Chapter 89

394 24 1
                                    

Mabilis na lumipas ang araw. Nagsisimula na ring magkabit ng mga palamuti ang mga tao dahil sa papalapit na pasko.

“Malapit na Christmas Party natin, anong balak?” tanong ni Kirvy na ngumunguya ng dala kong mani.

“Tss, kagaya pa rin naman ng dati. Kina Deive o kina Migs na Café na lang ulit tayo,” sagot ni Tristan sabay higop ng kape.

Ako naman ay nagtatakang napatingin sa kanila. “Hindi kayo dito mag Ch-Christmas Party?”

Tumango tango si Kevin sa sinabi ko. “Hindi inaallowed ng school na ‘to na dito mag Christmas Party ang Section Daisy. Baka daw makagulo sa ibang section.”

“Ay ganon? Ang arte naman nila.”

“Mukhang tumatak na sa kanila ang nangyari nung huling Christmas Party.”

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Kevin. Anong nangyari?

“B-bakit, ano bang nangyari nung huling Christmas Party at hindi na kayo pinayagan na mag Christmas Party pa dito?” curious na tanong ko.

Sumubo ako ng maning nilaga na binalatan ko habang nag iintay ng sagot mula kay Kevin at sa mga tukmol na nasa tabi ko.

Nakita ko ang pasimpleng paghampas ni Kirvy sa hita ni Kevin at ang pandidilat ni Jetro at Russel kay Kevin.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Nanliliit ang mata ko dahil mukhang may ayaw silang sabihin sa akin.

Umayos ng upo si Kevin bago kakamot kamot na bumaling sa akin.

“E, kasi Aice...” hilaw na ngiti niyang aniya. “Kasi ano...”

“Ayos lang kahit hindi niyo sabihin,”  sabi ko sabay subo ng mani.

Rinig ko naman ang paghinga nila ng maluwag.

Ayoko silang pilitin na sabihin sa akin kung anong dahilan kung bakit hindi na sila pinapayagan ng school na mag Christmas Party dito kahit na kating kati na ang bulate sa ulo ko na malaman.

Nagpatuloy kami sa pag uusap habang nag iintay ng Guro. Wala pa rin ang pinuno ng mga tukmol at ang F4.

Habang nag uusap usap kami ay mukhang napansin nila ang pananahimik ko.

Nag iisip kasi ako. Kung anong masarap, inihaw na liempo o si Deive na naka hubad baro este inihaw na manok.

Hindi rin ako mapakali dahil wala pa si Deive. Nitong nakaraan ay madalas silang late at sa tuwing papasok sila ay madalas may bangas at pasa ang mukha nila.

Kahit hindi nila sabihin ay alam kong may nangyayaring tambangan sa labas ng school tuwing umaga dahilan para magkaroon sila ng bangas sa mukha.

“Aice, ayos ka lang ba? Kanina ka pa hindi mapakali,” tanong ni Tristan na mukhang napansin ang nangyayari sa akin.

“H-ha?”

Napatingin sila sa akin. “Oo nga, kanina ko pa rin napapansin na hindi ka mapakali.”

“Sina Deive ba ang dahilan kaya hindi ka mapakali?”

Kahit nag aalangan ay tumango tango pa rin ako. “Kanina pa kasi ako kinakabahan, baka mamaya may nangyari na pala sa kanila.”

“Sus, sina Deive pa? E, masamang damo ‘yung mga ‘yun. Kalahi nila si Cardo Dalisay, unlimited ang buhay,” pagpapagaan ni Kevin sa lahat.

Nagtawanan ang mga tukmol at ako naman ay natampal ang noo sa sinabi niya.

“Pero seryoso, sa tingin niyo anong ginagawa nung apat at lagi silang late at may bangas sa mukha?” seryosong tanong ni Owen sa lahat.

BNDASD PART II: The Painful Secrets | ✓Where stories live. Discover now