Warning: Rape and abuse. Reader discretion is advised.
Unexpected Truth from the Past
AICE’S POINT OF VIEW
Napakurap-kurap na lang ako nang biglang manlaki ang mata niya ata nawala ang focus niya sa lalaking kaharap niya dahilan para masuntok siya nito.
Ayan kasi.
“Fuck! Masakit!” reklamo niya sabay sapak sa sumuntok sa kaniya.
Natawa naman ako bago sinuntok ang isang barkada ni Chris na sumugod sa akin.
“Tangina mo, Hernandez! Hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa’yo!” galit na sigaw sa akin ni Fred.
“Tangina mo rin. E’di gigil well!” bara ko sa kaniya.
Manggigil ka lang sa akin dahil wala akong pake sa’yo. Gigil well na lang.
Sumugod siya ng sunton sa akin pero naiwasan ko. Hinawakan ko ang braso niya at sinuntok iyon. Napangiwi naman siya. Hinila niya ang braso niya mula sa pagkakahawak ko sabay sipa sa paa ko kaya nag-slide ako.
Mabuti na lang at agad kong naituon ang kamay ko sa lamesa kaya hindi ako tuluyang natumba. Sinamaan ko ng tingin si Fred at pinanlisikan ng mata.
“Ngayon mo ipakita sa akin ang yabang mo, Hernandez,” nakangising hamon niya sa akin. “Ngayon mo ako yabangan, tingnan na lang natin.”
Dahan-dahan akong umayos ng tayo bago siya nginisian.
Tingnan natin kung sino ang mas mayabang sa atin.
“Hindi kita uurungan, Alfredo,” pang-aasar ko sa kaniya. Lumampas ang tingin ko sa likuran niya at nakita kong nakangisi sa akin si Deive.
Napawi ang ngisi ni Fred nang banggitin ko ang tunay niyang pangalan.
Mukhang naputol ata ang pisi niya at bigla na lang siyang sumugod sa akin ng suntok.
Pero bago pa iyon tumama sa mukha ko ay natumba na siya dahil sa pananalapid sa kaniya ni Deive. Napatawa na lang ako nang makita kung paano mapuno ng lupa ang bibig ni Fred dahil sa pagsubsob niya sa lupa.
“Wala ka pala, Alfredo, eh. Talapid pa lang ‘yun, tumba ka na agad,” mapang-asar akong tumawa.
“Putangina mo, Hernandez! Gago ka talaga!” galit na sigaw sa akin ni Fred.
“Oy, oy, bakit ako ang minumura mo, eh hindi naman ako ang nanalapid sa’yo?” tatawa-tawang sambit ko. Tumayo si Fred at sumugod muli sa akin ng suntok.
Sinadya kong patamain ang kamao niya sa mukha ko pero medyo napalakas ata ang suntok niya kaya naramdaman ko ang paglagutok ng ilong ko.
Napaatras ako at agad na napangiwi habang sapo-sapo ang ilong ko na tinamaan ng suntok niya.
“Ano, Hernandez? Suntok pa lang iyan, napaatras ka na agad?” mayabang na aniya na humahakbang pa papalapit sa akin. “Ano, masakit ba?”
Natural! Ikaw kaya suntukin ko?!
“Hindi naman, parang kagat lang ng shark,” ngiwing sagot ko. Ramdam ko ang paglabas ng kung anong likido sa ilong ko pero hindi ko iyon tiningnan. Agad kong tinanggal ang kamay ko para maiwasan na mabahiran ito. “Halika, testing natin sa’yo.”
Tumawa siya ng sarkastiko sa akin pero sinapak ko siya. Nakakairitang tawa niya.
Para siyang lorong pinipilipit ang leeg.
YOU ARE READING
BNDASD PART II: The Painful Secrets | ✓
Teen Fiction-Aice The only Daisy among the Wild Thorns The only girl among the boys. They treat her as their Binibini. They care for her and adore her so much after the incident. The memories and the friendship they build in a small matter of time. She trust t...