[o23] Revelations

241 16 2
                                    

March 20, Monday. 9:45 pm.

Sooyoung's POV

"Ano, Sica? Okay na ba yan?" tanong ni Taeyeon habang sinusuklay yung buhok ko. May saltik na naman sa utak tong mga babaeng to. Papagandahin daw nila ako para masarap daw yung tulog ko. Anong magagawa ng make-up kapag natutulog ka diba? Nagmumukha lang akong patay neto. At ang malala pa, hindi gumagana yung powers ko ngayon, ewan ko kung anong ginawa ni Yuri, hayop, edi sana kanina ko pa nababasa ang mga pinag-iisip ng mga babaeng to.

"Hoy, ako ba ay pinagtitripan niyo mga babae?" nagtinginan naman sila at umiling.

"Nako unnie, hindi ka talaga namin pinagtitripan, promise. May nabasa lang talaga akong post ng friend ko kanina sa facebook. Sabi niya, mas naeenhance ang kagandahan ng isang girlaloo pag naka make-up habang natutulog." depensa ni Francine at nilagyan ng kolorete yung mukha ko. Ano na naman ba yang facebook?

"Oo nga unnie. Chill ka lang, 'owkey? Sige, pikit ka na." sabi ni Hayoung, sumunod na lang din ako. Malala na saltik ng mga babaeng ito.

"So para sa ating final touch, isuot mo na to Sooyoungie." inabot ni Yookyung saakin yung dress na kulay pink. Matutulog lang ako, tapos naka dress? "Hephephep, don't mess with the dress ah? Ayusin mo ang pagdadala para mas gumanda ka." saka niya ako kinindatan. Okay, weird na nila ah?

Pumasok na alng ako sa cr. Matapos kong mag bihis, tiningnan ko muna ang repleksyon ko sa salamin. Maganda yung dress. Kulay baby pink tapos may mga jeweled kaechosan pang design, pero masyadong maikli. Lumabas ako sa cr ng nakakunot ang mukha.

"What's with the face? Uy, bagay na bagay nga sakanya. Glad I've brought a dress here with me." sabi ni Chorong. Nginitian ko lang siya saka tinuro ang dress.

"Masyadong maikli. Saka, ba't ba ako nakaganito? Matutulog lang naman ako eh."

"Shh. Wag ka nang magreklamo. Isuot mo na to oh." saka hinagis ni Sunny saakin ang flat shoes. Seryoso?! Ano bang gagawin namin?

Sinuot ko na lang ito, pagkatapos eh umupo na sa kama. "Alis na kayo dito. Matutulog na ako." napasimangot lang silang lahat habang inakbayan ako ni Taeyeon.

"Tiffany, nasan na yun? Sige na." sabi ni Taeyeon. Wow, so wala talaga silang balak umalis dito sa kwarto namin ni Yoona ah.

Pagkaraan eh bigla na lang nila akong hinila palabas. Bwiset, nauntog pa yung ulo ko sa pader.

"San ba kasi tayo pupunta? Inaantok na ako."

"Sumunod ka na lang. Luuuuh." -Yoona

"Hoy, sinasabi ko sainyo! Pag ito, walang kwenta, kakainin ko kayong lahat." narinig kong tumawa sila sa sinabi ko.

"Promise, sobrang saya nito." -Hyoyeon

Huminto na kami sa paglalakad at rinig na rinig ko ang ingay ng paligid. Grabe ah? Parang may party. Oh shit, oo nga pala, sinabi nga pala ni Yoona kanina na may concert daw dito. So ito na yon? Ba't kailangan pa nila akong pagandahin? Nakita kong may mga nagsasayaw sa gitna ng parang pinagdadausan ng concert. Actually, sa seashore siya ginaganap at may malaking stage na may parang banda na nagpeperform. Lahat ng nasa gitna eh nagsasayaw at parang sobrang saya nilang lahat habang nakatingin saakin at nakangiti. Okay, weird!

Hinanap ng mga mata ko ang girls. San na naman kaya yung mga yun nagpunta? Nakipagsiksikan pa ako sa mga tao dun hanggang sa narating ko ang pinakagitnang parte ng mga audience na nagsasayaw. Bigla silang humawi at nagform ng korteng bilog, saka ko lang narinig ang strum ng gitara. Lumabas ang EXO, 11 lang sila nung lumabas. Okay, anong nangyayari?

I'll be your Tinkerbell [EXOShidae FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon