Chapter 8

577 17 1
                                    


Nhea's POV

Nakabalik na kami ni Sandro sa bahay pero nagpaiwan muna sila AJ sa dagat.

Tahimik lang kaming dalawa pagpasok sa bahay at pinabilin ko kay tito Alvin na siya muna maghatid kay Sandro sa guest room at ako naman dumiretso muna sa kwarto ko.

Pumasok ako sa cr para mag hilamos at naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Flashback

"And we have met again, Nhea".

Napatulala ako sa sinabi niya.

It was really him!

"So...uhm...it's really you.." Nginitian niya ako and lumapit sakin.

"Nhea, I don't know why I was looking forward to see you everytime my dad wants to meet with your dad".

Di ako makatingin sa kanya.

Ano tong nararamdaman ko? Bawat titig at hawak niya ay may kuryenteng dumadaluy sa katawan ko.

"I uhm...the dj..in your university...it
was me..."

Siya din pala yun??

Dun na ako napatingin sa kanya at napa atras ako konti nung humakbang pa siya ng isa palapit.

Magsasalita pa sana ako nang may familiar na boses na tumawag sakin.

"Nhea?? Ikaw ba yan?"

Napalingon kaming dalawa ni Sandro sa pinanggalingan ng boses.

"Dave?" Ang kababata ko.

Lumapit siya samin at ako naman ay dahan-dahan na lumayo kay Sandro at humarap kay Dave.

"Long time no see!" Niyakap niya ako tsaka naramdaman ko yung pag dampi ng labi niya sa ulo ko.

"Long time no see, Dave". Bumitaw kami sa pagkayakap at umatras ako konti pero di ko namayalan na may bato pala kaya natalisod ako nang biglang may malakas na kuryente na naman sa katawan ko nung may kamay na humawak sa likod ko para di ako matumba.

"Be careful." Sabi ni Sandro.

"Thank you." Nginitian ko siya. 

"Okay ka lang, Nhea? Dahan-dahan din kasi kala ko na starstruck ka sa kagwapohan ko kaya ka natalisod." Huh ang hangin pa rin.

"Kapal mo." 

"HAHAHAHAHAHA" Tuwang tuwa ka talaga sa sarili mo kahit kailan Dave noh?

Bahagya din natawa si Sandro sa likod ko. Siguro natawa din siya sa malakas na hangin na dumaan.

Natigilan si Dave sa pagtawa nang makilala niya yung lalaki sa likod ko. 

"Sir Sandro?! Sandro Marcos?! Hala ikaw nga! Nhea, tumabi ka." At yun nga, tinulak ako ng mahina ni Dave sa gilid at lumapit siya kay Sandro para magpakilala.

Sarap itapon ni Dave sa dagat ah. Tinakwil ang sariling kababata. 

"Hello! Ako pala si Dave, kababata ni Nhea. Bakit po kayo naparito?" Nakipagkamayan si Dave at tinanggap naman ito ni Sandro.

"Ahh, hi Dave. Sinamahan ko si Nhea dito." Kumunot ang noo ni Dave.

Sandro, ayusin mo pagkasabi mo baka iba pagkakaintindi niya sa pagsabi mo.

"Ah! hahahaha what he mean is uhmm since I'll be working with him, napasama muna siya dito para ipagpaalam nila lolo't lola tungkol sa kontrata namin." 

Nhea, why the heck you're acting like this??

Napa 'ahh' nalang si Dave at tumango si Sandro sa kanya sabay ngiti. 

Life with Sandro MarcosWhere stories live. Discover now