Chapter 8: Barkada Feels...

43 1 0
                                    

Kath's POV

Nagising ako ng may bigat na pakiramdam. Ang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak. Hangover na siguro ito.

Pinilit kong bumangon kasi alam kong may pasok at ayaw ko namang umabsent. Nang maimulat ko ang mga mata ko ng maayos... nakita ko ang kwarto ko na sobrang gulo. Ang daming basag na bote at halos lahat na nang mga gamit ko ay wasak.

Pero ang talagang gumulat saakin ay nakita ko si ate Daphney sa tabi ko. May hawak siyang bimpo na basa.

I-inalagaan n-niya ako? As in ako?

OMG! Hindi ko mapigilang maluha dahil inalagaan ako ng ate ko. Matagal ko ng hinihintay tong araw na 'toh dahil sa wakas, naramdman ko rin ang pakiramdam ng may nagaalaga sa iyo.

Kahit naman kasi dati, kapag nagkakasakit ako, lagi nalang sina yaya o kaya naman ako lang talaga magisa.

Sa kadramahan ko, nagising na si Ate Alexis.

"A-alexa... okay ka na ba? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Ano!?!" natataranta niya tanong.

Dahil sa hindi ako makapagsalita, niyakap ko nalang siya.

"Ano bang nangyari sayo Kath, at bigla bigla ka nalang naglalasing?" tanong niya ng may pagaalala.

"W-ala po a-ate..." sabi ko sakanya.

Mukhang hindi siya nakuntento sa sagot ko pero hindi nalang siya nagpumilit.

Medyo nanghihina akong pumunta sa cr at naligo. After I finished my morning rituals, tinawag ko na is Manong John. Driver namin.

Nang makarating kami sa school, sumalubong saakin ang mukha ng bestfriend ko.

"Bes! What happened to you? Nagmukha kang Zombie! Sumasabay ka ba sa Holloween?"

"Wala namang nangyari. Im fine bes. Nothing to worry." Sabi ko nalang at sumabay sakanya papuntang classroom.

Pagdating naming sa classroom... saktong nagring ang bell. Natapos ang isang subject pero wala parin si Alex.

*BLAAGG*

[A/N: Sorry walang budget para sound effects. Hehe]

Malakas na bumukas ang pintuan ng room.

"DANIEL PADILLA! HAVE YOU NO SHAME!" sigaw ni ma'am na kasalukuyang nakatingin kay Alex.

Hindi siya pinansin ni Alex at nagtuloy- tuloy nalang sa upuan niya. Take note, katabi ko siya.

"Hi Alex!" sabi ko sakanya na para bang walang nangyari kahapon.

At as usual, wala nanaman siyang sagot. Sanay na naman ako sakanya eh. Ok lang yun, basta nasabi ko na sakanya ang dapat kong sabihin, ok na.

Natapos na rin sa wakas ang morning classes namin. At eto ako ngayon, hinihintay si Alex sa labas ng room.

"Alex! Sabay na tayo!" sabi ko sakanya nang makalabas siya ng room namin.

"Talaga bang hindi mo ako titigilan? Please lang. Don't act like were close. Oo magkababata tayo, pero that doesn't mean that you could just barge in into my life like a maniac. Stop it ok? Dahil wala yan' patutunguhan." Sabi niya saakin. And once again, nagsituluan nanaman ang luha ko.

A Love like no Other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon