[o20] SeYoon: You are Mine.

361 20 2
                                    

March 15. Tuesday, 3:30 pm.

Yoona's POV

"Ano pa pong ipag-uutos niyo Master Magandang Yoona?" tanong sakin ni Sehun habang nakaupo kami sa damuhan dito sa garden. Nilulubos-lubos ko na kasi ang pagiging slave niya at maeexpire na ito mamayang alas dose, naks! May expiration date pa talaga eh!

"Uhm, gusto ko ng cake, chocolate, ice cream, pizza, donuts, tsaka—"

"Di ako manliligaw, slave ako. Mukha mo talaga Yoona, puro ka pagkain."

"Hoy, tama bang ganyan mo sagutin ang iyong master? Slave pa kita hanggang ngayon ah!"

"Ahm, sige. Ano pa po bang gusto niyo master? EXCEPT SA PAGKAIN." ngumiti naman siya ng nakakaloko kaya sinapak ko, gago neto!

"Gusto ko kasi ng pagkain. Nagugutom akooo!"

"Tss, ako na lang kainin mo." saka siya kumindat, pucha!

"Yuck! Kadiri ka talaga. Manyak!" tumawa lang siya at pinat ako sa ulo. "Sige lang master. Lubos-lubusin mo na ang pang-aalaska sakin, kasi bukas di mo na ako magaganyan."

"Hoy, anong tingin mo sakin? Under? Kapal ng mukha mo Sehun. Feeling mo."

"Bakit ba? Try mo kaya ako, masarap promise," sabi niya at nag smirk. Inirapan ko na lang siya at nahiga sa damuhan. Wala, trip ko lang.

"Anong tingin mo kay Francine?" nakangiting sabi niya at humiga na rin. Tumagilid ako para makita ko siya. Ayoko kasi talagang pag nagsasalita ako eh di ko nakikita yung mukha.

"Si Francine? Hm, okay naman siya. Gusto ko yung ugali niya. Happy-go-lucky ba ang tawag nun? Ang saya niya lang kasi e, parang walang problema yung batang yun. Bakit mo naman natanong?"

"Wala. Napag-usapan kasi namin siya ni Lay hyung kagabi. Mukhang tinamaan si hyung eh. Pero di ko rin naman talaga masasabi kung may gusto nga ba talaga siya dun kasi baka ganun lang talaga yung trato niya sa mga babae."

"Ikaw? Nagkagusto ka na ba sa isang babae?" napalunok naman siya sa tanong ko at pilit niyang iniiwas yung mga tingin niya sakin kaya pinandilatan ko.

"Ahm, oo naman. Di naman ako bakla para di magkagusto ng babae." saka siya ngumiti ng pilit. Iniiwas parin niya yung mga tingin niya sakin pero hinawakan ko yung baba niya.

"Sus, so sino yon?" nakangiting sabi ko. "May gusto si Francine sayo. Ikaw, gusto mo rin ba siya?"

"Ha? Hindi ah. Parang nakababatang kapatid lang yung tingin ko sakanya saka ang bata-bata niya pa nga eh."

"Ah, so sino nga yung babae?"

"Sus, wag mo nang ungkatin yun Yoong. Matagal na yun." tumayo na siya tsaka pinagpagan yung pantalon niya. Nilahad niya yung kamay niya kaya tinanggap ko ito. "Anong ngang gusto mong kainin? Tara kain tayo." hinila niya ako kaya nagpatianod na lang ako. Sobrang lamig ng kamay niya kaya tinanong ko siya kung okay lang ba siya.

"Oo naman. Wag mo nang pansinin yan." ngumiti siya at di na muling nagsalita. Ako nga lang yung dumadaldal eh hanggang sa nakalabas kami ng village. Huminto kami sa 7-11. Agad naman niyang isinuot yung hoodie niya.

"Ano sayo?" sabi niya, kinuha niya yung dalawang upuang nandon at ibinigay saki yung isa.

"Kung ano na lang din yung sayo." ngumiti siya at inilagay yung cellphone niya sa table saka siya umalis. biglang nagring yung cellphone niya kaya kinuha ko, ibibigay ko na sana sakanya nang mahagip ng nakalagay ang atensyon ko.

Wendy calling...

Di ko napansin na na-end ko pala yung tawag. Nagring na naman ito pero nakatulala pa rin ako habang tinitingnan ang pangalan ng nasa screen. Wendy? Siya ba yung nasa mall na iniyakan ni Baekhyun?

I'll be your Tinkerbell [EXOShidae FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon