[o8] Seduce pa more.

444 26 1
                                    

A/N: Seohyun on the multimedia. 


×××××××××


Third Person's POV


Agad namang umuwi ang girls sakanilang bahay pagkatapos nilang puntahan ang bahay ng EXO. 


"Teka, alam na nila pangalan natin pero di pa natin alam pangalan nila ah." sabi ni Yuri at napakamot silang lahat ng batok except kay Sooyoung.


"Di na kailangan. Yung matangkad na mahaba ang baba na kaugali ni Jessica? Yun si Kris, Wu Yi Fan totoong pangalan nun. Yun namang pinakamaputi sakanila pero ang liit-liit naman, yun si Suho, Kim Junmyeon totoong pangalan nun. Yung mukhang babaeng sinabing may tatawagan raw siya, yun si Luhan, Lu Han parin totoong pangalan non, lakas ng trip. Yung mukhang camel na sinabing ang gwapo niya daw, tsss, yun si Chen, Kim Jongdae totoong pangalan." pagpapaliwanag ni Sooyoung, saka lang napagtanto ng girls na ginamit pala ni Sooyoung yung powers niya. 


"Tsaka yung mukhang bakla na ang kapal ng eyeliner, tinalbugan pa si Tiffany, yun si Baekhyun, Byun Baekhyun, ang sungit tae. Yung matangkad na mukhang daga dahil sa tenga, yun si Chanyeol, Park Chanyeol. Yun namang maliit na malaki ang mata, yun si D.O, Do Kyungsoo. Yung mukhang panda dahil sa kapal ng eyebags, yun si Tao, Huang Zitao, kasurname ni Tiffany, parehas silang maarte. Yun namang muntangang palaging nakanganga pero gwapo, yun si Lay, Zhang Yixing pangalan nun. Yun namang kakulay ni Yuri na mukhang rapist sa kanto, yun si Kai, Kim Jongin. Yung maliit na sobrang cute ng pisngi, yun si Xiumin, Kim Minseok. Yun namang matangkad na parang demonyo yung style ng buhok at matulis rin ang baba na ang lagkit makatingin kay Yoona, yun si Sehun, Oh Sehun. Sila ang EXO." parang hinihingal si Sooyoung nung matapos siyang magsalita kaya naman kumuha ng tubig ang girls at pinainom sakanya. 


"Alam niyo ba, sabi nung Chen sa isip niya, may napapansin daw siyang kakaiba saatin. Naghihinala talaga sila, pano na yan? Pano na yung mga plano natin?" sabi ni Soyoung na mukhang nababahala talaga. 


"Alam ko na." biglang sabi ni Hyoyeon kaya naman tiningnan nila ito.


"Lapit kayo, sasabihin ko sainyo." lumapit naman ang girls at sinabi ni Hyoyeon yung plano niya. Matapos nun eh nagsiappearan ang mga babae at nagtawanan. 


×××××××××


Chanyeol's POV


"Hyung, wala ba kayong napapansin dun sa girls?" tanong ni Chen kay Suho hyung. Kumunot naman yung noo ni Suho hyung senyales na wala siyang napapansin.


"Ba't may mapapansin yan eh todo nga yung pagpapacute niya dun sa mga yun eh." sagot ni Baekhyun kaya naman napatawa kaming lahat, halata masyadong dumamoves si Hyung eh, parang walang pinag-daanan dati. Ehem.


"Oo nga hyung, bat ka nagpapacute sakanila?" tanong ko kay hyung. 


I'll be your Tinkerbell [EXOShidae FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon