Danger #7

724 11 6
                                    

Danger #7

Skye

Pangatlong  araw na ng burol ni Nathan.. Pangatlong araw na rin na iniimbistigahan ang kaso.. Ngunit wala pa ring makuhang ebidensiya ang mga pulis.. Kung sino at kung bakit pinatay si Nathan..

Hindi pa rin ako makapaniwala na patay na si Nathan.. Patay na ang isa sa mga kaibigan ko.. Kasalukuyan akong nagkakape habang nakabantay sa kabaong ni Nathan.. Pinagmamasdan ko siya habang nakahiga sa kabaong.. Wala ng buhay..

Nang bigla na lamang nagmulat ang kanyang mga mata.. Nanlilisik na nakatingin si Nathan sa akin.. "Ibalik ninyo na ang punyal." sigaw ni Nathan.. Dahilan para mapaatras ako.. Natabig ko pa si Lily na nasa likuran ko pala.. Nabitawan at natapos ang kapeng iniinom ko..

"Skye? Okay ka lang ba?" tanong ni Lily.. Pinupulot niya ang mga kending natapon dahil sa pagkakatabig ko..

"Aa-hh. Ehh. Okay lang ako." kinakabahang sagot ko.. Tinulungan ko siya sa pamumulot ng kendi.. Inilapag niya ang mga plato ng kendi sa lamesa sa gitna.. Naupo siya sa kabilang upuan katabi ang kabaong ni Nathan..

Pasimple kong sinulyapan si Nathan.. Nakapikit pa rin ito at parang hindi nangyari ang nakita ko kanina.. Siguro ay namalik-mata lamang ako..

"Nabawasan na tayo ng isa." sambit ni Lily na nakatingin sa kabaong ni Nathan.. Tumingin siya sa akin.. Malungkot ang kanyang mga mata.. "Sinong susunod sa atin? Sino na ang susunod na papatayin?" umiiyak ng sabi ni Lily..

**********

Lily

Niyakap ako ni Skye.. Nabawasan na kami.. Patay na si Nathan.. Iniisip pa ni Sandra na ang nagbabantay sa punyla ang gumawa nito kay Nathan.. Paano kung totoo na ang nagbabantay sa punyal ang may kagagawan.. Sino ang isussunod niya?

"Tumahan ka na." alo sa akin ni Skye.. "Wala ng susunod pa. Hindi na tayo mababawasan pang muli. Pangako yan." sagot ni Skye habang hinahaplos ang buhok ko..

Tumingala ako para tingnan si Skye.. Nakatingin siya sa kabaong ni Nathan.. "Skye." tiningnan niya ko.. "Natatakot ako." sabi ko.. Gumanti ako ng yakap sa kanya..

"Wag kang mag-alala. Hindi ka mapapahamak. Ipinapangako ko. Poprotektahan kita." sabi niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin..

Umiiyak lang ako habang nakayakap sa kanya.. Natatakot talaga ako.. Hindi ko alam kung anong pwde mangyari sa amin sa mga susunod na araw.. Nasa ganoon kami posisyon ng mapansin namin na tila nagkakagulo sa labas..

Agad kaming lumabas para tingnan kung anong nangyayari.. Nakita ko ang kapatid ko.. Si Tasha.. Sumisigaw.. Pabalik-balik sa pagtakbo.. Tila may iniiwasan o tinatakasan na kung ano.. Habol-habol siya ni Keno at Bryan.. Sinusubukan siyang pakalmahin at patigilin..

**********

Tasha

"Tigilan mo ako! Layuan mo ako!" panay ang sigaw  ko..  Kanina pa kasi may bulong ng bulong sa tenga ko.. Kung ano-ano ang ibinubulong..

Naiirita na ako.. Tumayo ako sa kinaaupuan ko.. Napatingin tuloy sa akin ang ibang nagbabaklay.. "Okay ka lang?" tanong ni Bryan na nasa tabi ko lamang..

"Tigilan mo nga ang pagbulong sa akin." mataray na sabi ko kay Bryan..

"Ano? Hoy! Tasha, nanahimik ako ditong tumataya sa baklay." iritado na ring sagot ni Bryan.. "Wag mo akong pagbnintagan."

"Sinungaling! Bulong ka ng bulong diyan. Nakakairita sa tenga!" sigaw ko sa kanya at tinabig siya para makadaan ako..

"Aba't! Hoy, Tasha! Ano bang problema mo ha?" sumunod sa akin si Bryan.. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya..

"Bulong ka kasi ng--. Ahhhhhhhh." sigaw ko.. Pagharap ko kasi sa kanya.. May nakita ako sa likuran niya.. Isang babaeng nakaitim na may nanlilisik na mga mata.. Nakatingin ito sa akin at tila nagpupuyos sa galit..

"Hoy! Tasha!" inalog-alog ako ni Bryan.. Nanginginig na itinuro ko ang babae sa kanyang likuran.. Lumingon naman siya.. "Anong meron sa likod ko?" tanong niya na muling humarap sa akin..

"M-may b-babae." pautal-utal na sagot ko.. Tumingin ako kay Bryan habang nakaturo  ang kamay ko..

"Babae?" lumingon ulit siya sa likuran niya.. "Wala naman ah."

Tumingin din ako sa likuran niya at nakita kong wala ngang babae.. Wala yuing babaeng nakatingin.. "P-pero--.. Ahhhh." naasigaw akong muli.. Dahil ng himarap sa akin si Bryan.. Hindi mukha niya ang nakita ko.. Yung mukha nung babaeng may nanlilisik na mga mata..

"Ahhhhh!!" pilit akong kumakawala sa pagkakahawak ng babae sa akin.. At nang makawala ako.. Nagtatakbo ako palayo.. Sigaw ng sigaw..

**********

Bryan

"Wala naman ah." lumingon ako sa likod ko.. Dahil sabi ni Tasha.. May babae.. Pero wala naman kong nakita.. Medyo malayo rin kami sa mga nagbabaklay..

Hinarap kong muli si Tasha.. "Aaaahhhh!" sigaw niya at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko..

"Tasha! Ano ba? Huminahon ka nga!" hinihigitan ko ang hawak ko sa kanya.. Sigaw pa rin siya ng sigaw at pilit kinakalas ang kamay ko.. "Tasha!" sigaw ko ng makawal siya sa pagkakahawak ko..

Nagtatakbo siya palayo at sinundan ko siya.. Sigaw siya ng sigaw na parang baliw.. Paikot-ikot lang naman kami sa harap ng bakuran nina Nathan.. Hinahabol ko siya..Tinulungan na rin ako ni Keno sa paghabaol kay Tasha..

Pero sa tuwing nahahawakan ko.. At titingin siya sa akin.. Muli na naman siyang sisigaw at tatakbo palayo.. At nang si Keno naman ang makahawak sa kanya.. Sumigaw na naman siya hanggang sa mawalan siya ng malay..

A/N: waaaaaaaaaaaaahh.. sorry kung matagal ang UD ha.. sorry talaga.. kasi bukod sa naging busy.. na mental block naman.. kaya ayun.. hindi ako nakapag-UD.. sorry talaga.. sorry.. sorry.. salamat sa mga naghihintay.. salamat po sa inyong lahat.. love lots.. muaaaahh..

Danger (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon