Nhea's POVNasa pintuan kami ni Sandro habang sumisilip sa garden kung saan nandun sila Kate at Simon at tsaka sila tito't tita.
"Dito ka na mag lunch, iha. The more the merrier, diba Nhea?"
"Po?! Hahaha oo naman." Nagulat ako nung tinawag ako ni tita.
Nakita niya pala kami ni Sandro.
"Tinulak-tulak mo kasi ako, Sandro. Ayan tuloy nakita ako ni tita." Sabi ko at hinampas ng konti ang balikat niya tsaka na ako lumabas at lumapit kina Kate.
"HAHAHAHA! I'm sorry. Di ko naman sinasadya, love."
Di ko na pinansin si Sandro at ngumiti nalang ako kay Kate at kumindat.
"Mukhang madadagdagan tayo sa pag shopping natin, tita ah." Sabi ko at natawa naman si tita.
"Mga anak, wala tayong gagawin this day. How about we go swimming?" Tanong ni tito at nagningning ang mga mata namin ni Kate.
"I'm in." Sagot ni Sandro.
"Me too." Aniya ni Simon.
At kami naman ni Kate ay tumango na may konting tili.
"Okay, that's final. Gigisingin ko lang si Vinny sa taas." Sabi ni tito at tumayo na sa kaniyang upuan tsaka pumasok na sa loob. Sumunod naman si tita at naiwan kaming apat sa garden.
It's still 8 am kaya tulog pa yun si Vinny.
"Welcome to the family, Kate." Aniya ni Sandro at ngumiti kaming dalawa sakanila.
"Thank you. Should I call you kuya or not?"
"Pfft." Pinigilan kong tumawa sa tanong ni Kate.
"Oh, no. Just call me Sandro like how Simon calls me." Sagot naman ni Sandro at sinamaan niya ako ng tingin but I just stick my tongue out to him tsaka ko na hinila si Kate papasok sa loob.
Sumunod naman din sila Sandro sa amin.
Kailangan muna namin umuwi ni Kate sa bahay dahil kukuha kami ng mga damit. Tinawagan ko si kuya Franz para sunduin kami at ilang minuto lang ay dumating na din siya.
"How was your talk with tita and tito?" Tanong ko habang nasa sasakyan kami.
"They are really nice. Kinakabahan nga ako eh but when tita Liza comforts me, I can feel her warmth." Aniya.
"Told yah." Sabi ko at nginitian siya.
Nang makarating na kami sa bahay ay nagbihis agad kami ng swimwear pero nagbalot pa rin kami ng parang dress.
After we arrange everything we need to bring ay muli kong tinawagan si kuya Franz na pababa na kami.
"I like your swimwear, Nhea ah. Saan mo binili yan?"
"Binili ko ito sa London. Mura lang kasi kapag dun ako bibili." Sabi ko.
"Ahh, next time sasama ako sayo dun para bumili ng swimwear." Aniya.
"Didn't you bought that from Singapore? Maganda naman ah" Tanong ko at tinuro ang suot niya.
"Nah, my mom bought it and it's quite expensive. I prefer buying less expensive ones pero maganda pa rin ang quality." Sagot niya at tumango ako.
Nakababa na kami at sinalubong kami ni kuya Franz.
"Both of you are looking fresh today, ah. Halatang may inspiration." Pang-aasar ni kuya samin.
"Kuya, you should find a girlfriend already. Para kang bitter makapagsalita eh. Sige ka, tatanda kang binata diyan." Sabi ni Kate pero inirapan lang siya ni kuya Franz.
YOU ARE READING
Life with Sandro Marcos
FanficTuklasan ang buhay ni Nhea Claxton kasama ang taong di niya akalain ay makakasama niya habang-buhay. Through the lows and the highs andyan si Sandro Marcos sa tabi ni Nhea.