Danger #3

1K 33 10
                                    

DANGER #3

Skye 

Nakita na namin ang punyal.. Ang punyal na sa amin ay magpapayaman.. Nakapaloob ito sa isang frame na nakasabit sa dingding..  

Kumuha ako ng silya upang matungtungan.. Kinuha ko mula sa pagkakasabit sa dingding ang frame na pinaglalagyan ng punyal.. Inilabas ko ito mula sa frame.. 

Nakapatong ang punyal sa isang pulang tela na nagsisilbing kama nito.. Pilak ang kulay ng katawan ng punyal.. Kulay ginto at brown naman ang hawakan nito..

Nakikita ko ang sarili kong repleksyon sa punyal na hawak-hawak ko.. Kumikinang sa tama ng liwanag na nagmumula sa buwan.. Ang liwanag ay tumatagos mula sa sira-sirang bintana ng bahay.. 

"Ang ganda!" manghang sabi ni Lily na pinakatitigan ang punyal.. 

"Tiba-tiba tayo nito." nakangising sabi ni Bryan na pinagkiskis pa ang mga palad.. Kinuha niya mula sa akin ang punyal.. 

Inagaw naman ni Tasha ang punyal kay Bryan.. "Patingin naman ako." sa pag-agaw ni Tasha sa punyal ay nahiwa siya nito.. "Ouch!" nagdugo ang hintuturo ni Tasha.. 

"Pangahas ka kasi." reklamo naman ni Bryan.. Pero ginamit naman ni Bryan ang laylayan ng damit para maampat ang dugo sa daliri ni Tasha.. 

Kinuha naman ni Lily mula sa kapatid ang punyal.. "Magkano kaya natin maibebenta 'to?"

"Ibebenta talaga natin yan?" alangang tanong ko..

"Oo naman noh. Pinaghirapan nating kunin. Tapos hindi natin mapapakinabangan." sabi ni Keno.. 

"AAAAhhhh!" nakarinig naman kami ng sigaw mula sa kabilang silid..

"Sus!" iritang sabi ni Tasha.. "Si Sandra at si Nathan lang yun. Hindi pa tapos gumawa ng milagro." 

"Pabayaan na nga natin ang mga yun." sabi naman ni Lily.. "Tara na." aya niya.. "Sa labas na lang natin sila hintayin." 

"Mabuti pa nga." sang-ayon namin ni Keno.. Lumabas na kami ng silid.. Dala na namin ang punyal.. Bumaba ng hagdan at tuluyang lumabas ng bahay.. Iniwan namin sa loob sina Sandra at Nathan.. Sa labas na lang namin sila hihintayin.. 

**********

Sandra

"AAAAhhhh!" sigaw ko sabay tulak kay Nathan palayo sa akin.. 

"Bakit?" tila asar naman sabi ni Nathan.. Itinaas niya ang kanyang pantalon.. 

"May tao." kinakabahang sabi ko.. Inayos ko ang sarili ko at nanguyapit kay Nathan.. Tinuro ang labas ng silid na kinaroroonan namin.. 

"Ano ka ba?" sabi ni Nathan.. "Baka sina Skye lang 'yon. Naninilip." pilit akong inihihiga ni Nathan.. 

"Teka lang." awat ko sa kanya.. "Puntahan na natin sila." sabi ko.. 

"Mamaya na. Hindi pa tayo tapos eh." hinalik-halikan niya ako sa leeg.. 

Sa pag-iwas ko sa mga halik niya.. Nadako ang tingin sa labas ng silid.. Tila may nakikita akong isang anino.. Pinakatitigan ko itong mabuti.. 

"Aaaaahhh." sigaw ko.. Isang babae.. Isang babaeng may nanlilisik na mga mata.. Nakatingin sa akin.. Sa amin.. Tila galit na galit.. 

"Ano ba?" naitulak ko pa si Nathan sa pagsigaw ko.. Tumayo siya at nilapitan ako.. "Ano bang problema mo?" galit na tanong niya.. 

"M-may m-mu--" nakapikit na sabi ko.. Takot na takot ako..

"Ano?!" pasigaw ng sabi ni Nathan.. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.. Ayokong magmulat.. Dahil baka makita ko na naman ang babaeng nakita ko.. "Dumilat ka nga! Umayos ka!" 

"May babae!" sabi ko at biglang dumilat.. Sabay turo ko sa may pinto.. Naiiyak na ako sa takot.. 

"Babae?" nilingon ni Nathan ang pinto.. "Wala naman ah." binalik niya ang tingin sa akin..

Tumingin ako sa pinto.. Wala na nga doon ang babaeng nakita ko.. Inilibot ko ang tingin ko sa buong silid.. Walang bakas na may iba pa kaming kasama.. 

"Baka si Tasha lang yun. O kaya si Lily." sabi ni Nathan.. 

"Pero--" sabi ko.. Pinigil niya ang pagsasalita ko sa pamamagitan ng halik niya.. Hindi pa rin nawawala ang takot sa dibdib ko.. 

"Ituloy na lang natin 'to." sabi niya at muli akong pinaghahalikan sa leeg.. "Nabitin ako eh."

"Nathan--." bigla namang nagring ang cellphone niya.. "Sagutin mo na." sabi ko.. 

"Hello?!" iritableng sagot ni Nathan sa cellphone.. "O, sige! Pababa na!" pinatay na nito ang cellphone at isinilid sa bulsa.. "Kanina pa raw sila sa labas. Tayo na." sabi niya at nauna ng naglakad palabas ng silid.. 

Dahil sa takot ko.. Agad akong sumunod kay Nathan.. Nanguyapit agad ako sa kanyang braso.. At habang naglalakd kami palabas.. Palinga-linga ako.. Baka may makita na naman akong tiyak na ikakatakot ko..

"Ang tagal ninyo ha." inip na sabi ni Lily.. "Isang oras na kami dito. Nilalamok na nga ako." nasa labas na kami ng bahay.. 

"Tara na!" bwisit pa ring sabi ni Nathan.. Nauuna pang maglakad.. 

"Anyare dun?" tanong ni Keno.. Hindi ako sumagot..

Nagkibit balikat lang si Skye.. Si Tasha at Lily naman, sinundan lang ng tingin si Nathan.. 

"Nabitin siguro." tumatawang sabi ni Bryan.. Nag-appear pa sila ni Keno.. Si Skye, Lily at Tasha ay nagsitawanan lang. .

Samantalang ako.. Ramdam pa rin ang kaba at takot.. Totoo ba yung nakita ko kanina? O guni-guni ko lamang? Ramdam kong pinagpapawisan ang mga palad ko.. Bumuntong-hininga na lamang ako at pinilit wag isipin kung anong ang nakita ko..

"Tayo na." sabi ni Skye.. Sinundan na namin si Nathan.. Naglakad na kami.. Palayo sa bahay na iyon.. Hindi na ako nagtangkang lumingon.. 

A/N: waaaaaaaahhh.. chapter 3.. omg!! i'm working on chapter 4.. waaaaaaahh.. salamat po sa lahat ng babasa.. paalala ulit sa minors ha.. hehe.. salamat po sa inyong lahat.. sensiya kung parang lang wenta ha.. pero salamat.. ^_^ whew.. *punas pawis sa ulo* hehe.. salamat.. love lots.. ^_^

Danger (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon