Dean's POV
Nandito ako ngayon sa school kung saan may titingnan akong project, kakausapin ko din yung may ari ng school na ito.
Si Ate kasi, ang kulit, sakin pinapahawak yung isang building na itatayo dito, kaibigan nya kasi yung may ari ng school na to, hindi ko naman matanggihan, sayang naman daw ang pagiging Engineer ko.
Maya maya, nakarating ako sa office ni Ms. Lazaro.
"Hi Ms. Lazaro, I'm Engr. Dean Wong" pakilala ko sa kanya, agad naman syang tumayo at ngumit
"Hi Dean, ikaw yung kapatid ni Cy, ako nga pala si Denise Lazaro" pakilala nya, nagkamayan naman kami.
Pinag usapan lang namin yung mga dapat gawin. Agad naman kaming nagkasundo dahil hindi naman mahirap kausap si Ms. Lazaro. Gusto nyang simulan ko kaagad ngayong buwan yung project. Pumayag naman ako.
Maya maya nagpaalam na ako sa kanya..
Habang nag lalakad ako palabas ng school may nakakuha ng pansin ko..
Ito yung bata na nakita ko sa Mall, yung anak ni Jema.. napangiti naman ako at agad ko syang nilapitan..
Nakayuko lang sya at halatang nalulungkot.
Umupo ako sa harap nya.
Agad naman syang napatingin sa akin at biglang lumaki yung mata nya.
"Stranger!!" masayang sigaw nya, tumayo sya at niyakap ako
"Hahaha, kamusta ka? dito ka pala nag aaral ha.." nakangiting sabi ko
"Bakit ka po agad na nawala kahapon? hindi po tuloy kita napakilala sa Tita ko..." nakangusong sabi nya, natawa uli ako
Actually kasi kilala ko tita mo.. at alam kong galit sya sakin..heheh
"U-uhmm bigla kasi akong may importanteng lakad eh.. sorry.." sabi ko, tumango naman sya
Walang masyadong studyante sa paligid.. ni hindi ko nga alam kung bakit nasa labas to..
"Uhmm Baby, bakit ka nandito sa labas? wala kang klase?" tanong ko
"Wala po, wala po kasi si teacher may kakausapin lang daw.. kaya dito po ako tumambay.." sabi nya
"Wala kang friends?" tanong ko
"meron po, pero gusto ko po dito, tahimik lang po, ang ingay po kasi sa room.." sabi nya.
Naku, ilang taon na ba ito at parang ang matured naman ng isip..
"Eh yung mommy mo?" tanong ko
"Nandon po, nag tuturo..." sabi nya habang nakaturo sa isang classroom..
Tumingin lang ako doon habang tumango naman ako..
Ilang hakbang nalang sana pwede ko ng makita si Jema, kaso hindi na pwede..
"uhm Baby, anong name ng mommy mo?" tanong ko
"Jessica Margarett po.." sabi nya, napaubo naman ako..
Wow... binuo talaga ha... so totoo.. may asawa na sya..
Napasinghap naman ako..
hindi naman masakit... parang kagat lang ng dinosaur..
"Ok lang po kayo?" tanong nya, tumango naman ako..
Yung pangarap naming dalawa, natupad na nya... sa iba nga lang..
Nakaramdam ako ng lungkot..
"ahh Baby, tara, hatid na kita sa room mo" sabi ko sa kanya, ngumiti naman sya at hinawakan yung kamay ko.
Habang nag lalakad kami magkahawak yung kamay namin at nakangiti lang sya, ganon din naman ako..
BINABASA MO ANG
Fall In Love With My Enemy
FanfictionBasahin nyo nalang po. :) boy uli si Deanna dito..enjoy