TRIGGER WARNING!
Truth Hurts
AICE’S POINT OF VIEW
Patuloy sa pagbagsak ang luha ko. Ngunit sa kabila ng kirot at sakit ng dibdib at pisngi ko ay bahagya akong natawa.
“Lasing? Tanginang rason ‘yan!” mapait na mura ko. “Nauubusan na ba kayo ng rason para pagtakpan ‘yang nga kasinungalingan niyo?”
Isang gigil na puwersa ang humawak sa akin. Ang tingin niya sa akin ay nagbabanta na kasamang galit at kung nasa maayos lang akong huwisyo ngayon ay malamang natakot na ako sa kanya.
“Aice, I’m giving you a warning. Ayusin mo ‘yang pananalita mo,” banta niya.
Nilabanan ko ang tinginan niya. “Bakit, Kuya? Anong gagawin mo? Sasaktan mo ‘ko?”
Hindi siya umimik kaya marahas kong binawi sa pagkakahawak niya ang braso ko.
“Cooler, itigil mo na ‘yan,” saway sa kanya ni Mama. Bumaling siya sa akin. “Aice, hindi sa gano’n---”
“Kahit pa lasing kayo, alam niyo dapat ang ginagawa niyo,” mapait na sambit ko.
Napayuko si Mama at napailing. “M-May inilagay sila---”
“Oh come on! Stop making reasons to justify your lies to your daughter and your affair to my husband!” inis na sabat ng Mama ni Arvie. “Alam nating lahat kung anong rason kung bakit kayo nagkaanak!”
“Arliesa! Huwag ka ng makisali pa!” ani Vien sa asawa.
“So, what's the point of me being here?” sarkastik na tanong niya. “Panoorin ang marubdob damdamin niyong drama? Panoorin ang palitan niyo ng mga kasinungalingan? You know what?! Just tell her the truth! Oh baka gusto niyong ako pa ang magsabi?”
Agad na inawat ni Vien ang asawa.
“Arliesa, enough! Okay? Enough!” galit na sigaw ni Vien. “Hayaan mong si Sevirina ang magsabi ng katotohanan sa anak namin. Huwag ka ng makisali, okay?”
Anak namin. . .
Humakbang ako paatras. Gusto kong umalis dito. Nahihirapan akong huminga. Naso-suffocate ako. . .
“Eh bakit ba kasi ayaw niyo pang sabihin ng diretsahan sa kanya na siya dapat ang magiging asawa mo dahil siya ang gusto ng magulang mo at hindi ako?”
Whutttt!
Napatingin ako kay Mama na ngayon ay nanatiling nakatungo at lumuluha. Umaalog ang balikat nito sa sakit ng bawat pagluha niya. Nilapitan ito ni Kuya Cooler at inalo.
Umiwas ako ng tingin dahil sa muling pag iinit ng sulok ng aking mata.
“Ma! Stop it!” awat ni Arvie sa ina.
“Ano?! Everyone deserves to know the truth!” lumuluhang aniya. “I’m speaking here because I can't endure it anymore! Sobrang sakit na, Vien! Sobrang saki na ng pagtataksil niyong lahat!”
“Arliesa, itigil mo na ito! Mamaya natin pag-usapan ang atin!” ani Vien na pinipigilan ang asawa.
Bumaling sa akin bigla ang Mama ni Arvie. Puno ng luha ang mukha niya at bakas ang sakit sa mata.
Nawala ang bagsik niya noong nakita ko siya at napalitan ito ngayon ng sakit at pagtataksil.
“Gusto mong malaman ang katotohanan?” tanong niya sa akin.
YOU ARE READING
BNDASD PART II: The Painful Secrets | ✓
Teen Fiction-Aice The only Daisy among the Wild Thorns The only girl among the boys. They treat her as their Binibini. They care for her and adore her so much after the incident. The memories and the friendship they build in a small matter of time. She trust t...