Julia's Pov
Kanina pa nag-start ang lunch time pero hangang ngayon, tuliro parin si Kath. Kanina pa siya wala sa sarili eh. Tanga tanga naman kasi si DANIEL EH! Palagi niya nalang sinasaktan si Kath. Hindi ko na kayang makita si Kath na naghihirap pero I have to support her.
Eto ako ngayon... parang baliw na nagsasalita. Napansin ko kasi na hindi nakikinig saakin si Kath.
"Huy Bes! Para na akong tangang nagkwekwento rito hind ika naman nakikinig!" sigaw ko.
ABA AT! Hindi parin niya ako napapansin.
"BES!!!" sigaw ko ulit. At ayun naman. Napasigaw rin siya.
"Ay kabayong bundat!"
"HAHAHAHA!!!! TANGA MO BES!" sabi ko. Natatawa lang talaga ako eh :P
"Alam ko naman eh...." Pabulong na saad niya pero narinig ko naman.
Hay nako.... Alam ko naman na double meaning yung sinabi niya eh.
"Bes... ano ba kasing nangyari... nag-aalala na ako eh.." saad ko.
Hindi siya sumagot kaya iniba ko nalang ang topic.
"Sige bes! Kain na tayo " sabi ko "Wala akong gana bes..." sabi niya nalng pero halatang nanghihina.
"Bes... okay ka lang?" tanong ko sakanya kasi namumutla na siya at muntik na siyang matumba.
Binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti. Naglakad na siya papalayo pero agad na siyang natumba at nawalan ng malay.
"KATH!!!" sigaw ng mga tao sa likod ko. Pagtingin ko.... Nakita ko si Yen, Kiray, at ang mga boys kasama si Daniel.
Tumakbo nalang ako sa kinaroroonan ni Kath. Inihiga ko siya saakin at tinapik ko ang pisngi niya.
"Bes!? BES!!!" sabi ko na natataranta na. Nilapat ko ang kamay ko sa noo at leeg niya. ANG INIT!
"Julia! Anong nangyari kay Kath!!" natataranta na rin ang barkada.
"Dalhin muna natin siya sa ospital!" sabi ko
Binuhat na ni Neil si Kath. Tinignan ko naman si Daniel pero ni kahit anong bahid ng pag-alala ay hindi ko nakita sa mga mata niya.
GALIT AKO KAY DANIEL! Pero hindi ito ang tamang oras.
PAgdating namin sa ospital, may mga nurse na tumulong saamin at nilagay na nila si Kath sa ER.
..
"FUCK YOU DANIEL!!" sabi ko sakanya.
"Grabe ka naman makamura." Sabi niya saakin na patawa.
Mas lalo naman akong nagalit sakanya. MY BESTFRIEND DOESN'T DESERVE THIS!
"Walang hiya ka! Ang dami ng paghihirap na dinanas ni Kath sayo! Pero ANO!? Hindi mo man lang yun pinahalagahan!" sigaw ko. Sumabog nalang ako.
After an hour hindi pa lumalabas yung doctor ni Kath. Lahat kami ngayon nakayuko.
"Mapapagod din si Kath, Daniel. Soon, mapapagod rin siya at susuko na siya." Sabi ni Neil
"Edi mabuti. Noon pa naman ay yun lang ang hiling ko sa DIyos eh! Na sana... mawala na siya sa buhay ko." Sabi niya
Lahat kami nagpipigil ng galit dahil alam naman naming na hindi ito ang tamang oras para magaway- away.
BINABASA MO ANG
A Love like no Other
General FictionXyra Colene Fontanilla maganda ✔ mayaman✔ SUPER mabait✔ In short, nasakanya na ang lahat. Pero hindi....Hindi pa niya nakukuha ang kanyang mahal na sa Xenon Alexander Ferrer. But she's willing to do everything... just to make him see her worth...