" tanong sakin ni Mafe
"Kumaen lang sa labas, kasama sila Jho.. kasama din yung ibang player ng Ateneo" sabi ko, napatingin naman sya sakin
"talaga? kasama nyo si Lodicakes?" tanong nya
Lodicakes.. si Wong ang tinutukoy nito..
Umupo ako sa tabi nya
"Hayy! hindi... ni hindi ko nga nakausap ngayong araw yon.." inis na sabi ko
"Oh? talaga? nakita ko sya kanina, nag congrats pa nga ako sa kanya... parang ang lungkot ng mata nya nga.. baka may problema" sabi ni Mafe habang nag dudutdut ng phone, napatingin uli ako sa kanya
"talaga? nag kita kayo?" tanong ko
"Oo, after ng game.." sabi nya
"Sabi ni Bei, masama daw pakiramdam ni Wong.." sabi ko
"Kaya siguro matamlay mata nya kanina..saka pangit ng laro nya ngayon diba?" tanong ni Mafe, tumango naman ako
"Naku ate...baka napagod kahapon yun.." sabi uli ni Mafe, "teka ate... nag aalala ka no?? hahaha ayiiee worry sya..." asar sakin ni Mafe
Inirapan ko naman sya sabay tayo at binato sya ng unan..
"Aarraayy! wehh! worry ka lang eh haha" asar nya, hindi ko nalang sya pinansin dahil paakyat na ako sa kwarto ko, at ginawa ko na yung night routine ko..
Kinabukasan...
Nang makarating ako ng school, magkasabay kami ni Kyla na dumating.
"Huy! bes, aga natin..haha" bungad nya sakin, natawa naman ako..
"hindi ako makatulog kagabi eh.." sabi ko,
Yung totoo, hindi talaga ako makatulog, hindi ako mapakali sa higaan ko, syempre sumasagi kasi sa isip ko si Wong..
Kamusta na kaya yun? ok na kaya sya?
"Huy!! kanina pa kita kinakausap... lutang ka??" nagulat naman ako ng biglang tapikin ni Kyla yung balikat ko
"A-aahh sorry.. kulang lang talaga ako sa tulog...halika na.." aya ko sa kanya
"ayy.. siguro kasi may iniisip.." asar ni Kyla, sinamaan ko lang sya ng tingin.
"tara na... punta na tayo ng gym.." sabi ko, hinawakan nya naman yung kamay ko, kaya napahinto ako sa paglalakad
"Bakit?" tanong ko sa kanya
"anong gagawin mo dun?" tanong ni Kyla sakin
"Manonood ng practice.." sabi ko
"Gaga.. walang practice ngayong umaga.. mamayang hapon daw.." sabi ni Kyla
BINABASA MO ANG
Fall In Love With My Enemy
Fiksi PenggemarBasahin nyo nalang po. :) boy uli si Deanna dito..enjoy