Danger #8

631 14 3
                                    

DANGER #8

Lily

Binalikan na ng malay si Tasha.. Nakahiga siya sa sofa.. Nang magising siya ay marahan siyang naupo.. Inabot ni Skye ang tubig at pinainom si Tasha..

"Okay ka na ba?" tanong ko sa kapatid ko.. "Bigla ka na lang nagsisigaw at nagtatakbo kanina." sabi ko..

"Kumusta ka na, Tasha?" tanong naman ni Bryan.. Napatingin naman si Tasha sa nobyo.. Ngunit bigla na lamang namutla si Tasha..

"Tasha? Ano bang nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko.. Walang imik na itinuro niya si Bryan.. Napatingin naman kami kay Bryan.. "Anong ginawa mo?" tanong ko...

Iiling-iling na sumagot si Bryan.. "Wala akong ginagawa. Nagbabaklay lang kami. Bigla niya akong tinarayan at sinabing wag siya bulungan." sagot ni Bryan..

Nanginginig ang labing sumagot si Tasha.. "M--may b-babae s-sa l-likon ni B-bryan kanina."

"Namamalik-mata ka lang siguro kanina, Tasha." sabi ko.. Hinaplos ko ang kanyang buhok.. "Magpahinga ka na muna." suhestiyon ko..

'Hindi. Totoo yung nakita ko. Babae. Nanlilisik ang kanyang mga mata at parang galit na galit siya sa akin." takot na takot na sabi ni Tasha.. Napatingin kaming lahat ng marinig kaming parang nabagsak at nabasag na plato..

"Sandra? Okay ka lang ba?" lumapit si Keno sa putlang-putlang si Sandra na nakatayo sa may pintuan sa kusina.. Plato niya ang nabagsak at nabasag..

"N-nanlilisik ang mga mata?" takot na tanong ni Sandra kay Tasha.. "Iyon din ang nakita ko sa lumang bahay at iyon din ang nakasalubong natin ng minsan." napahawak si Sandra sa braso ni Keno..

"Ano ba kayo?" napatayong sigaw ni Bryan.. "Hindi totoo yang mga pinagsasabi ninyo. Guni-guni ninyo lang yan."

"Pero, Bry, totoo yung  nakita ko. Hindi ako namamalik-mata." pagpipilt ni Tasha.. Humawak pa siya sa braso ng kasintahan..

"Totoo ang sinasabi namin." giit ni Sandra.. "Totoo yun. Marahil iyong babaing iyon ang pumatay kay Nathan. At iisa-isahin niya tayo hanggat hindi natin ibabalik ang punyal." sigaw ni Sandra..

"Huminahon ka, Sands." awat ni Keno sa gustong magwala na si Sandra.. "Iniimbistagahan na naman ng mga pulis ang nangyari. Hayaan na lang natin sila." sabi ni Keno na pinapakalma si Sandra..

"Mabuti pa magpahinga na tayong lahat. Dala lang siguro iyan ng pagod at puyat natin sa lamay ni Nathan." suhestiyon ni Skye.. Inaya ko naman patayo si Tasha..

"Sigurado akong siya ang pumatay kay Nathan!" sigaw ni Sandra..

"Tumahimik ka nga!" ganting sigaw ni Bryan na lumapit kay Sandra at akmang sasampalin..

----------

Skye

"Ano bang gulo dito?!" napatingin kaming lahat sa nagsalita.. Ang tiyahin ni Nathan na si Aling Meding, mukhang kapapasok lamang nito mula sa pagbabaklay sa labas.. Masama ang tingin sa amin.. "Mga wala kayong galang! Hindi ninyo man lang iginalang ang burol ng pamangkin ko! Magsilayas kayo!" galit na sigaw ni Aling Meding..

Isa-isa kaming hinatak palabas ng kanyang bahay.. "Naturingan kayong mga kaibigan ni Nathan. Hindi man lang kayo gumalang sa burol niya. Hala! Layas kayo! Hindi ko kaya kailangan! At lalong hindi kayo kailangan ng pamangkin ko!" pagtataboy sa niya sa amin..

"Teka po!" pagpipigil ko.. Ngunit panay ang tulak niya sa amin.. Nagpanting ang tenga ko ng makita kong napahandusay si Lily dahil sa pagtulak niya.. "Lily!" nilapitan ko si Lily.. "Okay ka lang?" marahang tumango si Lily.. Inalalayan ko siyang makatayo..

"Magsilayas kayo!" sigaw ni Aling Meding.. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao.. Nagbubulungan pa ang iba..

"Wala ho kayong karapatang itulak si Lily at ng kahit na sino sa amin!" galit na sabi ko kayAling Meding.. Sinamaan niya lang kami ng tingin..

"Tara na, Skye. Wag mong pag-aksayahan ng oras ang hukluban na yan." awat sa akin ni Bryan at hinila kami ni Lily palayo..

Nagpatianod naman ako sa paghila ni Bryan.. Ngunit nakatingin pa rin ako sa bahay kung saan nakaburol si Nathan.. Nanlaki ang aking mga mata ng tila parang nakita kong nakatayo si Nathan sa may pinto. Tila malungkot at may sinasabi..

"Skye?" untag ni Lily.. Tumingin ako sa kanya.. Tila ba nagtataka siya.. Muli akong tumingin sa bahay nina Nathan.. Wala na akong Nathan na nakatayo.. Namalik-mata lang ba ako? O sadyang nakita ko si Nathan?

A/N: waaaaaaah.. sorry sa super late na UD.. pasensiya na po.. sana lang magustuhan ninyo.. husgahan na po ninyo.. salamat po.. :) super maraming salamat.. :) sorry sa typo.. :)

Danger (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon