Danger #1

2.3K 50 13
                                    

DANGER #1 

Skye

"Pre, tama na yang panonood mo ng RATED SPG." awat sa akin ng kasama ko sa apartment at kaibigang si Keno.. Lumapit siya sa harap ng tv at pinatay iyon..

"Pambihira ka naman oh oh." asar na sabi ko sa kanya.. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at inayos ang nakabukas na zipper ng pantalon ko.. Lumapit ako sa tv at akmang bubuhayin itong muli.. 

"Mamaya na ulit, Skye." sabi niya na iniharang ang sarili sa harap ng tv.. "Nasa labas ang barkada." tumingin pa siya sa may pintuan.. "Hinihintay tayo."

Tumingin na rin ako sa nakabukas na pinto.. Nakita ko ang mga kabarkada namin.. Nasa labas ng gate ng tinitirhan namin ni Keno.. Lahat nakangisi.. Paano kasi.. Huling-huli kasi nila akong sarap na sarap sa pinanonood ko.. 

Naging barkada ko sila dahil pare-parehas kami ng gusto.. Ayaw mag-aral.. Gusto maging tambay.. Ayaw magtrabaho.. Palamunin ng mga magulang..

Kung naging masipag lang sana kami.. Naka-graduate na siguro kami ngayon.. May magandang buhay.. May pangkain sa araw-araw.. Pero dahil nga hindi namin nakahiligan ang mag-aral..

Ayun.. Tambay sa kanto.. Taga-simula ng gulo.. Laging laman ng prisinto.. Sakit sa ulo ng mga tao.. Pariwara ang buhay.. Walang hanap-buhay.. 

Napadpad ako dito dahil pinalayas ako ng tatay ko sa bahay namin.. Wala daw akong silbi.. Dahil sa mahal ako ng nanay ko.. Siya ang nahanap ng matitirhan ko.. Nakaasa sa kanyang sustento.. 

Si Keno, ang may kaya sa barakda.. Pero dahil walang oras sa kanya ang mga magulang.. Hayun, nagrebelde, naglayas at napadpad sa poder ko.. Snatcher ang naging trabaho kaya may pangrenta ng bahay.. 

Kakamot-kamot sa ulong lumapit ako sa kanila.. "Anong atin?" 

"Nakaraos ka ba?" natatawang tanong ni Nathan.. Isa sa barkada ko.. Naghagikgikan naman  sina Tasha at Sandra.. Samantalang si Lily.. Nakairap lang..  

Si Lily at Tasha, magkapatid.. Simula ng mamatay ang nanay nila.. Napariwara na ang buhay.. Ginawa pang parausan ng kanilang ama.. Kaya ayun, maagang namulat sa makamundong gawain..

Si Lily ang bunso sa kanila ni Tasha.. At si Lily ang babaeng gusto ko.. Pwede na ring sabihin na mahal ko.. Dahil simula ng tumuntong ako sa lugar na ito..

Sa kanya na napako ang mga mata ko.. Sa kanya tumibok ang puso ko.. Siya ang minahal ko.. 

Mahal ko na siya. Gusto ko siya.. Gusto kong mapasakin siya.. Gusto kong maangkin siya.. Pero kapag nakakaharap ko siya.. Para akong teenager na natotorpe sa kanya..

Magkasundo kami ni Lily.. Sa barkada.. Siya ang madalas kong kasama.. Kakwentuhan.. Madalas kaasaran.. Pero hindi ko talaga magawang magtapat sa kanya.. 

Si Sandra, pinsan nina Lily at Tasha.. Nagpa-abort dahil naanakan ng una nitong boyfriend.. Nalaman ng mga magulang.. Pinalayas din.. Nakikitira ngayon kina Lily at naging parausan na rin ng ama nina Lily..

Si Nathan, boyfriend ngayon ni Sandra.. Walang magulang.. Tanging tiyahin lamang ang kasama sa buhay.. Kunsumisyon pa ang inaabot ng tiyahin niya sa kanya.. Pusher.. At tambay sa kanto..

Tiningnan ko lang sila ng masama.. "Ano nga ang atin? Isrtorbo kayo eh." reklamo ko.. 

"Sama ka sa amin." aya ni Bryan.. Kasintahan ni Tasha.. Palamunin ng palaging may sakit na ina.. Iniwan ng ama dahil sumama sa iba.. Alam ang nangyayari sa kasintahan.. Nakikisali pa minsan.. 

"Saan naman?" tanong ko.. Tuluyan na akong lumabas ng gate ng tinutuluyan namin ni Keno.. 

"Doon sa sinasabi nilang haunted house." sagot naman ni Tasha na may hithit pa na sigarilyo.. Girlfriend ito ni Bryan.. 

Kunot-noong pinasadahan ko sila ng tingin.. "Ano namang gagawin natin doon?" 

"Siguro mag-go-ghost haunting." inirapan pa ako ni Lily.. "Haunted house nga di ba?"

"Kayo na lang. Gabi na." tinalikuran ko sila at akmang papasok ulit sa gate ng harangin ako ni Nathan.. 

"Sumama ka na. Exciting 'to." nakangiting sabi pa ni Nathan.. "At saka, may nag-go-ghost haunting ba ng umaga?" 

"Natatakot ka lang naman ata, Skye eh." pangangatyaw pa ni Lily..

"Oo nga naman, Skye." saad naman ni Keno.. "Natatakot ka ba? Sumama ka na." 

"At saka, malay mo. Makita pa natin doon yung sinasabi nilang punyal na may dalawang talim." sabi ni Sandra.. 

"Baka mabenta pa natin yun. Tiba-tiba tayo." nakangising sabi ni Bryan sabay akbay kay Tasha.. 

"Siya, siya." pagpayag ko.. "Tayo na." nauna pa akong naglakad sa kanila.. Kung hindi lang nila kasama si Lily.. Hindi talaga ako sasama sa kanila.. 

"Yes!" sabay-sabay na sabi nila.. 

A/N: waaaaaahh.. nakatapos ng isang chapter.. ahahahaha.. sana lang maguloy-tuloy na itechiwa.. hehehe.. salamat po sa magbabasa, nagbabasa at nagbasa nito.. maraming salamat din po sa magco-comment, nagco-comment at nag-comment dito.. hehehe.. salamat po.. salamat.. salamat.. ^_^ love lots.. ^_^

Danger (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon