[o6] Transformations

361 22 2
                                    

A/N: Sooyoung on the multimedia. :)

×××××××××

Hyoyeon's POV

1 week later

Nandito kami ng girls sa sala at nanunuod ng tv. Oh diba, may improvement na? Alam na naming gamitin yung tv. Pasalamat kami dun sa mahiwagang libro dahil tinuruan niya kami kung ano ang mga dapat naming gawin para maging isang normal na tao. Pinagbihis niya rin kami ng mga damit na ginagamit ng tao at di yung mga sinusuot namin sa kaharian. Tinuruan niya kaming gumamit ng gadgets at gumawa ng mga gawaing bahay. Ang useful niya talaga, pero bored na bored na kaming girls kasi wala kaming mga katulong na mapagtitripan.

"Guys, labas muna ako." Paalam ko sakanila at pumunta sa garden para magpahangin. May aircon naman yung bahay pero mas masarap pa ring langhapin yung sariwang hangin.

Habang sumasayaw ako eh may narinig akong nag-uusap sa may gate kaya humakbang ako papalapit doon sa may ingay.

"Ano ba Kai. Wag mo namang paganahin yang pagiging manyak mo. Nakakita ka lang ng babaeng nakashorts eh sisipulan mo na agad?"

"Ano ba Chen hyung, ikaw humila sakin dito tapos ayaw mong tawagin ko yung babae? Makikipagkaibigan lang naman eh."

"Anong kailangan niyo?" Nahinto naman sila sa pag-aaway ng mapansing nasa harap na nila ako.

"Ah hi miss. Ano kasi, gusto sana naming makipagkaibigan sainyo netong kasama ko. Ako nga pala si Chen at siya naman si Kai." Pagkatapos niyang magpakilala ay iniabot niya yung kamay niya sakin pero hindi ko tinanggap.

"Ayokong makipagkaibigan sainyo. Pwede na kayong umalis." Bumagsak yung balikat ng dalawa kaya naman tinalikuran ko na sila at pumasok na sa loob ng bahay.

×××××××××

Kai's POV

Ang yabang naman ng babaeng yun. Bakit, akala niya ba maganda siya? Uh, maganda naman talaga siya pero kahit na. Wala pa rin siyang karapatang magyabang.

"Ay taray! Ang maldita nun Kai. Kabog yung beauty ko." Nababaklang sabi ni Chen hyung at nag flip hair pa. Kahit kailan talaga tong si hyung, pft.

"Yaan mo na hyung. Uwi na lang tayo. Wag mo nang pag-aksayahan ng oras yung mga yun. Pare-pareho lang naman sila eh."

"San mo napulot yang hugot na yan, ah Kai?"

"Dyan lang sa tabi-tabi." Sabay naman kaming nagtawanan ni hyung.

"Oh san kayo galing?" -D.O hyung

"Ah diyan lang sa tabi hyung, may inasikaso lang." Sagot ko kay hyung.

Dumiretso kami nina hyung sa living room at nakita kong kumpleto kaming lahat, ayos ah. Ang tatamad talaga netong magtrabaho.

"Oh ano? Bat nandito kayo? Tinatamad kayong pumasok?" -Chen hyung

"Day-off kaya nating lahat ngayon. Sabado ngayon Chen." -Xiumin hyung

"Hala oo nga ano. Ano tara, laro tayong basketball?" -pag-aaya ni Chen hyung. Nag-agree naman kaming lahat at tumayo para magbihis.

×××××××××

Chanyeol's POV

Nasa basketball court kaming lahat ngayon at naglalaro. Nag water break muna kami kasi nakakapagod tumakbo.

"Wala ka na kasing practice kaya mahina ka nang tumakbo hyung." Sabi ko kay Suho hyung na nagrereklamong hindi siya makatakbo ng maayos.

"Ang sabihin niyo, lugi talaga kami. Puro kapre yang mga kagrupo mo." -Suho hyung

Napatawa naman ako sa sinabi ni hyung, totoo naman kasi eh. Yung kagrupo ko eh si Lay hyung, Kris hyung, Kai, Chen hyung at Sehun. Habang yung mga kagrupo ni Suho hyung ay sina Baekhyun, D.O, Tao, Luhan hyung, at Xiumin hyung. Para nga silang sasali ng mini-me eh, alisin lang nila si Tao.

"Tigil na natin yung laro. Pagod na ko eh." -Kris hyung

Sumunod na lang kami kay Kris hyung. Lumabas na kami sa covered court ng village pero napahinto kaming lahat sa nakita namim.

Yung siyam na mga babaeng nakatira sa tapat ng bahay namin. Whoa, isang linggo rin silang di lumabas sa lungga nila ah. Napansin kong nagbago na yung mga suot nila. Masyado nang maikli pero bagay rin naman sakanila kasi mapuputi.

"Hyung, bat ang iikli ng suot nila?" Tanong ko kay Suho hyung nakatulala rin.

"Ewan." -Suho hyung

Papalapit sila ng papalapit samin kaya naman naamoy ko na yung mga pabango nila. Amoy strawberry.

Nilagpasan lang nila kami.

"Diba hyung. Tingnan mo, ang sasama ng ugali. Nginitian ko na nga pero inirapan lang ako." Pagmamaktol ni Kai kay Chen hyung.
"Yaan mo na lang Kai." -Chen hyung

"Whoa. Sino yun?" -Tao

"Edi yung nakatira sa tapat ng bahay natin. Yung mga bagong lipat." -Baekhyun

"Sus, ang tataray naman." - Xiumin hyung. Napatango naman kaming lahat.

"Atsaka mayayabang." -Kai

"Mga bratinella." -Suho hyung

"At higit sa lahat, walang mga modo." -Kris hyung.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Ganun ba talaga sila? Tsaka bat ang ikli ng suot nun?" -D.O

"Oo. Grabe, ang yayabang nun. Kung di lang sila babae eh inupakan ko na yung mga yun." -Baekhyun

"Wag nyo na lang problemahin yung mga yun." -Lay hyung

"Oo nga. Dumadagdag lang yun sa mga suliranin natin eh." -Sehun

×××××××××

I'll be your Tinkerbell [EXOShidae FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon