Chapter 99

279 13 0
                                    

Flashbacks (Part 2)

*CONTINUATION OF FLASHBACK*

AICE’S POINT OF VIEW

“Tss, ang yabang mo, Mark. Akala ko ba tahimik ka lang?”

“Mayabang ka rin naman, Hernandez,” galit na saad nito.

Natawa ako bago pinahid ang dugo na tumutulo sa noo ko. “Hala, ang galing mo naman! Hindi ko alam na mayabang pala ako?”

Desisyon amp.

Sumugod siya ng suntok sa akin sinadya kong patamain ito sa pisngi ko para matuhod ko ang tiyan niya at mabigyan siya ng isang upper cut.

Napaatras ako sa suntok niya atsiya naman ay agad na natumba sa ginawa ko. Hinawakan ko ang panga ko dahil pakiramdam ko ay matatanggal ang pagkakapit nito sa bungo ko. Pero hindi napagilan ng sakit ang pagsibol ng isang ngisi sa labi ko.

Agad na naghiyawan ang lahat ng nanonood sa amin dahil panalo na kami. Tumba na lahat ang grupo ni Mark kaya panalo na kami. Umayos ako ng tayo at agad na lumapit sa taga-hawak ng pusta at kinuha ang panalo naman.

Kakamot-kamot ito na mukhang balak pa akong takasan. Nagbabanta akong ngumisi sa kaniya dahil alam kong sinabihan siyani Mark na takasan kami kapag nanalo kami.

“Ibigay mo na bata, pusta ay pusta,” bulong na utos ko sa kaniya. “Sige ka, baka magaya ka sa kanila? Gusto mo bang magkabangas rin sa mukha?”

Napalunok ito at agad na umiling-iling. Mas lalong lumawak ang ngisi ko dahil alam kong natakot siyasa banta ko.

“I-I-Ito na po!” nauutal na aniya at nanginginig kamay na iniabot sa akin ang isang lastikong rolyo ng papel na pera at isang labong barya. Agad naman itong nagtatakbo paalis sa takot na siya naman ang isunod ko kina Mark.

Kailangan pang takutin, ibibigay rin naman pala.

Napailing na lang ako bago lumapit kina Allen. Pero napatigil ako nang makita ko si Chris na tinutulungan sina Allen na akayin ang mga kasamahan namin.

Anong ginagawa ng De Lana’ng makilit dito?

Kumunot ang noo ko at agad silang nilapitan.

“Saan ‘to ilalagay, Allen---”

“Anong ginagawa mo rito, De Lana? Bakit ka narito?” agad na putol ko sa sasabihin niya. Napatingin sila ni Allen sa akin.

“Hayaan mo na, Aice! Bawi niya raw ito sa nangyari kanina!” sagot ni Allen sa akin pero hindi naman siya ang tinatanong ko kaya hindi ko siya pinansin.

“Sabi ko, anong ginawa mo rito, Mister De Lana?!” sa halip na tanong ko.

Kakamot-kamot namang humarap sa akin si Chris at maaamong ngumiti.

Pabebe amp.

“Ano, sagot?!”

“W-Wala lang? Nakita ko kasi kayo kanina kung paano makipagsuntukan,” may pag-aalinlangan niyang aniya. “Since, mukha rin namang hindi niyo kakayanin na akayin ang iba niyong kasamahan kaya tumulong na lang ako at saka pambawi na rin sa nangyari kanina.”

Hindi ako naka-imik agad sa sinabi niya dahil agad akong inatake ng guiltiness’ dahil sa sinabi ko kanina sa kaniya.

Pero kasalanan naman niya kaya sige lang.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at hinayaan siya. Pero hindi nakaligtas sa mata ko ang pagliwanag ng mata niya.

“Ngayon lang ito, Mister De Lana,” banta ko pa.

BNDASD PART II: The Painful Secrets | ✓Where stories live. Discover now