Danger #5

913 23 5
                                    

Danger #5

Skye


Nahimasmasan na ng kaunti si Sandra.. At nakakausap na rin.. Kinuwento niya sa amin kung anong nangyari sa kanya.. 

Ang sabi niya.. Noong nasa lumang bahay kami.. May nakita siyang babae.. Isang babaeng tila galit na galit.. Binalewala daw niya ito.. Pero kanina daw.. Noong papunta sila dito sa bahay.. Nakita niyang muli ang babae.. Ganoon pa rin ang itsura..

"Baka guni-guni mo lang yon." sabi ni Tasha.. Nakatutok pa rin ang tingin sa tv.. 

"Hindi kaya.." sabi naman ni Lily..

"Hindi kaya?" tanong ko..  Tumingin sa akin si Lily.. Bago tumingin muli kay Sandra.. 

"Yung babaeng nakita mo ay yung nagbabantay sa punyal." sagot ni Lily.. 

Napatingin naman si Tasha sa amin.. "Lily? Ano bang sinasabi mong babaeng nagbabantay sa punyal?" 

"Hindi ba? Sabi ng mga matatanda." si Lily.. "Ang bahay ay itinayo pa noong panahon ng mga espanyol. Isang dalagang espanyol ang nagpagawa at nagmamay-ari ng bahay. Nakapangasawa daw ito ng isang koreano. Dahil daw sa pagmamahal ng babae sa kanyang asawa. Ipinasadya niya ang punyal na nasa atin ngayon."

Habang sinasabi iyon ni Lily.. Kinuha ko ang punyal sa pinagtaguan namin ni Keno.. 

"At sabi pa ng ilan. Pagkakakilanlan daw ng pamilya nila ang punyal na ito." dugsong ko sa sinasabi ni Lily.. "Ipinangako daw ng babae na tanging kapamilya at kadugo lamang nila ang maaaring may mag-ari ng punyal na ito." 

"At kung sino man ang kumuha ng punyal. Hinding-hindi patatahimikin ng babae hanggang sa maibalik sa kanya." dugsong naman ni Sandra na naglalaki ang mata.. "Oh my! Baka papatayin niya tayo. At ako ang uunahin niya dahil ako pa lang ang nakakita sa kanya." naghihisteryang sabi ni Sandra.. 

"Ano ka ba naman, Sandra?" naiinis na sabi ni Tasha.. "Kwento-kwento lang yon. Ni wala pa ngang nakapagpatotoo niyon di ba? Kaya, relax." 



"Oh no!! Papatayin niya ako. Papatayin niya tayo." tarantang sabi ni Sandra.. "Ibalik na natin ito sa kanya. Ibalik na natin ito sa bahay." sabi niya na inagaw sa akin ang punyal.. 

Danger (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon