Umakyat na ako sa east building after ng pag-alis nila dad at tito.
Nadatnan ko ang secretary ni mom kaya binati niya ako.
Sinilip ko muna sa glass window ng office si mom and may kausap pa siya sa phone kaya hintayin ko muna siya matapos bago ako papasok sa loob.
Sa floor na to ay may table kung saan nakapwesto ang secretary ni mom and sa kabilang bintana ay matatanaw mo ang kalahati ng manila.
"Ms. Nhea, pwede na po kayo pumasok sa loob." Sabi ng secretary ni mom. Tapos na pala yung call.
"Sige po."
Pumasok na ako sa office at nakaupo na si mom sa swivel chair niya.
"Pinapatawag niyo po ako, mom."
May binigay na white folder si mom sakin at binuksan ko naman ito.
"Nak, alam mo naman na close si dad mo at tito Bong mo diba?" Aniya ni mom at napatango naman ako.
"Hm."
"Right, and your tito Bong even offered Sandro to be our spokesperson as Sandro is willing also." Di pa ata alam ni mom na di ako sang-ayon about neto.
"Yes mom, but-" She cut me off and said,
"You disagreed to this so instead ikaw ang mag tatrabaho for Sandro." Ngumiti siya sakin na parang may ibang meaning pa to.
"Po?" Binasa ko yung nakasulat sa loob ng folder at dun ko napatanto na isa pala itong kontrata.
"You've made our business succesful anak and your dad is beyond thankful sayo kaya he wants you to explore other things din besides our work." Tumayo si mom sa upuan niya at nilapitan ako then hinawakan ako sa dalawang braso ng mahigpit.
Wala akong masabi.
"Ayaw ka namin makulong sa mundo ng puro negosyo lamang. At isa pa, gusto ko na din naman mag ka apo."
"Mom!" Tumawa lang siya ng malakas.
Grabe naman neto. Parang ibebenta na nila ang kaisa-isa nilang anak.
"Kung ano man ang magiging desisyon mo anak, I'll support you."
Ay! Anak ng kalabaw!
Napalingon ako sa pintuan kasi bigla lang pumasok si dad....and tito Bong??
Anong ginagawa nila dito? Akala ko ba mag dinner sila?
At dun ko din nakita na nasa likod nila dad sila Sandro, Simon at Vinny.
Minumulto ba ako? Kakaalis lang nila kanina ah. Ano sila nagteleport?
"HAHAHAHAHAHA". Ang lakas tumawa ni mom. Di din napigilan ni dad matawa. Anong klaseng pamilya meron ako? Or ampon lang ba ako?
Nahulog din pala yung folder na nasa kamay ko kanina dahil sa gulat.
Kailangan ba talaga manggulat dad? Pwede naman kumatok muna diba?
"Anak, HAHAHAHAHAHA! Your face is so priceless HAHAHAHAHAHA".
Kaya pala hinawakan ni mom ang braso ko para di ko makita na nasa labas ng office sila dad.
Napakunot nalang ako ng nuo dahil nalilito ako sa pinanggagawa nila.
"What is happening?" Tanong ko sa kanila pero di nila ako masagot ng maayos dahil tawang tawa pa rin.
At kita mo nga naman pati sila Sandro tumatawa na din sa likod.
Nakakaloka ano ba meron?
"Actually, we just brought some take out foods para masamahan natin mom mo mag dinner." Si tito Bong na nagsalita kasi sila mom at dad nagpupunas pa sa mga luha nila kakatawa.
YOU ARE READING
Life with Sandro Marcos
Fiksi PenggemarTuklasan ang buhay ni Nhea Claxton kasama ang taong di niya akalain ay makakasama niya habang-buhay. Through the lows and the highs andyan si Sandro Marcos sa tabi ni Nhea.