"A-aray, Kuya," daing ko gamit ang mababang boses.
Napasigaw na lang ako ng lalo niyang diinan ang paglilinis sa sugat ko.
Aguy, aguy.
"Ah masakit?" sarkastikong tanong niya. "Buhusan ko ba ulit ng alcohol?"
Umiling ako sa takot na buhusan niya ulit ng alcohol ang sugat ko. Hindi sinasalubong ang tingin niya dahil alam kong sobrang talim ng tingin niya sa akin.
Tuwang tuwa pa naman ako dahil akala ko ay ako lang ang tao sa bahay bukod sa mga katulong namin.
Tapos hindi ko alam na may naghihintay na pala sa aking taga bitay. O mas magandang sabihin na si kamatayan.
Kailangan ko munang kumain, bago bitayin.
Ineexpect ko na si Mama ang masasalubong ko. Pero si Kuya?
Nadatnan ko siyang nanonood ng tv sa salas. Balak ko pa sanang taguan siya kaso mukhang alam niya na darating ako.
Lakas ng radar.
Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin at buhusan ng alchol ang sugat ko. Napa ngal ngal na lang ako ng wala sa oras. Napamura na lang tuloy ako sa lahat ng lenggwaheng alam ko.
"Kababae mong tao, kung ano anong gulo ang pinapasukan mo?" Sermon niya at akmang kukunin ang alcohol at ibubuhos muli sa sugat ko.
"Kuyaaa!" mangiyak ngiyak na sigaw ko. "Masakit sabi!"
"Masakit talaga kung hindi ka magtitino! Ayan ba ang napapala mo sa mga kaklase mo, ha?"
Ngumuso ako at umiling. Bakit nadamay ang mga tukmol?
"Nung isang araw pa kasi ako inaabangan nung gumawa nito." Rason ko at sinipat ang sugat ko. Napangiwi ako ng kumirot ito.
"Bakit ka inaabangan? May atraso ka ba sa kanila?" seryosong tanong niya.
Ako? Wala, si Deive meron.
Nadamay lang naman ako sa gulo nila dahil sa pag aakalang 'girlfriend' daw ako kuno ni Deive na puwede nila magamit laban sa kanya.
Humalukipkip siya sa harap ko at seryoso akong pinakatitigan.
Nag iwas muli ako ng tingin. Nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba o hindi. Masama ang kutob ko na pag sinabi ko sa kanya, may gagawin siya para maiiwas ako sa gulong iyon. Kaya pinili kong wag na lang muna sabihin.
"H-hindi ko alam," iling na sagot ko.
Hindi siya sumagot. Nagpakawala siya ng hininga bago mag salita. Mukhang alam niya na ayaw ko ang pag usapan pa ang bagay na iyon.
"Umakyat ka na at magpahinga. Bukas na lang tayo mag uusap." Tumango ako sa kanya at kinuha agad ang gamit ko at nagtungo sa kuwarto ko.
Pinaligo niya na ako kanina bago niya linisin ang sugat ko kaya sumalampak na ako sa kama ko at tumulala sa kawalan.
Napapapikit na ako sa pagod ng biglang nag ingay ang telepono ko.
Yamot akong napabangon at padarag na inabot ang cellphone ko. Dahil kalhating shunga ako, dumulas sa kamay ko ang cellphone at lumagapak sa sahig.
Doon na tuluyang nagising ang kaluluwa ko at agad na dinampot iyon sa sahig. Hindi ko na pinansin pa ang pagkirot ng sugat ko.
Hahaha! Tanga!
Sinipat sipat ko iyon at ganon na lang dismaya ko ng makita ko ang basag sa screen nito.
Binuhay ko ito at nakahinga naman ako ng maluwag ng mabuhay ito.
YOU ARE READING
BNDASD PART II: The Painful Secrets | ✓
Teen Fiction-Aice The only Daisy among the Wild Thorns The only girl among the boys. They treat her as their Binibini. They care for her and adore her so much after the incident. The memories and the friendship they build in a small matter of time. She trust t...