Danger #2

1.4K 35 10
                                    

DANGER #2


Skye

Naririto na kami sa tapat ng bahay na haunted daw.. Kinakawalang ang gate.. Malawak ngunit marumi at masukal na bakuran.. 

Sira-sirang pinto at bintana.. Mahigit sampong taon na rin daw kasing walang naninirahan dito.. "Tara na." yakag ni Nathan..

Palingon-lingon ako sa paligid dahil baka may makakita sa amin.. Yari kami pihado.. "Skye!" tawag sa akin Bryan.. Nasa loob na sila ng bakuran pero ako ay nasa labas pa rin.. Agad naman akong sumunod sa kanila.. 

Marahan naming ibinukas ang sirang pintuan ng malaking bahay.. Lumalangingit pa dahil sa tagal ng hindi nabubuksan.. Isa-isa kaming pumasok sa loob.. 

"Ang dilim naman." saad ni Tasha..

"Kaya nga tayo may dalang flashlght di ba?" tila asar naman sabi ni Nathan.. "Wag ka na nga lang maingay dyan." ginamit ni Nathan ang cellphone na bigay ni Keno.. May flashlight ang cellphone kaya iyon ang ginamit naming pang-ilaw.. 



"Saan tayo magsisimulang maghanap?" tanong ni Sandra.. 

"Kahit saan. Baka nga hindi lang yung punyal ang makita natin dito eh." sabi ni Bryan na nagtungo sa may hagdanan.. "Baka may iba pang mamahalin dito."

Naghahalungkat ng mga drawer sina Lily at Tasha.. Sina Bryan at Keno naman ay paakyat na ng hagdan.. Nasa kalgitnaan na kami ng paghahanap ng mapansin ko na may ilaw na nagmumula sa labas..

"May tao." sabi ko sa kanila.. Agad namang kaming nagsitago.. Inabangan namin kung saan patungo ang ilaw na nakita ko.. 

Nang makalampas ang ilaw sa malaking bahay.. Agad akong nagtungo sa bintana upang sumilip.. Sa flashlight pala ng mga tanod nanggagaling ang ilaw.. 

"Tara sa taas." aya ni Sandra.. Umakyat kaming lahat.. Puro mga luma at sira-sirang gamit ang nasa loob ng bahay.. 

Dahil may kalakihan ang bahay.. Naghiwa-hiwalay kami.. Si Nathan at si Sandra ay sa gawing kanan ng bahay.. Samantalang ako, si Lily, Tasha at Bryan ay magkakasama sa naghahalungkat sa isang silid.. Si Keno ay humiwalay rin sa amin.. 

"Kanina pa tayo dito. Pero wala naman akong nakikitang punyal." reklamo ni Lily.. Kalahating oras na kasi kami sa loob.. Hindi pa namin nakikita yung hinahanap namin.. "O kahit nga ghost. Wala din." 

"Wag ka na ngang magreklamo." inis namang sabi ni Bryan.. "Maghanap ka na lang."

Inirapan lang ni Lily si Bryan pero ipinagpatuloy pa rin ang paghahanap.. Nakarinig kami ng kaluskos sa kabilang silid.. Napatigil kami sa aming ginagawa.. 

Pinakinggang mabuti kung sa kabilang silid nga nanggagaling ang kaluskos.. Langitngit na tila sirang kama ang naririnig namin.. 

"Aaaaaaaahhh!" narinig naming sigaw mula sa kabilang silid..

"Boses ni Sandra yun!" sigaw ni Tasha.. Bigla namang nakaramdam ng takot sina Tasha at Lily..

"Baka may masamang nagyari." natatakot na sabi ni Lily.. Napakapit pa siya sa braso ko..

"Tingnan natin." sabi ko.. Agad kaming nagtungo sa kabilang silid upang alamin kung anong nangyari.. 
 

Nadatnan namin doon si Sandra.. Nakahiga sa sirang papag.. Nakalilis ang palda.. Nakataas ang dalawang paa.. Si Nathan.. Nakakubabaw kay Sandra.. Nakababa ang pantalon.. 

"Eww!" saad ni Lily.. "Ang cheap ninyo ha. Sa isang haunted house pa talaga kayo gumagawa ng milagro." nasira pala ang lumang papag kaya napasigaw si Sandra.. Hindi kinaya ang bigat nilang dalawa..

Tila wala namang pakialam yung dalawa.. Inirapan lang ni Sandra si Lily.. At sa harapan namin.. Itinuloy ang ginagawa..

"Guys!" boses ni Keno mula sa isa pang silid.. 

Agad namin siyang pinuntahan.. "Bakit?" tanong ko.. Naiwan pa rin sina Sandra at Nathan.. 

"Ang punyal!" sabay turo ni Keno sa isang malaking frame na nakasabit sa dingding.. Naroroon ang punyal.. Ang punyal na hinahanap namin.. Ang punyal na may dalawang talim.. Ang punyal na magpapayaman sa amin.. 

A/N: wahahahaha.. okay ba? okay ba? hala.. nakatapos ulit ng isa pang chapter.. sana lang matapos ko ang lahat ng chapter na gagawin ko.. paalala sa mga minors ha.. kung ano man ang mababasa ninyo dito.. wag gagawin o gagayahin.. salamat po sa mga magbabasa at boboto.. hehe.. salamat po.. ^_^

Danger (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon