[o13] The truth will set you free.

400 23 3
                                    

Third Person's POV

Habang naglalandian ang ating ref-couple sa kitchen eh nagbabangayan naman ang ating vava-couple sa kwarto ni Jessica. 

"Ang pangit kasi. Wag mong ilagay diyan. Sa kanan pa Kris." naiinis na si Jessica kasi di siya sinusunod ni Kris, kasalukuyan niya kasing nililipat yung kama niya nung dumating si Kris kaya nagvolunteer naman ang ating cool na baba na siya na ang maglilipat.

"Bakit, ikaw ba naglilipat? Upo ka na nga lang diyan." nainis naman si Jessica kaya hinampas niya ng walis si Kris.

"Bakit rin, kwarto mo ba to? Sabing sa kanan mo ilagay eh. Gusto ko pag gumising ako, nakatapat sakin yung bintana." malapit nang mapatay ni Jessica si Kris gamit ang kanyang baba este—ang kanyang hawak na walis. 

Hinagis niya kay Kris yung walis na hinahawakan niya pero nakailag naman si Kris kaya nakuha niya ito. Hinabol ni Jessica si Kris, kaya naman tumakbo rin si Kris. Naghabulan sila sa kwarto ni Jessica kaya nabitawan ni Kris yung walis na hawak niya, dahilan para matumba siya. Natapilok naman si Jessica sa paa ni Kris kaya't nadaganan niya si Kris. 

Biglang bumilis ang tibok ng puso nilang dalawa. Masyado silang malapit sa isa't isa kaya naiilang si Jessica, pero gustong-gusto naman ito ni Kris. Psh.

"Ang bigat mo naman." malamig na pahayag ni Kris, dun lang din natauhan si Jessica kaya umalis siya sa ibabaw ni Kris. Namumula na siya dahil sa hiya. 

"Oy, sige na. Ituloy mo na yung pag-ayos nung kama. Labas muna ako, kukuha lang akong tubig." nagpaalam na lang siya kasi di niya alam kung bakit siya namumula eh wala lang naman para sakanya si Kris. 

"Jessica, nasobrahan ka lang sa kape." bulong niya sa sarili at bumaba na. 

××××××××× 

Taeyeon's POV

Habang naghihintay kami sa boys eh inaayos rin namin yung dining. Makikikain daw kasi sila dito, mga patay gutom na yun. Eh, kami pa nga lang eh di na kasya sa sobrang takaw netong si Sooyoung at Yoona. 

"Unnie, kinakabahan ako." -Seohyun

"Ano ka ba Seo, di lang ikaw ano? Tayong lahat kaya. Pano kung ipagkalat nila? Pano kung layuna nila tayo?" -Sunny

"Sus, makikikain nga dito tapos ipagsasabi nila sekreto natin. Lagyan ko ng lason yang mga pinagkakain nila eh." -Yuri

"Eh kung tulungan niyo nalang kaya akong maghain dito?" sabi ko 

"Eh kasi naman Taeyeon eh. Paano pala kung hindi sila mapagkakatiwalaan? Di ka ba kinakabahan?" -Jessica

Sa totoo lang, kinakabahan rin naman talaga ako eh pero hindi ko pwedeng ipakita kasi mas kakabahan sila. Hindi naman siguro kami ilalagay sa panganib ni Papi diba?

"Magtiwala na lang tayo kay Papi girls. Hindi niya tayo ipapahamak." nginitian ko lang sila kaya mukhang pumanatag naman yung mga mukha nila. Maya-maya ay narinig kong may nag doorbell. 

"Oh, nandiyan na pala sila eh. Pagbuksan niyo na." nag-unahan naman silang magtakbuhan kaya ako, si Yuri at Jessica na lang yung naiwan. Inayos na namin lahat kaya kakain na lang yung mga batugang lalaking makikikain dito kasi tinatamad silang mag-luto. Nice -____- 

"Hi mga noona. Wow ang sarap naman ng ulam." -Xiumin

"Wow, pinaghandaan niyo talaga ah. Sarap neto oh. Hi mga noona." -Sehun

"Wow, salamat naman at di na lang puro kimchi spaghetti yung makakain natin." -Suho 

Pinandilatan naman siya ni D.O. 

I'll be your Tinkerbell [EXOShidae FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon