[o24] KrisSIca/XiuSun: Love is in the air.

280 11 2
                                    

March 21, Tuesday. 10:50 am.


Jessica's POV


We settled for an Island hopping adventure today. Hindi ako familiar sa kung anong tawag sa mga nakikita namin dito sa island kaya tinabihan ko ang pinaka know-it-all dito saamin, Kris.


"That one is a cave." saka niya itinuro yung isang hollow space na pinapasukan ng mga bangka. I rolled my eyes saka ko siya tiningnan, "I know it's a cave. May ganyan sa palasyo. Hindi ako kasing tanga ng iba." he chuckled saka niya ipinagpatuloy ang pagkukuha ng pictures gamit ang iPhone niya.


"Smile ka bah." he said saka niya itinutok yung camera sa baba ko. Bwiset talaga tong lalaking to. Kinurot ko nga!


"Makaasta ka nga diyan, parang hindi matulis yang baba mo. Pwe!" inirapan ko siya saka ko kinuha yung phone niya. Magseselfie ako!


"Nakakagwapo naman. Teka, sali mo ako sa selfie mo. Twofie tayo." tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo. What the hell is twofie?


"Anong twofie? As in Chooey Twofie?"


"He-he-he-he-he, sobrang nakakatawa ng joke mo. Kung may selfie, may twofie rin. Ang twofie, para sa dalawahan." he said sarcastically saka niya kinuha ang phone niya mula sa kamay ko at ginawang salamin. Ayaw niya talagang maniwala na vain siya? Well his actions says it all.


"Oh, twofie na." he raised his right arm saka niya hinawakan ang iPhone niya. Hinila niya ako papunta sakanya, his arms draped over mine, saka siya ngumiti sa camera.


"Saan ka ba tumitingin?" pinakita niya yung picture at sa kamay niya ako nakatingin. Yung kamay niya na nakaakbay saakin. WTF?!!!!


"Okay, ulitin na lang natin." sabi ko. Ako na lang yung humawak. Nasa likod ko siya at dun siya nagpopost ng ewan ko anong tawag dun. Wacky? I think? Narinig ko kay Francine kanina.


"Okay last na! Sobrang vain na natin." I said. Nasa tabi ko na siya at...inakbayan na naman ako. OMG~ minsan nga wag siyang padalos-dalos sa mga ginagawa niya, feeling ko talaga mahihimatay na ako!


"Ano ba yan bah! Hindi ka na naman nakatingin sa camera. Tumingin ka kasi. Sayang yung view natin oh!" sumunod na lang ako. Ugh! Ang choosy talaga ng babang to! Nakakainis na siya. Matapos niyang makipag "Twofie" eh dumeretso na sila sa bangkang sinasakyan namin kanina.


"Oh, guys. Groufie na tayo! Dali, compress na! Kayo diyan sa likod, sumiksik na lang kayo. Aupload ko to sa twitter at insta mamaya. Dapat maganda yung kuha!" Francine shouted. nagkumpol-kumpol naman kami. May selfie na nga, may twofie na, may groufie pa. We smiled as the camera clicked kaya pagkatapos na naming magpicture taking ko napansin na nakaakbay na naman siya saakin. Oh my gosh, what's with him?!


"Taray, Kris hyung! ba't ka nakaakbay kay noona?" tanong ni Chen, na as usual, nang-aasar na naman. Bigla niyang tinanggal yung kamay niya at namula na parang ewan. "Ay bongga hyung! Marunong ka palang mag blush?" nagtawanan naman sila pero kaming dalawa eh namumula. Walangya ka Jongdae, papatayin kita mamaya. Gagawin kitang bato!

I'll be your Tinkerbell [EXOShidae FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon