Danger #4

1K 31 8
                                    

DANGER #4

Sandra

Isang linggo na rin mula ng makuha namin ang punyal sa lumang bahay.. Isang linggo na.. Pero nasa amin pa rin ito.. Wala pa kasi kaming nakukuhang buyer.. 

Kasama ko ngayon sina Lily at Tasha.. Patungo kami ngayon sa tinutuluyan nina Keno at Skye.. Pag-uusapan namin kung ano nga ba ang gagawin namin sa punyal kung sakaling wala pa rin kaming makuhang buyer..

Naglalakad kami ng mapansin kong may makakasalubong kami.. Inilayo ko sandali ang sarili kina Tasha.. Dahil sa gitna mismo namin dumaan yung makakasalubong namin..

"Ang bastos naman ng babaeng 'yon." sabi ko kina Tasha.. "Sa gitna pa talaga natin dumaan."

"Babae?" tila takang tanong ni Tasha.. Lumingon pa siya sa likod.. "Wala naman ah."

"Anong wala?" sabi ko.. "Hayun nga't nakasalubong na natin. Lawak ng daan. Sa gitna pa natin dumaan." sabi ko..

"Ano ka ba, Sandra? Eh wala naman tayong nakasalubong na babae eh." sabi naman ni Lily na takang-taka sa mga sinasabi ko.. 

"Meron man." sabi ko.. Sabay-sabay pa kaming lumingon sa likod.. Wala nga kaming nakitang babae.. Although may mga tao sa paligid.. Pero walang tao na malapit sa amin, para masabing may nakasalubong kami sa isa sa kanila.. 

"Kitams!" sabay pa nilang sabi at nagpatuloy kami sa paglalakad..

"Pero--" muli akong lumingon sa likuran namin.. "AAAAAHHHH!" sigaw ko.. Dahil yung babaeng sinasabi kong nakasalubong namin.. Ang lapit-lapit sa akin.. Titig na titig sa akin ang mga mata niyang nanlilisik.. 

**********

  

Lily

"Oh? Anong nangyari dyan?" tanong ni Skye ng makarating kami sa kanila.. "Parang nakakita ng multo."

"Putlang-putla oh." sabi naman ni Keno.. Tinulungan kami ni Keno na maiupo si Sandra.. Nanginginig si Sandra.. At hindi namin alam kung bakit.. 

"Ewan ko dyan." sabi naman ni Tasha.. "Naglalakad lang kami kanina. Bigla na lang sumigaw. Tapos ayan. Takot na takot na." 

Danger (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon