Jema's POV
Ilang araw pa ang nakalipas, back to normal nanaman..
Nandito ako ngayon sa school, ihahatid ko kasi si DJ sa room nya.
Sinamahan naman ako nila Kyla, habang nag lalakad kami, nag kukwentuhan kami.
"Jema, parang ilang araw ko ng napapansin, parang ang tahimik ni DJ.." sabi ni Ced
"Pansin ko din, simula nung nasa Albay tayo.." sabi naman ni Jho
Napatingin naman ako kay DJ na nauunang maglakad samin.
Kahit ako naman napapansin ko din.
"Jema, baka namimiss nyan si Dean.." sabi ni Jho
Kahit ako naman namimiss ko sya..
"Tito Dean!!" nagulat ako dahil sumigaw si DJ, nakita kong patakbo syang lumapit kay Wong..
Nakatingin lang ako kay Wong, nakita kong umupo sya para mag pantay yung mukha nila ni DJ..
Agad naman syang niyakap ni DJ..
"Namiss po kita!" masayang sabi ni DJ, tipid namang ngumiti si Wong at ginulo yung buhok ni DJ
"Ako din naman.. magpapakabait ka ok?" sabi ni Wong, tumango naman si DJ.. Niyakap ni Wong ng mahigpit si DJ..
Kita ko yung lungkot sa mata nya..
Tumayo si Wong at napatingin kila Jho..
Tipid syang ngumiti at naglakad palayo..
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko..
Ni hindi nya manlang ako tiningnan..
"ohh.. gusto mo yun diba bes? iniwasan kana hahaha.." asar ni Kyla sakin, inis ko namang tiningnan si Kyla
"Jema, kailan mo sasabihin kay Dean na anak nyong dalawa si DJ?" tanong ni Jho
"Kapag may time nalang.." sabi ko
"kailan yung time na yan? pag huli na ang lahat?" tanong ni Jho
"Panong huli ng lahat?" tanong ko
"Hay nako Jema, wala.. tara na.. malilate na ang inaanak ko.." sabi ni Jho
Nang maihatid namin si DJ, pumunta na kami sa kanya kanya naming room ..
Pero hindi ako makapag focus dahil sa ginawa ni Wong kanina..
Sabagay Jema, yun naman talaga yung gusto mo diba??
Ilang araw na ding gumugulo sa isip ko si Wong..
"huy! tulala ka nanaman dyan.." gulat sakin ni Ced
"nang gugulat ka.." inis na sabi ko
"Alam mo Jema, kung ako sayo, hindi ko na papahirapan yung sarili ko.. " sabi ni Ced sakin at umupo sya sa harap ko
"Ikaw din ang nahihirapan, tulad ngayon.." dagdag ni Ced,
"kung binigyan mo lang sana si Wong ng isa pang pagkakataon edi sana happy family kayo ngayon.." si Ced parin yan
"Ito, tingnan mo to.. ang saya mo dito pati ni DJ, at Dean.." sabi nya habang pinapakita yung picture noong nag ATV Ride kami.. "ngayon ka lang uli namin nakitang ganto kasaya Jema.." dagdag nya pa..
Oo nga.. kitang kita yung saya ko dito.. pati ni DJ..
Hindi nalang ako umimik..
Narinig ko naman na napabuntong hininga sya..
BINABASA MO ANG
Fall In Love With My Enemy
FanfictionBasahin nyo nalang po. :) boy uli si Deanna dito..enjoy