Spell the word bangag.
A.I.CE.
Muli akong humikab sa ikalimang pagkakataon.
Kung hindi niyo po matatanong, alas kuwatro na po ng umaga ako nakatulog.
Kundangan ba namang chikahin ako ng chikahin ako ni Zack na akala mo ay si Boy Abunda kung mang intriga.
Chismoso amp.
Sana nag reporter na lang siya. Kung hindi ko pa sasabihan na alas kuwatro na ay hindi ako ihahatid sa amin. At ang mas malala pa ay pagdating ko sa amin, naka lock na ang gate! Ang ending nag akyat bahay gang ang lola niyo. Mabuti na lang at may susi ako ng bahay dahil kung wala, sa labas ako matutulog.
Tiba tiba ang lamok.
Pero sa aaminin ko man o hindi kinabahan ako ng bente dun sa tinanong ni Zack. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi yung tanong niya.
Pero syempre hindi ko sinagot.
Hangga't maaari ay wala muna akong pagsasabihan kahit sino. Isang malaking issue yun pagnagkataon.
Pipikit na sana ang mata ako ng may marinig akong tawanan, may mga bulto ring gumagalaw sa harapan ko ngunit hindi malinaw dahil sa kaantukan ko.
Puyat pa more, St. Peter ka na bukas.
Oo, pinilit kong pumasok kahit masakit ang ulo ko at walang tulog. Para tuloy akong zombie na mukhang tao. Baka bigla na lang akong hagupitin ni kamatayan--- este ni Kuya Cooler pag hindi ako pumasok.
Sasabihin niyon, 'Yan pag kalokohan, galing na galing mo pero pag pag aaral na ratatatatatat boom! Fire in the hole!' Instant sermon na naman.
Pipikit na sana muli ako ng wala sa sarili akong napamulat at ganon na lang ang pagtataka ko ng maramdamang may laman ang bibig ko.
Wala naman akong naalala na sumubo ako ng kung ano---
"Hoy, gago kayo! Hahahaha! Sige subuan niyo pa ng monay!"
"Akina akina yung palaman!"
"Ito hotdog ilagay niyo rin!"
Ikinurap ko ang aking mata kaya luminaw ang aking paningin. Dahan dahan kong isinara ang bibig ko ngunit ganon na lang ang gulat ko ng mapagtantong punong puno ito.
"Hoyhdsnsksbajd!" gulat na sigaw ko kahit mual na mual ang bibig ko. Kita kong nagtatawanan na ang mga hudas.
Syempre ngumuya muna ako ng maayos bago murahin ng malutong ang mga tukmol na hudas.
Sayang kung iluluwa ko di'ba?
Bahagya namang nagising ang kaluluwa ko. Ang mga hudas! Pinagtitripan ako! Ni hindi pa nga ako nagkakaroon ng maayos na tulog, tapos pagtitripan ka pa? Intay ka at talagang ginagalit ako. Sabi nga nila magbiro ka na sa lasing huwag lang sa taong kulang ang tulog.
"Ayan, 'wag kasing magpuyat ng magpuyat. Napapagtripan ka tuloy," sabi ni Tristan at humigop ng kape.
Parang gusto ko rin non.
Lumunok muna ako bago magsalita. "Hoy! Kingina niyo sino naglagay ng tinapay sa bibig ko?!"
Nagtawanan muna ang mga luko at kanya kanyang turuan.
"Bopols, si Kevin ang nagsabi!"
"Si Jetro, siya ang naglagay, hahahaha!"
"Gago, bakit ako?!"
Sinamaan ko sila ng tingin. "Ano walang aamin?" Tumayo ako at nameywang sa kanila. Nanatiling matalim ang tingin ko sa kanila.
Kanya kanya pa ring turuan ang mga luko. "Kung maglalagay kayo ng tinapay sa bibig ko, siguraduhin niyong may kasunod! Yung kape sana!"
YOU ARE READING
BNDASD PART II: The Painful Secrets | ✓
Teen Fiction-Aice The only Daisy among the Wild Thorns The only girl among the boys. They treat her as their Binibini. They care for her and adore her so much after the incident. The memories and the friendship they build in a small matter of time. She trust t...