“Ang takaw mo talaga, na-try mo na bang magpurga? Baka kaya ka matakaw kasi binubalate ka na?”
Napatigil ako sa akmang pagsubo ng grilled pork nang magsalita si Zack. Sinamaan ko siya ng tingin. Epal din ‘to e.
“Natural lang na magtakaw lalo na pag libre pero hindi naman ibig sabihin no’n ay may bulate na’ko,” ismid ko sa kaniya sabay subo ng grilled pork.
“Sinong may sabing libre ‘to?” ngiwi niya.
Nailuwa ko ang grilled pork at dali daling tumayo. “Tara na, hindi pala masarap dito.”
Humagalpak siya ng tawa. Napairap ako dahil inaasar na naman ako ng asul na ito.
Muli akong umupo at nagpatuloy sa pagkain.
“Sa tingin mo, Zack dapat kong bang pakinggan ‘yung paliwanag ng tropapips mo?” wala sa sariling tanong ko sa gitna ng pagkain namin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya na para bang ineexpect na niya ang tanong ko.
“Well, I’m not on your shoes but if your heart says ‘listen to him and understand his reason' then go for it. Pero kung may pagtutol, then don’t force yourself,” seryosong paliwanag niya. “But it depends on you kung ang paliwanag niya ang magpapaayos ng peace of mind mo, then go for it.”
Humalukipkip siya at pinakatitigan ako.
“Paano kung ayaw ko pero gusto ko?”
“What do you mean na ayaw mo pero gusto mo?”
Nag angat ako ng tingin at nakasalubong ng mata ko ang asul niyang mata.
“Ayaw ko pa siyang makausap pero gusto ko ng marinig ang paliwanag niya,” sagot ko.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at hindi kumukurap. Iniintay ko ang sagot niya pero dumaan ang ilang segundo ay nakatitig lang siya sa akin.
Nanitig na nga.
Napangiwi ako dahil titig na titig siya sa akin. Muntik na’ko matunaw. Pumitik ako sa harap niya at doon lang siya natauhan.
“W-what it is, again?”
Nagpoker face ako sa kaniya. “Wala kako! Sabi ko ang pangit mo!” singhal ko. “Maka titig ka diyan, wagas.”
“Hindi naman, ngayon lang kasi ako nakakita ng isang magandang amazona,” nakangiting aniya at sumubo.
Patay na nga.
Napatitig ako sa kaniya sandali dahil ang genuine ng ngiti niya. ‘Yung natural na ngiti, ‘yung hindi pilit. Pati ako ay napangiti dahil first time ko siyang makitang ngumiti ng ganito.
Nag angat siya ng tingin sa akin. “What’s with the smile?” takang tanong niya. “Don’t tell me, in love ka na sa’kin?”
Napawi ang ngiti ako sa sinabi niya. Napairap ako.
“Masama bang ngumiti? Napaka issue mo ha.”
“Hindi naman pero kung ako ang dahilan ng pag ngiti mo, iba na ‘yan.”
Ngumisi siya sa akin na siyang ikinasimangot ko. “Assumero ka diyan sa part na ‘yan.”
Sabay kaming tumawa sa sinabi ko. Nagpatuloy kami sa pagkain. Panaka naka kaming nag aasaran at siyempre hindi mawawala ang pikunan. Lalo na ako.
“Teka, si Jasmine ba ‘yun?” turo ko sa hindi kalayuan na lamesa sa amin.
“Jasmine?” takang tanong ng kasama ko. Nilingon niya ang tinuturo ko.
YOU ARE READING
BNDASD PART II: The Painful Secrets | ✓
Fiksi Remaja-Aice The only Daisy among the Wild Thorns The only girl among the boys. They treat her as their Binibini. They care for her and adore her so much after the incident. The memories and the friendship they build in a small matter of time. She trust t...