Danger #6

913 26 15
                                    

Danger #6

 

Skye

 


Nag-unat- unat ako ng braso at binti.. Panay rin ang hikab ko.. Kagigising ko lang kaya naman parang tamad na tamad pa akong bumangon..

"Ouch!" singhal ni Tasha.. "Wala namang sipaan, Skye." reklamo ni Tasha.. Nakahiga ito sa may paanan ko.. Katabi nito si Bryan at si Sandra.. 

"Sorry." sabi ko.. Nasipa ko pala siya.. Dito na kasi sila natulog kagabi.. Hindi naman kalakihan ang silid namin ni Keno.. Kaya siksikan kami.. 

Tumayo ako ay marahang nilaktawan sina Sandra at Bryan na nasa may paanan ko rin.. Lumabas ako ng silid at nagtungo sa banyo upang maghilamos at  at magmumog..

Pagkatapos ay nagtungo ako sa kusina.. Sinilip ko ang maliit na ref namin ni Keno.. Tiningnan ko kung meron ba kaming maaalmusal.. 

Nang wala akong makita.. Bumalik ako sa silid.. Muli kong nilaktawan ang natutulog pang sina Bryan at Sandra.. Kumuha ako ng kaunting pera sa bag ko..

"Saan ka pupunta?" tanong ni Lily na pupungas-pungas.. 

"Bibili lang sana ako ng pandesal sa may kanto." sabi ko.. 

"Teka!" sabi niya at mabilis na tumayo. "Hilamos lang ako. Samahan na kita." sabi niya at nagtungo agad sa banyo.. Doon ko na siya hinintay sa salas.. 

**********

Lily

 

Papauwi na kami sa bahay nina Skye galing sa pagbili ng pandesal.. Nang mapansin namin na maraming tao ang nagkakagulo sa labas ng bakuran ng lumang bahay..

"Anong meron?" takang tanong ko kay Skye..

"Shooting?" nakangising sagot niya..

Inirapan ko lang siya.. "Shooting? May mga pulis?" nakataas ang kilay na sabi ko.. 

"Action eh." sabi ni Skye..

Hinila ko siya at nagtungo kami sa pinagkakaguluhan ng mga tao.. "Silipin natin."

Danger (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon