Matapos ng nangyari kanina ay mukhang naglakabay sa kung saan ang kaluluwa ko at tila naging jelly ace na rin ang paa ko at hindi ako makatayo ng maayos.
Dahil sa ginawa ko kaninang eksena ay mukhang natauhan ang Tatay ni Deive.
Matapos kong sabihin ‘yung ‘Ipuputok mo o ipuputok mo?’, dinugtungan ko pa iyon ng “Ganiyan ba talaga ang Salvador na katulad mo? Pinapunta mo rito ang mga kaklase ng anak mo para bugbugin o kaya naman ay patayin ‘pag hindi mo nakuha ang gusto mo?”
“Hindi ba magiging kahiya-hiya sa angkan niyo na mababalitang may namatay sa pamamahay mo na isang estudiyante? Kilalang tao ang pamilya ng bawat isa rito kaya isang maling galaw mo lang sa buhay namin, baka hindi ka na sikatan ng araw bukas.”
Sinabi ko iyon sa kabila ng takot, at kaba. Nilakasan ko ang loob ko para sabihin iyon at mukhang naging sampal iyon sa kaniya at nagdesisyon siya na pauwiin na lang kami.
Kaya ito ako ngayon. Akay akay ni Kevin at Tristan na tila hindi makapaniwala sa nangyari.
“Aice, makakatayo ka na ba?” tanong ni Tristan ngunit nanatili akong tulala sa kung saan.
Tangina.
Putcha, pakiramdam ko kanina ay nakipagbuno ako kay kamatayan para sa buhay ko. Halos hindi na ako humihinga habang may nakatutok na baril sa ulo ko tapos nagawa ko pang magsalita ng ganon?
What if hindi gumana ‘yun at nagalit ang Tatay ni Deive at ipabaril ako dun sa Gil na ‘yun?
Huhuhuhu! Gusto kong kutusan ang sarili ko ang dahil ang lakas ng loob kong sabihin iyon pero pagkatapos para akong jelly ace na tinakasan ng kaluluwa.
Mabuti na lang at gumana ang plano ko at kung hindi magluluksa ang sambayanan at dadamhin nila ang galitmg angkan ko.
Thanks, Lord.
“Aice, buhay ka pa ba? Ang putla putla mo at para lang lantang gulay diyan,” tanong ni Kevin nang tuluyan kaming makalabas ng mansiyon nina Deive. “Diretso na kaya tayo ng ospital? Mukhang kailangan na nitong saksakan ng formalin dahil patay na o.”
Nang makabawi sa buwis buhay kong ginawa kanina ay agad akong bumaling kay Kevin at sinamaan ko ng tingin.
Lintek na ‘to, ginawa pa akong patay.
“Angas ng pasa mo sa mukha a? Dagdagan ko kaya ng isa para pantay?” inis na tanong ko. Dahan dahan akong umayos ng tayo.
Nanginginig pa rin ang tuhod ko pero hindi na kasing lala ng kanina.
Dali daling lumayo sa akin si Kevin at nagtago sa likod ni Tristan.
Napailing iling na lang si Tristan sa ginawa ng batang tukmol na ‘to.
“Ayos ka na ba, Aice? Buwis buhay ‘yung ginawa mo kanina,” tanong ni Tristan.
Huminga ako ng malalim bago ngumiti sa kaniya. Kahit sabihin kong okay lang ako pero sa loob loob ko ay natatakot pa rin ako.
“O-oo, medyo nanginginig na lang ‘yung tuhod ko.”
Tumango tango siya ngunit nanatili ang tingin niya sa akin.
Lumibot naman ang mata ko at nakita kong akay akay ng ibang tukmol ang kanilang kapuwa tukmol pasakay sa van na sinasakyan namin kanina. Nauna na ring sumakay si Trina at Athalia sa sasakyan.
Kapuwa sila may mga bangas sa mukha at may iniinda na sakit sa katawan.
Buhay nga kaming lumabas dito, bugbog sarado naman.
YOU ARE READING
BNDASD PART II: The Painful Secrets | ✓
Novela Juvenil-Aice The only Daisy among the Wild Thorns The only girl among the boys. They treat her as their Binibini. They care for her and adore her so much after the incident. The memories and the friendship they build in a small matter of time. She trust t...