Never Forget and Revenge
AICE’S POINT OF VIEW
“Ano’ng pumasok sa isip mo at naisipan mong putulin ang buhok mo? ”
Ano nga ba?
Part of my moving on process?
“Wala, sa tingin ko bagay sa akin, ” tanging sagot ko at sumulyap sa salamin sa harapan ko.
“You should dye it red, ” suhestiyon ni ate slash Doc Kara.
Anong mas maganda?
Dye my hair or I should die?
Napangisi ako sa suhestiyon niya.
“May pangkulay ka na pula?” ngiti-ngiting tanong ko. Mahina siyang natawa bago dumukot sa bulsa at inilabas ang isang kahon.
“I’m born to be ready,” aniya at kumindat pa sa akin.
Agad kaming nagtungo sa cr. Nilagyan niya ako ng tuwalya sa leeg para hindi kumapit ang kulay sa aking ibabang katawan.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit ko ginupit ang buhok ko?
Mapait akong napangiti nang maalala kung paano paglaruan ni Kevin at Tristan ang mahaba kong buhok.
Ang paggulo palagi ng mga tukmol sa buhok ko tuwing inaasar nila ako.
Ngunit lahat ng iyon ay napalitan ng pagkamuhi at galit sa kanila. Pero hindi ko maitatanggi na may kaunting bahagi sa puso ang namimiss sila.
Galit na sagad hanggang buto, galit na walang kapatawaran.
Kumirot ang dibdib ko nang maalala ang mga mensahe na pinadala nila. Tinanong ko kay Kuya kung nasaan ang cellphone ko kanina at ibinigay niya naman ang susi para mabuksan ko ang drawer na pinagtataguan nito.
Halos sumabog ang notification ko sa sunod sunod na text na dumating sa cellphone ko pagkatapos kong buhayin. At dahil mabait naman ako, ilan sa mga mensahe ng mga tukmol ang binasa ko.
Pero isang mensahe lang talaga ang tuluyang nagpaluha sa akin.
Deive:
I’m sorry.Sorry?! Ganoon na lang ‘yun? Ni isa sa kanila ay wala akong nireplyan. Agad kong tinanggal ang sim ko at inihulog sa inidoro at finlush.
Maraming tanong pa rin ang gumugulo sa isip ko, kung bakit nila nagawa iyon, kung bakit niya sinabi iyon?
Lalo na sa pinuno nila?
Tangina niya. Isusumpa ko siya. Babalik lahat sa kanya lahat ng sakit na dinulot niya sa akin. Doble--- hindi, triple. Mas masakit.
Punyeta siya. Pinagkatiwala ko sa kanya ang mapait kong nakaraan na kundangan siyang gago na gagamitin niya pala ‘yun para saktan ako.
Pakyu siya!
Pinaglaruan ba naman ang feelings ko, hinayupak siya! Pagkatapos niyang isampal sa akin na pinaglaruan nila ako, gagamitin niya naman ang trauma ko, tangina niya.
Mga lalaki talaga.
“Kunot na kunot ang noo mo, may kagalit ka ba?” biglang tanong sa akin ni Ate Kara habang nilalagyan niya ng kulay ang buhok ko.
Hinawakan ko ang noo at totoo nga ang sinabi niya.
“H-Hindi naman, sakto lang isumpa ko silang lahat sa kagaguhan nila,” sagot ko.
Naging seryoso ang mukha niya. “Are you ready to talk about it?”
Umiling ako sa kanya at nagbaba ng tingin. “G-Gusto ko na lang ibaon sa limot ang ginawa nila.”
YOU ARE READING
BNDASD PART II: The Painful Secrets | ✓
Dla nastolatków-Aice The only Daisy among the Wild Thorns The only girl among the boys. They treat her as their Binibini. They care for her and adore her so much after the incident. The memories and the friendship they build in a small matter of time. She trust t...