[o1] The Evil Fairies

551 26 1
                                    

A/N: Jessica on the multimedia. :)


×××××××××


Taeyeon's POV


"Hyoyeooooooooon!! Pag nahuli kita, puputulin ko talaga yang pakpak mo!" sigaw ni Sooyoung habang hinahabol si Hyoyeon paikot sa kwarto namin.


"Sinabi ko lang naman sakanya na ayoko na. Sinabi kong hindi ko siya gusto. Duuuh, para kaya siyang seahorse." sabi ni Jessica habang kausap si Tiffany at kinukurot-kurot niya yung unan na parang inis na inis.


"Yul, nabreak ko na si Sungmin kanina. Paano ba to? Panalo ako sa pustahan." Nakasmirk na sabi ni Sunny at ikinawag niya ang kanyang mga pakpak habang nag aapear sila ni Yuri.


"Maknae, nilagay mo na yung mga ipis sa kwarto ng mga katulong?" tanong ni Yoona kay Seohyun habang naka evil-grin.


"Oo naman unnie noh. Ako pa? Sigurado akong nagtatalon at sumisigaw-sigaw na sila ngayon sa takot." sagot naman ni Maknae at nag appear pa sila habang nakangiti.


Ako? Eto, nagbabasa ng libro habang nakikinig sa mga pinag-gagawa nila.


"Girls, naalala niyo pa yung pinlano natin kaninang umaga?" tanong ko na nagpakunot sa mga noo nila.


"What pala? I didn't alala na. I should tell Papi to make me some herbs for memory loss. Omg that is so nakakatakot." -Tiffany. Oo, ganyan talaga yang magsalita.


"Yung lalagyan natin ng pampatulog ang mga pagkain ng katulong?" -Jessica


"Oo yun nga. Ano itutuloy pa ba natin?"


"Oo naman noh. Kailan ba natin yun gagawin?" -Yuri


"Mamaya. Sa hapunan nila." sabi ko at nag evil grin kaming lahat.


×××××××××


Sooyoung's POV


"Sooyoung, nasan na yung gamot? Iabot mo na dali." -Jessica


Nandito kami sa kusina ngayon at nilalagyan ng pampatulog yung mga soup ng katulong. Hihihi, salamat naman at makakatulog kami ng maayos bukas dahil walang sagabal.


"Eto na. Hinaan mo yung boses mo at baka makahalata sila." sabi ko habang tinitingnan siya ng manahimik-ka-look.


"Girls, you are so bagal. Can you please make it fast kasi it is so init na here." -Tiffany


"Oh dali na~ Tapos na!" -Jessica


Nagmadali kaming lumipad papunta sa kwarto namin at humiga kaagad. Sawakas.


×××××××××


Jessica's POV


Naalimpungatan ako ng marinig kong may kumakatok sa pintuan. Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan ang Girls. Psh, natutulog pa sila. No choice ako kaya binuksan ko ito at nakita ko yung katulong na wagas makakatok sa pintuan.


"Ano? Anong kailangan mong hampaslupa ka? Kitang ang aga-aga pa, natutulog pa kami oh." napayuko naman siya kaya hinablot ko yung buhok niya.


"Ano po kasi Prinsesa, pinapatawag kayo ng Hari."


"Sabihin mo siya pumunta dito." sabi ko at padabog na isinara ang pinto.


Natulog ako uli pero pagkaraan ng ilang oras eh may kumatok na naman.


"Pesteng katulong, di makaintindi."


Binuksan ko yung pintuan habang kinukusot-kusot ko yung mga mata ko.


"Ano na naman? Hindi ka ba makaintindi?"


"Jessica." Patay tayo dyan. Humarap ako at nakita ko si Papi na nakatayo habang nakacross-arms.


"Uhhh- hi Papi." Binuksan ko nang malawak ang pintuan at ginising ang girls. Yari talaga kami neto.


"Oh hi Papi. Why are you not visiting us ba? I mean busy ka po ba Papi?" -Tiffany


Ngumiti si Papi pero napawi rin ito ng parang may maalala siya.


"Kailangan nating mag-usap mga Apo."


Uh-oh.


×××××××××



I'll be your Tinkerbell [EXOShidae FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon