Jema's POV
Nandito ako ngayon sa room ni Jho, tapos na ang buong klase kaya may time na sa kwentuhan.. nandito din si Ced at Kyla.
"Bes.. yung outing natin, wag kakalimutan, matagal ng na set yun.." sabi ni Jho,
Oo nga pala.. nag set pala kami ng date para sa outing naming magkakaibigan, syempre isasama namin ang mga anak namin. 1 week din yun..
Pero kasi parang ayaw kong sumama, lahat sila kumpleto doon, kami lang ang hindi, maiinggit lang si DJ, si Elvis naman hindi pwede, nasa ibang bansa sya ngayon.
"Huy.. ano na?" tanong ni Ced
"parang ayaw ko ngang sumama.." sabi ko
"KJ naman.. dali na.." sabi ni Ced, napairap naman ako
"Sige na nga.." sabi ko, natuwa naman sila
Sabagay, bonding na din namin ng anak ko yun..
Saan kami pupunta? sa Bicol lang naman..
"Bes, mag paalam kana, next week na yon.." sabi naman ni Kyla
"Bukas.." maikling sabi ko
Maya maya pumasok yung anak ko dito sa room..
"Hello DJ.." nakangiting bati ng mga kaibigan ko
"Hello po mga Tita.." nakangiting bati ni DJ
"Wow.. mukhang masaya ang inaanak ko ha.." sabi ni Kyla sabay karga kay DJ
"yes po ninang.. masaya po.." nakangiting sabi ni DJ
"At bakit masaya? may crush kana no??" sabi ni kyla, pinalo ko naman sya
"Araayy!" sabi ni Kyla, natawa naman sila Jho
"Ang bata bata pa ng anak ko crush agad.." inis na sabi, natawa naman sya
"sorry na.. baby DJ wag ka muna magkaroon ng crush ha?" sabi ni Kyla kay DJ
"Ninang anong crush?" tanong ni DJ
"Sige Kyla, ipaliwanag mo sa bata yan.. buwisit ka eh..!" inis na sabi ko
"ehehehehe baby DJ, yung crush, candy yun... yung nilalaro.. ayun yung sinasabi ko, candy crush.." sabi ni Kyla, natawa naman ako sa palusot nya sa bata, narinig ko din na tumawa sila Jho
"halika nga dito DJ, baka kung anong kalokohan pa yung makuha mo dyan sa ninang mo.." sabi ko, nagtawanan nanaman sila..
Napansin ko naman na may panyo sa likod ni DJ..
"Anak, sino nag lagay nito sa likod mo?" tanong ko, ngumiti naman sya
"si Stranger po.." sagot nya
Stranger? sino yun?
"Sino yun?" tanong ko
"yung nikukwento ko po sainyo mommy.. nakita ko sya kanina.." sabi ni DJ, napatango naman ako
"Anak, next time, wag ka ng lalapit sa stranger ok?" sabi ko sa kanya
"mommy, friend naman po kami.." sabi ko
"oh kilala mo ba ang pangalan nya?" tanong ko, umiling naman sya
"oh diba? ni hindi nga masabi ang pangalan sayo, nag aalala lang ako na baka may mangyareng masama sayo.. naiintindihan mo ba? ayaw kong mangyare yun, baka hindi ko na kayanin.." malungkot na sabi ko, mukhang naintindihan naman ng anak ko yun kaya tumango sya..
Nagkatinginan lang kami nila Jho..
.
.
.
.
.Lumipas pa yung ilang araw, bukas na yung outing namin..
BINABASA MO ANG
Fall In Love With My Enemy
FanfictionBasahin nyo nalang po. :) boy uli si Deanna dito..enjoy