Chapter 12: Rehearsals

43 2 2
                                        


Kath's POV

Nandito kami ngayon ni ate dito sa cafeteria kasama ang barkada. Nagtaka nga ako eh kung bakit ako ang kasama nila at hindi si Alex.

"Guyz bakit 'di niyo kasama si Alex ngayon. Diba kayo ang magkakasama?" takang tanong ko.

"Eto namang si Kath. Parang sinasabi mo na ayaw mo kaming kasama." pagdradrama ni Yen

"A-ang sakit Kath.... masakit sa kalooban na ayaw mo kaming makasama. WAaaaahhhh!!! I hate you naaa!!!" Neil

"Huy Yen! Sigurado ka bang hindi bakla tong boyfriend mo?" tanong ni Ate

"Waaaahhhh!!!! Bakla ka?!?!?!?" tanong ni Yen kay Neil

"Waaah!! sorry Yenibabes!! Ayoko nang magtago!! This is the real me. Neil Coleta sa Umaga... Nicole Swan sa gabiiiiii...." sabay taas baba ng kilay.

"BAKIT?!?! BAKIT MO TINAGO SAKIN TO?!?!? PAANO?!?!?!" sigaw ni Yen tsaka iyak

Nagiging seryoso na toh. Grabe.

"Magbreak na tayo... di ko na kayang makipagrelasyon sa bakla!!!" Yen

Tumayo na silang dalawa at naghiwalay ng patutunguhan ng biglang.....

"YENIBABEEESSS!!!!" Neil

Tumakbo na sila patungo sa isa't isa at nagyakapan.

Humagalpak naman ng tawa ang mga tao sa canteen na nanunood

"Tama na nga ang kabaliwan niyo! Tuloy di na ako nakakain." sabi ko sabay pout. sakto na kasing nagring ang bell.

"Tara na nga." sabi ni bes at sabay sabay na kaming pumunta sa room.

Naglalakad kami nang biglang may nakabangga sakin. Pinulot ko nalang ang mga nahulog kong gamit tsaka ako tumingala para amkita kung sino ang nakabangga sakin.

"Psh. Yan kasi patanga tanga.. di marunong tumingin sa dinadaanan." cold niyang sambit.

Si Alex...

"Excuse me lang Daniel ha. Pero ikaw ang nakabangga sa kapatid ko kaya ikaw ang may kasalanan." sabi ni ate

"Whatever. Alexa. Mamaya. Sa bahay. After classes. And DONT BE LATE." madiing sabi niya at umalis na.

"Argh kakainis talaga yung lalaking yon!"

"Alexis... ang puso... hinay hinay...." sabi ni..... Gabriel Mason??

Crush.

ni.

Ate.

"Ch- che!!" mataray na sumbat ni ate.kahit sobrang namumula na siya. haha nakakatawa lang.

///

Tapos na ang klase kaya napagdesisyonan ko na na pumunta sa bahay nila Alex

*ding dong*

Nasa tapat na ako ng bahay nila Alex.

"Oh anak ikaw pala!!" masayang bati sakin ni manang.

Siya si manang. Bata palang kami ng barkada ay siya na ang naging pangalawang nanay namin. sa tuwing may play date kaming magbabarkada ay siya ang umaasikaso saamin.

"Hi po manang. Nandyan po ba si Alex?" tanong habang bineso beso siya

"Ay oo anak. Umakyat ka nalang sa kwarto niya."

"Sige po manang." sabi ko at pumunta na sa kwarto ni Alex.

Pagkatapat ko sa pintuan niya, kumatok ako. Nang hindi siya nagsalita, pumasok nalang ako. Nakabukas naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Jun 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love like no Other Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon