Sandro's POVHinahanap-hanap ko si Nhea sa likod pero di ko siya nakita. Tatanongin ko din sana si Clarisa kung nasan si Nhea pero wala rin siya.
"Ibibigay ko muna ang aking mikropono sa aking anak na si Sandro!" Sabi ni dad kaya pumunta muna ako sa harap.
"Magandang hapon, Pampanga!"
Naghiyawan ang mga tao sa harap ko.
"Minumungkahi ko ang aking pasasalamat sa lahat na dumalo ngayong hapon. At uhh, sana naman po ay magpatuloy ang iyong pagsuporta sa aking tatay hanggang siya'y mahalal na. Maraming-maraming salamat. Mabuhay ang Pilipinas!"
Di ko na pinatagal ang pagsasalita ko at binigay ulit kay dad ang mikropono.
Sumusulyap ulit ako sa likod pero wala pa rin akong nakikitang Nhea. Tinignan ko ang phone ko pero wala naman siyang sinabi sa akin.
Umalis ba ulit siya?
Nahagilap ko si kuya Drew na nagmamadaling makalapit sa akin at parang hinihingal.
"Sir Sandro, si Ma'am Nhea po dinala sa ospital!"
What?!
"Anong nangyari sa kanya?!"
"Nilalagnat po siya at nahimatay kanina sa likod."
Tumingin muna ako sa harap. Nagsasalita pa si dad kaya kay mayor Sara nalang ako magpapaalam.
"Mayor, kailangan ko po umalis. Nasa ospital po si Nhea."
Alam ni mayor ang tungkol samin dahil sinabihan siya ni dad.
"Hala! Anong nangyari sa kanya?"
"Nilagnat daw po at nahimatay." Sabi ko.
"Oh sya sige na, ako na magsabi sa tatay mo."
"Maraming salamat po!"
Mabilis akong umalis at sinundan si kuya Drew patungo sa sasakyan at pumunta na kami sa ospital kung saan dinala si Nhea.
Pano siya nagkalagnat? She was fine pa kaninang morning. Why didn't she tell me?
Pagkadating namin sa ospital ay dumiretso kami agad sa ward ni Nhea.
Nakita ko siyang natutulog habang binabantayan siya nila ate staff at Clarisa.
"Sir Sandro."
"Kamusta si Nhea?"
"Ang taas po ng lagnat niya. Sabi ng doctor kailangan niya magpahinga ng maayos." Sabi ni ate staff.
"Na overwork po ata si Ma'am since yesterday. Pawis na pawis siya kanina after niya mag organize. Pinapahinga namin siya pero kailangan po daw niyang gawin ang trabaho niya." Sabi naman ni Clarisa.
Damn it. In two days nasobrahan siya sa work and I blame myself for it.
"Ako na po magbantay kay Nhea. Salamat sa pagdala ninyo sa kanya dito."
Tumango sila at lumabas na ng ward.
Kumuha ako ng upuan at umupo sa tabi ng bed.
I looked at her face na namumutla pa rin. Kinapa ko ang noo niya and she's still burning.
If tito Alfonso will know about this, sigurado akong magtatampo siya sakin dahil pinabayaan ko si Nhea na magkasakit.
2 hours have passed and it's already 7 pm pero di parin nagigising si Nhea. Chineck na ng doctor ulit ang kanyang temperature and luckily, bumaba na.
"Mr. Marcos, may I ask if ka ano-ano niyo po si Ms. Claxton?" Tanong ng doctor.
"She's my girlfriend." Sabi ko at tumango naman siya.
YOU ARE READING
Life with Sandro Marcos
FanfictionTuklasan ang buhay ni Nhea Claxton kasama ang taong di niya akalain ay makakasama niya habang-buhay. Through the lows and the highs andyan si Sandro Marcos sa tabi ni Nhea.